CHAPTER 9: TAWAG

1114 Words
Kinabukasan, hindi inasahan ni Claire na maagang naroon si Daniel sa tapat ng bahay na kanilang tinutuluyan. Matiyaga itong naghintay sa sala habang naghahanda silang magkapatid sa pagpasok sa eskwela "Good morning, Miss Beautiful, Ihahatid ko na kayo ni Mico sa school." "Naku, kahit hindi na lang sana naabala ka pa tuloy, Daniel." "Hindi naman gaano, madadaanan ko din naman ang school niyo kaya huwag na kayong mahiya." "Salamat, Kuya Daniel! " ani Mico nauna nang sumakay. Wala nang magawa pa si Claire kundi sumakay sumakay na rin. Araw-araw na na inihahatid-sundo ni Daniel si Claire. Paminsan-minsa'y kumakain din sila sa labas. Naging mas nagkakilala pa silang dalawa. Minsan ay nakaktulong din ang binata sa mga school works ni Claire. "Manliligaw mo na ba si Kuya Daniel, Ate?" usisa ni Mico nang kasalukuyan silang nag-almusal. "Hindi naman, wala naman siyang sinasabi sa akin na manliligaw siya." "Gano'n ba, akala ko nanliligaw na eh. Pero kung sakali man na manligaw siya, ate, may pag-asa ba si kuya Daniel?" "Hindi ko alam. Teka, bakit mo ba tinatanong sakin ang mga 'yan?" "Nagtatanong lang ate, akala ko magkakaroon na ako ng bayaw!" tugon ni Mico na tumatawa. Lingid sa kaalaman ni Claire ay kumukuha lamang ng impoasyonbang kanyang kapatid sa kanya. Natapos din ang pangalawang taon sa kolehiyo ni Claire. Nanatili ang magandang pagkakaibigan ng dalawa at kung minsan ay napagkakamalan silang magkasintahan. "ATE CLAIRE, tumawag si Aling Pasing, nasa ospital daw si inay." "Ha? Bakit daw?" "Sinaksak daw ng kanyang kinakasama, Ate." Kaagad na tinawagan ni Claire si Aling Pasing at doon niya nalaman na araw-araw palang nag-aaway ang kanilang ina at ang kinakasama nito. Baon na rin sa utang si Mildred kung kaya't halos namamalimos na lang ito sa mga palengke upang may makain. Nagtago na rin ang kinakasama nito pagkatapos saksakin ng tatlong beses. Mabuti na lang at nagmagandang loob ang kanilang kapitbahay upang saklolohan siya at dalhin sa ospital. "Ate, hindi tayo pwedeng umuwi. Pasukan na natin sa isang araw." ani Mico. "Oo nga pala. Sige, magpapdala na lang ako. May ipon naman ako kahit paano." "Hayaan mo na si inay, ate. Dapat lang 'yon sa kanya dahil masama ang ugali niya!" "Mico! Naririnig mo ba ang sarili mo? Inay pa rin natin siya kahit gaano kasama ang ginawa niya sa atin." "Sorry, Ate. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga ginawa niya sa atin eh." "Matagal na 'yon, hayaan mo na, patawarin mo na si Inay. Ang mahalaga, nakakaranas na tayo ngayon ng ginhawa dahil sa mga taong nagmagandang loob nantumulong sa atin. Isipin mo na lang iyon, Mico. Kung walang tumulong sa atin, sa tingin mo nasaan kaya tayo ngayon. Basta ako magpapadala ako. Alam kong may ipon ka rin, pero ikaw ang bahala kung magdadagdag ka." lantiya ni Claire. "Magdadagdag ako sa ipapadala mo, Ate. Pero hindi ko pa kayang patawarin si inay." wika ni Mico, pagkatapos ay tinungo ang kanyang kwarto. Kinabukasan, maagang ipinadala ni Claire ang perang kakailanganin ng kanilang ina sa ospital at nagdagdag pa ng kaunting pambili ng pagkain. Ngunit nakiusap silang magkapatid na hangga't maaari ay huwag nilang sabihin na nanggaling ang pera sa kanilang magkapatid. Palihim na nagpapadala si Claire buwan-buwan ng pera sa kanilang ina mula sa kanyang allowance sa eskwela. Naawa ito sa sitwasyon ni Mildred lalo na at mag-isa na lang daw ito sa kanyang bahay. "Nanay Pasing, kumusta si inay?" usisa ni Claire. "Sa pakakalam ko ay namasukan si Mildred sa bayan bilang tagahugas ng plato sa isang karinderya. Marami na kasi talagang naniningil sa kanya." "Mabuti naman po kung nagtrabaho na siya." "Kaso nga lang, may bago na siyang kinakasama ngayon ang nanay mo." "May bago na naman pala, hindi na siya nadala." "Ewan ko ba diyan sa nanay mo, ang tanda-tanda na eh maisip pa niya ang ganyan." "Sige po, 'nay Pasing, tatawag po ulit ako sa inyo." Kapapatay lamang ng tawag ni Claire nang tumunog ulit ito. Si Aling Pasing ang tumatawag. "Hello po, 'nay Pasing. May nakalimutan po ba kayong sabihin sa'kin?" "Anak, ako 'to. Ang nanay mo, kumusta ka na, anak, hindi mo ba nami-miss ang nanay?" "I-inay?" "Ang kapal mo naman para itanong iyan sa anak mo! Pagkatapos ng mga ginawa mo sa kanilang magkapatid? Pwe!" tinig ni Aling Toyang mula sa kabilang linya. "Claire, anak, umuwi na kayo dito sa atin, pangako na magbabago na ang nanay. Miss na miss na kita." wika ni Mildred na umiiyak. "Huwag na kayong umuwi dito sa atin Claire! Dahil magiging impiyerno lamang ang buhay niyo dito!" wikang muli ni Aling Toyang. "Sino'ng kausap mo, Ate?" "S-si inay." Kinaha ni Mico ang selpon ng kapatid na nakatulala na lamang na nakikinig sa bangayan doon sa palengke. Nag-aagawan ng selpon si Lomeng at Mildred. Ngunit nailayo iyon ni Mildred. "Hello, Anak? Nariyan ka pa ba?" "Ang kapal ng mukha mong tawagin kaming anak! Pagkatapos ng mga ginawa mo sa amin ni ate Claire? Sa tingin mo isa kang ina sa amin?! " "Mico, anak ko, patawarin mo na ako, anak. Pangako, magbabago na ako. Umuwi lang kayo ng ate mo." umiiyak na wika ni Mildred. Narinig ni Mico ang isang malakas na sampal. Napaigik ang kanilang ina. "Umalis ka na Mildred! Kung ayaw mong i-pabarangay ka namin dahil sa panggugulo mo dito!" galit na wika ni Lomeng nang makuha niya ang selpon ni Pasing. Galit ang mukha ni Mico nang patayin ang aparato. "Hindi tayo uuwi, ate. Isipin mo ang mga pangarap mo, at ako. Ayoko nang bumalik pa sa impiyernong buhay kasama ni inay!" Naiwan si Claire na mag-isa sa trerrace. Nagtatalo ang kanyang isipan. Nais niyang umuwi upang makitang muli ang ina, ngunit ayaw naman niyang manatili roon. Isa pa sa iniisip niya ang galit ng kanyang kapatid. Ayon kay Aling Pasing, nalaman na raw ni Mildred na si Claire ang nagpapadala sa kanya ng pera. Ito marahil ang dahilan kung bakit siya pinapauwi ng kanyang ina. "Desisyon mo 'yan, iha. Kung gusto mong umuwi ay hindi kita pipigilan. Isang taon na rin naman at makakapagtapos ka na." wika ni Mrs. Vergara nang sabihin ni Claire ang problema sa ginang. "ANAK, patawarin mo na ang nanay, ipinapangako ko na magbabago na ako. Miss na miss ko na kayo ni Mico." malambing na wika ni Mildred mula sa kabilang linya. Ginawa niya ang lahat ng paraan para makuha lamang ang contact number ni Claire kaya ngayon ay malaya na siyang nakakatawag sa dalaga. "Hindi pa pwede, 'nay. Busy po ako sa school. Marami po kasing school works, lalo po ngayon na graduating na ako." "Sige, anak, kung hindi mo talaga ako mapagbibigyan, wala akong magagawa. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, ha." sagot ni Mildred na umuubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD