-Jewel- Naging masaya at maayos ang pagsama sa amin ni Mrs. De Lana sa lahat ng naging medical mission at kahit na mainit o nahihirapan ito ay hindi man lang ito nagreklamo kahit na minsan, wala rin akong nakita o narinig na nagsalita ito na napapagod sa lahat ng lugar na aming pinupuntahan. Kung tutuusin ay hindi naman nito kailangan gawin na samahan kami o bigyan kami ng mga karagdagang pagkain na aming pinamimigay dahil alam naming nakakahiya sa pamilya nito kung malalaman nila ang ginagawa ng kanilang ina. Nasissigurado ko ring magagalit ang asawa nito oras na makita itong napapagod at naiinitan sa pamamamigay ng mga grocery sa mahihirapan na lugar. “Ma’am, tubig po.” Magalang kong sambit at inabot ang isang battle water. Nakita ko kasing napaupo na ito sa isang upuan dahil na rin

