-Marco- Halos hindi ko makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa nakikita ko si Jewel na nakaupo at katabi ng aking ina, hindi ko nga alam na nakauwi na rin ang mga ito dahil ang alam ko ay nagpunta si Mommy sa medical mission kung nasaan si Jewel. Nalaman ko ring nagpadala ng request letter ang hospital na pinagtatrabahuhan nito para sabihing ako mismo ang nagrerequest para maging private doctor ko ito dahil sa nais ko talaga itong makita at makasamna, ngunit ilang beses daw itong tumangi kaya nakaramdan ako ng lungkot dahil sa nagiging sagot nito sa request ko. Subalit nagayon ay hindi ako makapaniwala na narito ito ngayon sa loob ng aming mansion at masayang kausap ang aking pamilya at aaminin kong namiss ko ang mga masasaya nitong ngiti na madalang ko na rin makita ngayon. Pero para n

