NANLALABO ang mga mata ni Pipay nang muli siyang mag mulat ng mga mata at maulinagan ang nag kakagulong tao sa paligid niya. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata ang kaniyang asawa. "Please... please wife hold on! Huwag kang bibitaw. Malapit na tayo." anang Hector na puno ng pag-aalala para sa asawa. Hilam ng mga luha ang mukha nito habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Pipay na animo'y doon nakasalalay ang buhay nito upang hindi ito bumitaw. "Please! Huwag mo akong iiwan Peppa. I-I'm sorry! I'm really sorry!" patuloy na paghingi nito ng patawad habang nag uunahan pa rin sa pag patak ang kaniyang mga luha. Pakiramdam niya ay wala na atang katapusan na aagos iyon habang nakikita niya sa ganoong sitwasyon ang babaeng pinakamamahal niya.

