CHAPTER 3: SUGAL

1041 Words
LINGID sa kaalaman ni Franco ay nahihiwagaan sa kanya ang kaibigan niyang si Mico. Simula nang makita nito ang picture ng kanyang ate ay ilang araw na itong nang nangungulit ang kaibigan na isama siya sa palengke o kaya ay sa kanilang bahay. Ngayon ay lumakas ang kanyang kutob sa kaibigan. "Ikaw talaga, Franco, kung anu-anong mga sinasabi mo. Ang bata mo pa para mag-isip ng ganyan." Tinapik-tapik ni Claire ang balikat ni Franco. "Ilang taon ka na ba, ha?" "Kasing edad ko lang 'yan, Ate Claire." si Mico ang sumagot. "Ah fifteen, aba eh mag-aral kayong maigi mga bata, ha. Huwag muna kayong papasok sa relasyon." "Ikaw po, Ate Claire, ilang taon ka na?" balik tanong ni Franco. "Twenty two na iyan si ate." May diin sa sagot ni Mico. "Hindi halata, parang fifteen mo lang din, Ate Claire." " Aba bolero pala itong kaibigan mo, Mico." "Baka may balak kang ligawan ang ate Claire ko, Franco." biro ni Mico. "Nako mga batang ito, kung saan na napunta ang usapan." puna ni Aling Pasing na kanina pa nakikinig. Tumigil na sa pagsasalita si Franco ngunit panay ang sulyap nito kay Claire hanggang sa naghanda na sila sa pag-uwi, naroon pa rin ang binatilyo. "Ah, Mico, Sabado bukas kaya samahan natin si ate Claire." ani Franco nang nasa daan sila pauwi. Bitbit ang ilang mga panindang hindi naubos. "Paano 'yong project natin, akala ko sa inyo tayo gagawa?" "Pwede naman sa palengke na natin gawin." "Ikaw ang bahala." "Saan ka ba umuuwi, Franco?" tanong ni Claire. "Sa kabilang barangay lang po, ate." "Aba, ginabi ka na pala, baka mapagalitan kansa inyo." "Wala namang magagalit, ate, kaya okey lang." "Sige, ikaw ang bahala." KINABUKASAN, gaya ng sinabi ni Franco ay tinulungan niya si Claire sa pagtitinda. At kapag walang namimili ay isinisingit nila ang paggawa ng kanilang project ni Mico. Laking ginhawa ng dalaga na naroon ang kapatid nito at si Franco lalo na at hindi sila nahihiyang magtawag ng mga costumer kaya mas marami ang napagbentahan nila ngayon. "Ate Claire, magtago ka ng pera mo, huwag mong ilagay lahat sa bag mo na iyan para kahit na dumating na naman si Nanay Mildred, hindi niya makukuha lahat." Payo ni Franco at sinunod naman iyon ni Claire. Nagtago ng pera ang dalaga sa kanyang sapatos. Ganoon din si Mico. Gaya ng inaasahan, naroon na naman si Mildred. Humingi na naman ito ng limang daan. Nagbigay na lang si Claire upang walang eskandalong mangyari. "Ate Claire, saan ba ginagamit ng nanay mo iyong mga hinihingi niya sa'yo. Wala ba siyang trabaho? Bakit parang araw-araw na lang siyang humihingi ng pera. Mawawalan ka ng pangpuhunan niyan." "Hindi ko alam, Franco, minsan saktong baon na lang ni Mico ang natitira." "Minsan nga, wala. Kasi nga kinukuha ni nanay. Kung kaya ko lang siyang labanan eh." gigil na wika ni Mico. "Iwan niyo na lang siya, kaysa ganyan ang ginagawa niya sa inyo. Hindi kayo makakaahon sa kahirapan kung araw-araw ay ganiyan ang ginagawa ng inyong ina." "Hindi naman gano'n kadali, Franco. Nag-aaral pa itong si Mico eh, hindi ko siya pwedeng iwan." "Basta ang masasabi ko lang, Ate Claire, hindi maganda ang ginagawa ng nanay niyo sa inyo, dapat nga siya ang nandito ngayon sa palengke, at kayong dalawa amg katulungan niya, pero hindi! Baliktad na yata ang mundo." "Ikaw talaga, Franco, para kang matanda kung magsalita." Napakamot naman si Franco sa sinabi ni Claire. "Nagsasabi lamang ako ng totoo, ate." Walang pasok si Mico sa araw na iyon kaya nasa palengke sila ulit na magkaibigan. Nanghiram si Franco ng bisikletang may sidecar, kinuha niya ang ibang mga paninda ni Claire at nagbahay-bahay sila ni Mico. Isang saradong gate ang kanilang nadaanan, narinig nilang nagtatawanan ang mga naroon. Similip si Franco sa butas upang alamin ang nangyayari at baka sakaling may bumili sa kakanin nilang paninda. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamukhaan ang isa sa naroon. "Mico, halika dali! Sumilip ka dito!" Tawag niya sa kaibigan at kaagad na lumapit si Mico at sumilip sa isa pang butas. "Ang nanay Mildred mo 'yon, 'di ba?" "Oo, ano ba 'yang ginagawa nila diyan sa mesa?" "Sugal 'yan, Mico. Tignan mo ang nanay niyo. Diyan niya ginagamit ang nakukuha niyang pera sa inyo." "Tara na, Franco, may papalapit." Kaagad na bumalik sa bisikleta ang magkaibigan at nagkunwaring walang nakita nang binuksan ng isang lalaki ang gate. "Uncle, kakanin ho, bibili ka ba?" Iwinagayway ni Franco ang isang tali ng suman. "Hindi!" sagot ng lalaki pagkatapos ay isinarado rin ang gate. "Nakita mo 'yon? Tama ba na ang pinaghihirapan ng ate mo ay pinangsusugal lang ng nanay niyo?" "Kawawa naman si ate Claire, anong gagawin natin." "Ano pa ba, eh 'di sabihin natin sa kanya ang totoo, baka sakaling matauhan na ang ate mo." Nang maubos ang paninda nilang magkaibigan ay kaagad silang bumalik sa pwesto ni Claire sa palengke. Kaagad naman nilang ipinagtapat ang ang kanilang nasaksihan. Galit na galit ang mga matatandang kaibigan ni Claire na sina Toyang, Pasing, at Lomeng dahil sa nalaman. Kinagabihan, nais komprontahin ni Claire ang ina kaya inabangan nila ni Mico ang pag-uwi nito 'pagkat umaga na lamang sila nagkikita dahil sa palaging hating gabi o kaya'y madaling araw na kung umuuwi si Mildred. Kagaya ngayon, hatinggabi na ngunit wala pa rin ang kanilang ina. NAKATULOG na lamang si Mico sa paghihintay. Tumingin si Claire sa orasan na nakasabit sa dingding, pasado ala una na ng madaling araw nang may marinig siyang humahagikgik sa labas ng kanilang bahay. Boses iyon ni Mildred na parang kinikiliti. Inabangan ni Claire ang pagbukas ng pintuan. Bahagya pang nagulat si Mildred nang makita ang anak na nag-aabang sa kaniya. Napabitiw ang lalaking kanina ay nakayapos sa kanya. Tila nawala ang kalasingan nito. "Hoy babae, bakit gising ka pa?" "Hinihintay kita, 'nay. Gusto kong malaman kung saan mo ginagamit ang perang kinukuha mo sa akin!" "Wala kang pakialam kung saan ko ginagamit ang pera ko!" "Hindi mo pera iyon, 'nay, pinaghirapan ko 'yon! Tapos ngayon mag-uuwi ka ng lalaki? Anong klase kang ina?" "Aba tumatapang ka na ha, sinong ipinagmamalaki mo, si Dexter? Wala kang pakialam kung sino man ang dalhin ko dito sa pamamahay ko! Baka palayasin kita diyan ngayon din!" singhal ni Mildred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD