Hindi ako mapakali, hindi na makuhang tanggapin ng utak ko ang lahat ng nangyayari sa tahanang napuntahan ko. Ni-hindi ko pa nga rin nakakalimutan ang tungkol sa planong ‘pagp*tay’ ngayon ay mayroon na naman. Buong akala ko pa naman ay kakaiba talaga si sir Zeke, siguro nga’y tama ang sinasabi nila na sadyang malupit ang kanilang amo. Paano pa kaya kung malaman nila ang sikreto nito bilang isang killer? Nagpabalik-balik ako ng aking paglalakad pakaliwa’t-kanan sa aking kwarto. Kanina pa ako sa Opisina balisa’t hindi makapag-isip ng maayos. “Kailangan ko nang makaalis dito, mukhang hindi na ako magiging ligtas pa kapag nagtagal pa ako ng kahit na isang araw,” pabulong kong sabi sa aking sarili. Hindi na nagpahanda ng hapunan si sir Zeke, nagpa-take out na lang siya ng makakakain sa rest

