CHAPTER 1: MARTIR

1142 Words
SINO ITONG kasama mo sa picture, Mico, girlfriend mo?" "Girlfriend? Wala akong girlfriend at ayokong magka-girlfriend! Sino ba 'yan, patingin nga?" "Ang dami mong sinabi, eh sino itong katabi mo sa picture?" "Ah, kapatid ko 'yan. Si ate Claire." "Seryoso? Bakit parang hindi naman!" "Kapatid ko talaga 'yan!" "Gusto ko siyang makita, may kapatid ka pala, baka naman pwede ko siyang makilala." "At sa anong dahilan?" "Wala!" "Himala, ngayon lang kita nakitang nagka-interest sa babae, Franco." "Walang himala doon, sadyang taong bahay at eskwela lang ako." "Halata nga, pansin kong wala kang masyadong kaibigan." "Hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan, sapat na sa akin ang kahit isa lang, pero totoo." **** "ATE Claire', may pera ka pa po ba diyan? Wala na kasi akong pamasahe bukas eh." "Kabibigay ko lang kahapon ah. Naubos mo na kaagad? 'Di ba ang sabi ko sa'yo, tipirin mo 'yon kasi pang-isang linggo mo na 'yon, Mico. Ano ba 'yan, kailangan din magtipid." sermon ni Claire sa kapatid habang inihahanda ang kaniyang mga panindang kakanin at mga prutas. "Eh, ate, hindi ko naman ginastos eh. Kinuha ni nanay 'yong ibinigay mo. Wala na akong nagawa, kilala mo naman si inay, Ate Claire. Kung gusto niya, gusto niya. Kasi kung hindi ko ibigay siguradong bugbog sarado na naman ako ngayon. Kaya sorry, ate." malungkot na paliwanag ni Mico. Tanging silang dalawa lamang ang magkakampi. Iniwan na sila ng kanilang ama bago pa maipanganak noon si Mico. Naging kargo ni Claire ang kapatid dahil wala rin namang maaasahan sa kanilang ina na puro sugal at sarili lamang ang inaatupag. Matagal nang walang pakialam si Mildred sa mga anak, mabuti na lamang kung minsan ay may palihim tumutulong na mga kamag-anak sa dalawang magkapatid. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Claire. Maraming beses na ito ginawa sa kanila ng kanilang ina. "Sige, tulungan mo na lang ako dito para matapos na. Samahan mo na rin ako sa pagtitinda sa palengke para may baon ka bukas." "Sige po, dalhin ko na lang din doon iyong ginagawa kong project para na rin matulungan mo ako, ate." Ganito lang ang araw-araw na pamumuhay nilang magkapatid. Pinagsisikapan nila ang araw-araw nilang pangangailangan dahil wala rin naman silang ibang maaasahan kundi ang kanilang mga sarili. "Claire, may isang daan ka ba riyan, pautang muna ako ibabalik ko din." bulong ni Mildred sa anak nang minsa'y pinuntahan siya sa palengke. "Wala pa po akong napagbentahan, 'nay. Kakasisimula ko pa lang kasi." mahinahong tugon ni Claire. "Ang sabihin mo, madamot ka! Bakit may ipinagmamalaki ka na ba? Tandaan mo ito, anak lamang kita! Kaya wala kang karapatang pagdamutan ako! Hala, akin na iyang bag mo para malaman ko kung totoong wala kang pera!" Bulyaw ni Mildred sa anak sabay duro pa niya dito. Pahablot niyang kinuha ang sling bag na pinaglalagyan ni Claire ng kanyang napagbentahan. Wala namang magawa si Claire dahil nahihiya na rin siya sa iskandalong ginagawa ng kanyang ina. Hindi alintana ni Mildred ang mga matang nakatunghay sa kanilang mag-ina. Napaismid ang ilan, nagbulong-bulungan naman ang iba. Ngunit balewala iyon kay Mildred. Tinignan niyang lahat ng bulsa ng bag ni Claire ngunit tanging eighty pesos lamang barya ang kanyang nakuha. "Anong silbi na nagtitinda ka pa kung ito lang ang napagbentahan mo." masungit na wika ni Mildred sa anak pagkatapos ay tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Inay, kasi kasisimula ko pa lang na magtinda..." Hindi na natapos ni Claire ang sinasabi nang dahil isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa ina. "At sasagot ka pa? Bastos kang bata ka!" "Tumigil ka na Mildred!" saway ng isang may edad na babae kay Mildred nang akmang sasampalin muli ang anak. "Nagtatrabaho ang anak mo nang maayos, nakakahiya ka naman, ikaw sana itong tumutulong sa anak mo pero wala kang ginagawa. Perwisyo lamang ang ibinibigay sa kanya! Anong klase kang ina?" mahabang lantiya ng ale. Halos sumisigaw na ito dahil sa nakitang ginawa ni Mildred sa sariling anak. Lumapit na rin ang ilang nakiki-isyoso upang pagsabihan ang ginang. "Wala kayong karapatan na pagsabihan ako! Wala kayong pakialam kung anuman ang gagawin ko sa anak ko!" "Hoy Mildred! Kahit anak mo 'yan, may karapatan kaming pagsabihan ka dahil nababaliw ka na at napakasama ng ugali mo!" "Aling Toyang, hayaan niyo na po." pakiusap ni Claire. "Buwisit!" Inihagis ni Mildred ang sling bag ni Claire at padabog siyang lumayo. Hindi pa rin nawala ang bulung-bulungan at awa sa mga tumitingin kay Claire. "Claire, Nakikita namin ang pagsisikap mo, iha. Kaya naniniwala akong balang araw ay giginhawa rin ang pamumuhay mo." ani Aling Toyang nang makaalis ang ina, katabing tindahan lang ito nakapwesto. "Pero kung kasama niya ang bruhang si Mildred, Naku! Huwag ka nang umasa, Toyang!" wika naman ni Aling Pasing na nasa katapat nilang tindahan ng tsinelas. "Kung ako sa 'yo, iwanan ko na ang nanay mo, Claire. Naku, balakid lang 'yan sa kinabukasan mo. Sa araw-araw ba namang ginawa ng Diyos, eh panira 'yan si Mildred!" sabi naman ni Aling Toyang. "Magtrabaho ka na lang sa Maynila. Malay mo, doon ang swerte mo. Masipag ka naman at mapagkakatiwalaan." wika naman ni Aling Pasing. "O kaya, sagutin mo na ang manliligaw mong si Dexter, may kaya naman 'yung tao. Kaya ka na niyang buhayin." singit ni Lomeng na kanina pa nakikinig sa usapan. "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, iha. Ang umasa sa ibang tao para lang guminhawa ka." payong muli ni Aling Pasing. "Nako, Lomeng, huwag mong igaya sa 'yo itong si Claire. Matalino itong dalagang ito kaya huwag na huwag mong papayuhan ng ganiyan. Lalo na at babaero ang lahi ni Dexter." Nakapamaywang pa si Aling Pasing habang pinagsasabihan si Aling Lomeng. "Hindi naman dahil babaero ang ama ni Dexter, babaero na rin ang anak, ikaw talaga Pasita, masiyado ka namang mapanghusga." pagtatanggol ni Lomeng sa sarili. "Tama na ho, mga mothers, baka kung saan pa mapunta iyan." saway ni Claire na natahimik na lang kanina. "Huwag kang mag-alala, iha, ganito lang kaming magkakaibigan, parang hindi ka na nasanay sa amin." saad ni Aling Lomeng, sumang-ayon naman ang dalawang matanda. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga costumer. Gulay at mga kakanin ang mga paninda ni Claire, si Aling Toyang ang nakapuwesto sa mga ukay-ukay, si Aling Pasing ang nasa tindahan ng tsinelas at si Aling Lomeng ang nasa tindahan ng meryenda. Magkakaiba sila ng paninda kaya hindi sila nagkakaagawan ng costumer. Alas tres na ng hapon, matumal na ang benta dahil paisa-isa na rin ang mga mamimili. Sabay-sabay na napalingon ang mga matatandang magkakaibigan nang mapagsino ang dumarating. "Claire, si Dexter, pupunta yata sa 'yo." bulong ni Aling Pasing. Napatingin naman si Claire sa gawi ng inginuso ni Aling Pasing. Isang matamis na ngiti ang isinalubong ni Dexter sa dalaga. "Hi Claire," bati nito sabay abot sa isang tangkay ng kulay pulang rosas. "Oh, Dexter, anong ginagawa mo rito?" "Dinadalaw ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD