EpisodeOne
Kagat ko ang kuko sa aking hintuturo sa kaba kung paano ko ma-e-execute nang maayos ang plano ko. Narito ako ngayon sa labas ng Blue Oil Corporation, ang isa sa malaking Oil Company sa bansa. Actually, three days ago ay sumubok akong mag-apply sa kanila at sa kasamaang palad ay hindi ako nakapasok. Ang saklap lang.
Kaya heto ako ngayon, palaboy na lang sa kalsada. Pasilong-silong na lang kung saan p’wede. Galing pa akong probinsiya one month ago para nga makipagsapalaran, ang kaso’y ito ang napala ko. Na-scam ako sa boarding house na dapat ay tutuluyan ko. Nagpanggap lang naman na landlady iyong tunay na nangungupahan sa space na kinuha ko, hiningian ako ng one month advance at two months deposit. Ako namang si tanga ay nagbigay ng twelve thousand sa taong ‘yon. After two weeks ay pinaalis na ako ng tunay na landlord dahil sa hindi nga nakakabayad pala ang taong tunay na umupa sa kaniya. Sa sobrang hirap ay hindi na rin ako makakain ng sapat, naiiyak na nga lang ako minsan habang naghahanap ng makakain sa basurahan.
Dahil sa nahihiya ako sa mga magulang ako’y hindi ako kumontak upang sabihin ang nangyari sa akin, ayaw kong mag-alala pa sila. Ang goal ko ay makakuha ng trabaho upang makatulong sa kanila. Kung alam ko lang sana na mangyayari ito’y ibinigay ko na lang kay tatang ang mahigit fiftheen thousand pesos na naipon ko sa loob ng mahigit two years sa pagpa-partime sa isang ihawan sa amin.
“Ano ba Atasha, mag-isip ka na kung ano ang gagawin mo.” Mukha akong tanga na nakikipag-usap sa sarili ko habang nagtatago sa posteng malapit sa Exit ng naturang Kumpaniya.
Dito ako itinuro ng naka-usap kong ‘Boss’ noong isang araw, ang sabi niya’y hanapin ko lang daw ang lalaking nagngangalang Zeke Andres kung gusto kong magkaroon ng trabaho. Oo pumayag ako, lalo na no’ng hindi ko pa nalalaman na kailangan ko palang akitin at pa-in-love-in ang lalaking ni-hndi ko pa nga nakikita sa buong buhay ko.
Sa totoo lang ay nagsisisi ako kung bakit ko pa binalak na magkunwaring nabundol ng sasakyan para lang sa danyos. Hindi ako nag-isip ng maayos kaya ako pa ang na-trap tuloy.
Paano kung chaka o di kaya’y MMMM na pala ang Mr. Zeke na ‘yon? Kinilabutan na lang ako sa mga ka-praningan ko sa sarili ko.
Nagpalinga-linga pa nga ako upang tignan kung papalabas na ba ang sasakyan ng sinabi ni Boss sa akin, tinandaan ko ang plate number ng sasakyan nito kaya madali kong malalaman kung nasaan na siya.
Ngunit habang nasa kalagitnaan ng pag-aabang ay isang tawag ang nareceive ko mula sa amin.
“Inang? Hello?”
“Nak? Ading, kumusta ka? N-nasaan ka ngayon?” tanong ni nanay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot kay inang. Hindi ko naman p’wedeng sabihin na narito ako sa labas ng isang malaking building at may hina-hunting na tao para maging jowa ko balang-araw.
“Ahm, nasa work ako inang… bakit po?” pagsisinungaling ko. “ Ayos lang po ba kayo riyan? At tsaka bakit parang kaka-iba ang boses niyo ngayon?” dugtong ko naman.
“Ang totoo kasi niyan anak ay mayro’ng problema dito.”
Naging seryoso ako sa sinabing iyon ni Inang, medyo kinabahan pa nga ako sa problemang sinasabi niya.
“Kasi anak, d-dinala sa Ospital ang t-tatang mo. Inatake k-kasi siya bigla, ayaw ko naman sanang istorbohin ka ang kaso’y wala naman akong malapitan. Malaki rin ang naging bill sa Ospital at wala naman akong mahiraman dito.”
“Ha? K-kailan pa po nasa Ospital si tatang?” Nagulat na ako na two days na pala sila doon ng hindi ko man lang nalaman. Nagalit pa nga ako ng konti kung bakit inilihim pa nila sa akin ang importanteng bagay na ‘yon, pero dahil sa wala na rin akong magagawa ay ikinampante ko na lang ang sarili ko’t tinanong kung magkano ang kailangan.
Akala mo naman ay mayro’ng pera na madudukot at maipapadala, pero kung para sa tatang ay gagawan ko ng paraan kahit buwis-buhay pa ‘yan.
“Ten thousand kasama na pati gamot? Lahat na ‘yon inang?” Pag-uulit ko. Parang gusto ko pa ngang mahimatay sa ten kayw eh. Kasi kahit nga one hundred pesos ay wala na ako ngayon.
Ibinaba ko ang keypad phone ko’t napasabunot na lang sa aking buhok.
“Ano nang gagawin ko ngayon?” Napapapadyak pa nga ako sa sobrang frustrations na naramdaman ko. Hanggang sa pumatak na ang luha padaloy sa aking pisngi. Mas masakit pa ‘to sa hiwalayang Daniel at Katryn, eh.
Napasinghot ako, punas sa uhog na malapit nang tumulo mula sa aking ilong. “Kailangan ko nang makapasok sa trabaho,” sabi ko sa aking sarili. Kakapitan ko na lahat ng matatalim para lang magkaroon ng income. Kapakanan ng mga mahal ko sa buhay muna bago ang aking pride.
Inayos ko na nga ang aking sarili’t binitbit ang aking bag at saka nagmartsa patungo sa Entrada ng BlueIOil Corporation. Ang balak ko talaga ay gawin ulit ang scheme na ginawa ko sa may-ari ng kotseng pinagkunwarian kong nabundol ako. Pero dahil sa ang hirap hagilapin ng Zeke na ‘yon ay ako na ang mismong lalapit sa kaniya. Kumbaga ang manok na ang lalapit sa palay. Tama ba?
Dumiretso nga lang ako ng lakad, with my chin up habang ibinubulong na kaya ko ‘to, go lang. Ngunit tanggal lahat ng angas ko nang harangin ako ng dalawang guwardiyang nakabantay sa main gate.
“Ma’am, hindi ko kaya p’wedeng pumasok na lang basta-basta kung wala ho kayong appointment. Pasensiya na po,”sabi ng isa.
“Huh? Pero gusto ko lang sanang kausapin si Z-Zeke. Ako po si Atasha.” Para akong mabubulunan sa pagbigkas ng pangalan na ‘yon. Pinagdasal ko na sana’y hindi mala-dragon ang Zeke na ‘yon, sana ay gwapo rin at yummy tignan.
“Si sir Zeke Andres po, ka ano-ano niyo po ba siya? First time ko lang po kasi kayong makita rito kaya naman hindi ko ho mamukhaan kung kamag-anak ka ba niya.” Ngayon ay ang isa naman sa mga guwardiya ang humarap sa akin. Nakita ko pa nga kung paano ako nito tignan mula ulo hanggang paa. Hindi siguro niya akalain ng may mukhang gusgusing pulubi na kakilala ang amo nila.
“Ah, ano eh–” nag-isip ako. Aha! Lunok laway muna. “A-ako ho ang future wife niya. Oo tama, pasensiya na kayo. Ang totoo niyan eh, i-su-surprise ko dapat si Zeke ngayon, hetong backpack ko… ahm… galing kasi ‘kong hiking. Hehe.” Ipinag-cross ko ang aking mga daliri na sana ay hindi nila paghinalaan ang mga kalokohang pinagsasabi ko dahil kapag nagkataon ay sa presinto talaga nag bagsak ko nito.
Sinabi ko sa isa sa kanila na importante talaga na makausap ko siya, between life and death situation lang, gano’n. Nakita ko ang pagtawag ng isa mula sa walkie-talkie niyang dala, ilang minuto nga’y lumayo ang Manong sa puwesto ko.
Naku! Mukhang mahuhuli na ang scam story ko.
Nag-usap nga sila habang sumusulyap-sulyap sa akin. It’s time na ata para sa next plan ko. Mabilis akong kumaripas papasok sa umiikot na salaming pintuan, nagsisigaw.
“Zeke Andres, my love. Lumabas ka, mag-usap tayo.”
Ang lame ng second plan ko, pero kapag umubra ay jackpot ako. Makukuha ko ang Fifty thousand pesos na alok ng ‘boss’ ko as a signing bonus kung mapapansin ako ni Mr. Zeke.
“Zeke…” piling ko’y mailuluwa ko na ang aking lalamun sa sobrang pag-push ko na makasigaw.
“M-ma’am, bawal ho kayo rito.”
Patay! Heto na sila Manong.
“Mga ser, hayaan niyo na ho na makita ko ang mahal ko. Hindi ko na kasi kayang ang pagiging LDR namin. Pakiramdam ko’y para akong kandilang mauupos sa sobrang pangungulila sa kaniya.”
Para ‘kong tangang nagmamakaawa sa kanila habang nakasabit ang aking magkabilang braso sa magkabilaan din dilang mga kamay. Nakataas ang dalawang paa na binibitbit ako nila papalabas.
“Manong, si Zeke ang ama ng anak ko. Kaya kailangan niyang malaman ang katotohanan! Kailangan siya namin ng anak niya!”
“Na-i-radyo na naman ito sa taas ma’am, wala raw kakilalang Atasha ang boss namin.”
“Huh? Baka naman bigla siyang nagkaro’n ng amnesia kaya hindi niya matandaan ang pangalan ko. Pero totoo po’y nagkajugjugan na kaming dalawa.”
“Ha?”
“Mga manong, ibaba niyo na po ako.” May pa-iyak-iyak pa ako kunwari, ilang dipa na lang ay nasa Exit na ulit kami. Wala na ang signing Bonus ko. Kaiyak, kailangan ko ng pampadala sa Ospital bill ng tatang ko.
Ngunit nagulat na lang ako nang mayro’n malalim at malamig na tinig ang sumigaw na ibaba ako. Tumalima naman ang dalawang Manong lalo ng makilala nila kung sino ang nag-uutos no’n.
Pagkatapos ay ako naman ang lumingon, and to my surprise ay nakilala ko ang isa sa tatlong nag-ga-gwapuhan na lalaki na nasa harapan ko. Si Boss, ang nag-utos sa akin na akitin si Mr. Zeke. Napatakip pa nga ako nga aking mata dahil sa dala nilang kakisigan. Never in my life na nagkaro’n ng chance na tatlong guwapito ang tumambad sa mala-bruha kong hitsura ngayon.
“Hei” Slang kong sabi para sa salitang ‘hi’.
Nakasalampak pa rin ako sa sahig hanggang sa abutin ng isa sa kanila na may maliit na mole sa kaliwang bahagi ng kaniyang mata ang nag-abot ng kamay niya sa akin. He was an example of tall, dark and handsome man. Gusto na lang lumuwa ng eyeballs ko sa gandang-lalaki niya.
“You’re saying that you have my child, right?”
Wow! Ang sarap maging ang timbre ng boses niya.
“Huh?”
Ngumiti siya, pero bakit parang ngiting pa-mysterious naman?
“Okay then, let’s go.”
Napanganga ako sa sinabi niya, bahagya ko pang pinasikot-sikot ang mata ko sa paligid. Ey, nakakahiya ang daming taong nakatingin.
Alangan na tuloy akong muling ibalik ang tingin sa lalaki na nasa harapan ko, could it be na siya na si Zeke na hinahanap ko? Sasagot pa sana ako kung hindi lang biglang sumakit ang aking tiyan, at ilang sandali lang ay nagdilim na lang ang paningin ko.