IKATLO at huling araw na pananatili ni Pipay sa ospital. Maayos na ang kaniyang kalagayan kung kaya't pumayag na rin ang doctor na sa bahay na lamang siya mag papagaling ng tuluyan. Maliban kay Helga, araw-araw ding nasa ospital ang matandang PenaVega maging si Sister Venice upang mag bantay at samahan siya roon. Bagay na labis na ipinagpapasalamat ni Pipay. "Mag papaalam muna ako saglit hija, Pipay! Mag kita na lamang tayo sa bahay ampunan." anang Sister Venice matapos nitong iligpit ang mga gamit ni Pipay. "Hindi na po ba kayo sasabay sa `min ni Helga, Sister?" "Hindi na at ako'y nagmamadali rin. Tumawag sa `kin kanina si Sister Martha. Doon naman daw kayo unang tutuloy sabi ni Helga, hindi ba?" "Opo! Sige po! Mag iingat po kayo." aniya at nag mano pa sa inainahang Madre. Matapos m

