MAHABA-HABANG kumustahan pa ang naganap sa loob ng bahay-ampunan bago nag paalam sa mga Madre ang mag-asawang Hector at Pipay. Kung hindi nga lang din nasasabik ang matandang PenaVega na muling makita si Pipay ay wala pa silang balak na umalis ng bahay-ampunan. Natutuwa pa kasi si Pipay na tingnan ang kaniyang asawa na aliw na aliw makipaglaro sa mga bata. Nakasandal si Pipay sa dibdib ni Hector habang lulan na sila ng kotse pauwi sa bahay ng mga PenaVega. Napagod talaga siya sa mahabang biyahe galing Amsterdam at idagdag pa ang pakikipag-laro niya sa mga bata kanina. "Are you tired, baby?" bulong na tanong ni Hector sa asawa. Isang malalim na paghinga muna ang hinugot ni Pipay bago iyon pinakawalan sa ere at tumango bilang sagot sa kaniyang asawa. "You should sleep. Medyo malayo pa tayo

