CHAPTER 10: PAG-UWI

1045 Words
Ilang buwan na rin na kinukulit ni Mildred ang mga anak, at kahit na si Claire lamang ang uuwi ay ayos na sa kanya. Ngunit mas pinili ni Claire ang mag-aral. Ilang buwan na lamang ang kanyang gugugulin sa eskwelahan ay makakapagtapos na rin siya sa wakas. Parang kailan lang noong nagsisimula pa lang siyang makapag-aral muli, ngayon buwan na lang ang kanyang binibilang. "Kaunting push pa, Claire. Ga-graduate ka na rin sa wakas!" wika ng dalaga sa sarili habang ginagawa ang kanyang thesis sa library ng kanilang school. "Pwede kitang matulungan diyan, pinagdaanan ko na 'yan." anas ni Daniel na naupo sa kanyang tabi. "Bakit ka nandito? Busy pa ako." "Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko, kaya nagbaka sakali ako kung nandito ka, hindi nga ako nagkamali. Sobrang busy pala ng future girlfriend ko." Natigilan si Claire sa pagsusulat. Inilabas naman ni Daniel ang kanyang laptop mula sa itim niyang bag saka binuksan iyon. "Oh, bakit nandiyan ako sa wallpaper ng laptop mo?" usisa ni Claire. "Para may inspirasyon ako sa work, ayaw mo ba?" "Hindi naman sa gano'n, Daniel. Kasi..." "Kasi ano." "Wala." Nag-iwas ng tingin si Claire. Matagal na silang magkakilala at magkasama ni Daniel ngunit tila naiilang pa rin ito sa binata. Hindi niya rin maintindihan ang binata dahil minsan ay bigla itong nagiging sweet sa kanya, minsan naman ay para lang siyang hangin kung ituring. Minsan naman ay bigla na lang itong susulpot kagaya ngayon, ngunit minsan naman ay walang paramdam ng ilang linggo. "May lakad ka ba mamaya?" "Wala, naman. Kailangan ko lang ipagpatuloy itong ginagawa ko sa bahay." "Kain tayo sa labas, sagot ko." "Parang nag-iba ulit ang ihip ng hangin ah. Ilang araw ka ding hindi nagparamdam, tapos ngayon yayayain mo akong kumain sa labas." "Hindi mo ba ako na-miss?" Napatigil ulit si Claire sa pagsusulat. "Hindi naman, sanay na ako eh." aniya. "Nakakatampo naman." pinalungkot ni Daniel ang tinig. "Nagdrama pa 'to. Bakit sino bang hindi nagparamdam?" "So, na-miss mo din pala ako?" "Parang ano 'to, do'n ka nga! Ginugulo mo ako eh." "Uy, namumula." "Huwag kang maingay, nasa library tayo." "Sorry na." Umayos si Daniel sa pagkakaupo. "Mamaya mo na 'yan tapusin, alis na tayo." bulong ni Daniel. Pinatay din niya at iniligpit ang laptop na hindi nagamit. Pagkatapos ay iniligpit din niya ang mga gamit ni Claire. "Ano ba'ng ginagawa mo, Daniel?" "Nagliligpit. Mamaya na 'yan. Tutulungan kita." Wala na ring nagawa si Claire kundi iligpit ang iba pa niyang gamit. Hindi na rin siya makakapag-concentrate dahil kay Daniel. Nag-order sila sa drive thru ng isang fast food chain pagkatapos ay nagtungo sa isang parke. Palubog na ang araw nang sandaling iyon. Naglatag si Daniel ng mantel sa damuhan, pagkatapos ay inayos niya ang mga dalang pagkain na nabili sa drive thru. "Alam mo, nawi-wirdohan ako sa'yo ngayon." ani Claire. Tila bumabalik sa kanya ang isang ala-ala na matagal na niyang nais kalimutan. Ang ala-ala nila ni Franco sa ilog, ang taong unang nagparamdam sa kanya na espesyal siya. "Bakit naman?" "Kasi may pa-ganito ka pa, ang corny kaya." ani Claire. Pinipilit niyang iwaksi sa isipan ang ala-alang pilit nagsusumiksik. Masasaktan lamang siyang alalahanin ang mga iyon. Napakamot ng batok si Daniel. "Sorry na, hindi ko kasi alam talaga kung paanong maging romantic." "Bakit naman kasi kailangan pa na maging romantic?" Nagpakawala muna ng hangin si Daniel bago nagsalita. "Okey, parawala nang paliguy-ligoy pa. Claire Joy Roxas, pwede ba kitang maging girlfriend?" "Ano joke 'to, Daniel?" "Seryoso ako. Hindi ito kalokohan o or joke. Pasensiya na kung ngayon lang ako nagtapat sa'yo." Tumitig si Claire sa binata. Tanging kaibigan lang ang nararamdaman niya para dito. Ngunit sa mga mata ni Daniel ay naroon ang sinseridad sa sinasabi nito. "Hindi kita mamadaliin. Of course, liligawan muna kita. Pumapayag ka ba?" "Daniel, sa dami ng naitulong mo sa akin, at ni Tita Samantha, parang kabastusan naman kung tatanggi ako. Pero, sa ngayon kasi mas focus ako sa pag-aaral ko. Ayokong biguin si Tita Samantha, utang na loob ko sa kanya kung nasaan ako ngayon. Hangga't maaari sana ay ayoko munang isipin ang pakikipagrelasyon hangga't hindi pa ako nakakapagtapos." mahabang lantiya ni Claire. "Naiintindihan ko naman, Claire. Ilang buwan na lang din naman ang hihintayin, I can wait." Nagpatuloy si Daniel sa panligaw niya, naging mas madalas ang nitong sinasamahan si Claire kahit abala siya sa kanyang trabaho. Hindi naman maikaila no Claire na tila nahuhulog na rin ang kanyang loob sa binata lalo na at tila lalo silang naging malapit sa isa't-isa. FIRST day of semestral break, nagising si Claire dahil sa hindi tumitigil na patunog ng kanyang phone. Napilitan na lang siyang sagutin ito kahit na sobrang inaantok pa siya. "Hello?" "Hello, anak. Ako 'to, ang nanay mo." sagot ni Mildred sa kabilang linya. Umuubo ito nang malakas. "Oh, 'nay. Bakit po ang aga naman yata?" "Anak, miss na miss ko na kayong magkapatid, gusto ko lang makita ni Mico, o kahit ikaw lang anak. Bisitahin mo naman ako," ani Mildred na tila hirap na hirap ang kanyang tinig. "B-baka hindi na ako magtagal pa." dagdag pa niya. "B-bakit mo po 'yan sinasabi, 'nay, may sakit po ba kayo?" "M-may cancer daw ako sa baga, anak, sabi ng doctor." Lalong lumakas ang pag-ubo ni Mildred. "Gusto lang naman kitang mayakap kung sakali mang darating ang oras ko ay nakahingi man lang ako ng tawad, anak." Natutop ni Claire ang bibig. Dinig niya mula sa kabilang linya ang paghihirap ng kanyang ina. Naalala niya noong bata pa siya ay mabait noon ang kanyang ina sa kanya. Bagong panganak noon si Mico nang iwan sila ng kanilang ama. Pitong taong gulang si Claire noon. At mula noon ay hindi na niya nakita pa ang kanilang ama. Hanggang sa unti-unting nagbago ang ugali ni Midred. Ang dating mapagmahal na ina ay naging malupit at makasarili. Natuto na itong uminom ng alak at pinasok ang iba't-ibang mga bisyo. Ilang lalaki na rin ang nagda sa buhay ni Mildred ngunit walang nagtatagal sa kanya. Ngunit ngayon, ayon sa kwento ni Mildred kay Claire ay mag-isa na lamang ito sa kanilang bahay sa San Fernando. May mga mangilan-ngilan na kamag-anak na tumutulong sa kanya ngunit mas marami pa rin ang namumuhi sa kanya dahil sa ginawang pagsira sa sariling buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD