Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang liwanag ng araw na nakapasok sa siwang ng kurtina. Hindi ko alam kung anong oras na at antok na antok pa ako pero biglang nabuhayan nang maalalang Lunes nga pala ngayon!
Napasinghap ako at sinubukang bumangon pero 'di ko magawa dahil sa mabigat na brasong nakapulupot sa t'yan ko. Napalingon ako sa aking tabi at bumungad sa 'king ang mapayapang mukha ng señorito. Tulog na tulog siya, banayad ang paghinga at bahagya pang nakaawang ang mapupulang mga labi.
He looked so peaceful in his sleep, his features soft and untroubled and I hated the thought of waking him, of pulling him out of that quiet. But we had classes today, and no matter how much I wanted to let him rest, I didn't have a choice kaya marahan kong tinapik ang pisngi niya. Kinailangan ko pang ulitin 'yon sa makailang beses para lang magising siya.
"What?" Magaspang ang boses niyang tanong saka muling sumubsob sa akin.
"Master, gumising ka na, may pasok tayo ngayon." Sagot ko saka niyugyog ang balikat niya.
"I'm still sleepy. Let me sleep more."
Ito ang problema sa lalaking 'to kasi ang hirap niya talagang gisingin lalo na sa umaga. Tamad na tamad siyang bumangon kaya laging pahirapan sa akin ang gisingin siya.
Maybe I could just ask Sebastian to contact his professors and tell them he's sick. He drank last night, so he's probably waking up with a headache anyway—that counts as being sick, right? Even if it's from drinking, he doesn't really have a choice. Napangiwi ako sa sariling naisip. Pero ako, wala naman akong hangover o kahit anong sakit kaya walang excuse na hindi pumasok.
Sinubukan ko ulit bumangon pero humihigpit lang ang yakap niya sa baywang ko. Saka ko lang din napansin na wala nga pala akong suot na pang itaas dahil hinubad niya kagabi. Kaya siguro ang himbing ng tulog ko dahil kumportableng kumportable ako. I always sleep better when I'm next to him. His room is usually freezing, but his body's so warm it feels like curling up next to a heater. That mix—the cold air and his heat—is weirdly perfect. And he always smells so clean, like fresh sheets and something I can't quite name, but it makes me feel safe. It's just...comfortable being next to him.
"Kung ayaw mong pumasok dahil gusto mo pang matulog o masakit ang ulo mo, bahala ka basta ako babangon na." Sabi ko at sinubukang alisin ang braso niya.
"No, you're not going anywhere." Ungot niya saka ipinulupot sa akin ang dalawa niyang braso, pati na rin mga binti niya ay nakapulupot na sa 'kin. Kaya kahit kaunting galaw ay 'di ko na magawa.
Napabunting hininga na nga lang ako nang maalalang wala nga pala siya ni isang saplot kaya damang dama ko ang matigas na bagay na nakadikit sa akin.
"May pasok nga!" Reklamo ko at muling sumubok sa pagpupumiglas pero humihigpit lang lalo ang yakap niya sa 'kin.
"And I don't f*****g care. Masakit ang ulo ko." Walang gana niyang sagot.
"Sa pag iinom mo 'yan kagabi! At pwede namang 'wag kang pumasok ngayon kung ayaw mo talaga, kakausapin ko si Sebastian para i-inform ang mga professors mo na may sakit ka. Pero ako kailangang pumasok dahil wala naman akong hangover!"
Napatingala ako nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim at ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko na kumiliti sa akin. There's something strangely comforting about the warmth of his breath against my skin, especially in a room this cold. It's a little ticklish, enough to send a shiver down my spine—but not in a bad way. It just makes me want to stay even closer.
"I still feel so damn sleepy, and my head's pounmding. You're warm and way too comfortable—it makes it easier to fall back asleep. So no, you're not going anywhere."
Inabot niya ang telephone at may tinawagan saka muling yumakap ng mahigpit sa 'kin. Magkaka stiff neck pa nga yata ako dahil sinusubsob niya talaga sa leeg ko ang mukha niya. Nakipagtigasan pa ulit ako sa kan'ya at pinipilit na papasok ako pero mas matigas pa talaga yata sa bato ang ulo niya dahil hindi talaga siya pumapayag.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto. Akala ko ay nakatulog na ulit ang lalaking 'to matapos makipagtigasan sa 'kin kaya nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at malakas na hinila ang makapal na kumot at ipinulupot sa akin tipong ulo ko na lang ang nakalabas bago muling yumakap sa akin.
"Come in."
Ako naman ngayon ang nakasubsob sa leeg niya kaya hindi ko makita kung sino ang pumasok.
"Let whoever needs to know be informed that we won't be going to school today—I'm sick, and Tahlia needs to stay and take good care of me."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Wala akong narinig na sagot mula sa kausap ng señorito at ang tanging narinig ko lang ay tunog ng marahang pagsara ng pinto but it was enough for me to comclude that it was Sebastian.
"Ayan, you don't have to worry about the damn school anymore. Can I have my peaceful sleep now?"
Napabuntong hininga na lang ako at 'di na umangal pa. Wala rin namang silbi dahil palagi naman siyang makakahanap ng paraan para sa huli ang kagustuhan niya pa rin ang masunod.
Judging by the gentle warmth of the sun, it's still early—probably between six and seven in the morning. I guess I'll let him sleep a little longer and wake him up around nine so we can have breakfast together. I was thinking of calling the kitchen to let them know the young master's dealing with a hangover, just so they could prepare something that might help him feel better. But knowing Sebastian, he's probably already informed them.
Wala naman sa plano ko ang matulog ulit dahil hindi naman na sana ako inaantok pero dahil na rin siguro sa boredom at sa lamig ng kwarto idagdag pa ang mainit na katawan ng katabi ko kaya kalaunan ay hinila na rin ako ng antok.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, basta nang magising ako ay mag isa na lang ako sa malapad na kama. Bumangon ako at nagkusot ng mata doo ko lang napagtuunan ng pansin ang tunog ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Bumangon ako at muling sinuot ang shirt ko saka sinimulang ayusin ang kama. Nag handa na rin ako ng masusuot niya na inilagay ko sa kan'yang kama saka lumabas dala ang ilang pirasong marurumi niyang damit.
Dumiretso ako sa kwarto para makaligo. Pagkatapos ay nilabhan ko lang ang ilan niyang mga damit.
"Tahlia, may pagkain kaming iniwan para sa 'yo sa kusina at pakihatid na rin ang pagkain ng señorito ha." Sabi ni ate Tessa na nakasabay ko sa pagsasampay.
"Sige ate."
Nang madaan ako sa salas dahil may pinakiusap sa akin si ate Tessa ay napansin kong may ilang mga kalalakihang nakatambay do'n na inaasikaso ng ilang mga kasambahay. Dahil may mga umaasikaso naman sa kanila ay hindi na ako nag abalang puntahan sila ay dumiretso na lang sa kusina para kumain. Naging mabilisan ang pagkain ko dahil ihahatid ko pa ang agahan ng señorito kasama na ang ibuprofen para sa hangover niya.
Mabilis ang mga lakad ko papunta sa kwato niya. Narinig ko pa ang isa sa mga lalaki na nagtanong sa kasambahay kung sino ako pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin.
When I walked into his room, he was already fully dressed—wearing a plain white t-shirt and soft grey cotton pants, casually drying his damp hair with one hand while holding his phone in the other. He was barefoot, and I noticed a faint trail of wet footprints behind him, marking his path across the floor.
Nabaling ang atensyon niya sa 'kin. Mabilis niyang hinagis sa kama ang kan'yang phone at naupo habang pinapanood ako.
"Where the hell have you been? You were still sound asleep in my bed when I went in for a shower, and when I came out, you were gone. And it took you forever to come back. Seriously? You couldn't even wait for me to finish or at least come back right away? Do you really not have even the slightest bit of respect for your master?"
Napangiwi ako dahil damang dama ko ang sama ng tingin niya sa 'kin.
"Pasensya na, nilbhan ko kasi 'yong ilan sa mga marumi mong damit pagkatapos kong maligo tapos kumain din ako ng madalian para 'di ko na kailangang sumalo sa pagkain mo." Paliwanag ko pero lalo lang sumama ang tingin niya sa 'kin.
"Naglaba ka na naman?!"
Napakamot ako sa leeg ko. "Oo eh para 'di na matambak."
I've always felt like it's my responsibility to take care of him and his things, that's why I prefer to handle things myself when it comes to him. Of course, I leave things I'm not good at, like cooking, to others who can do it better. But when it comes to tasks I am good at—like laundry—I take it upon myself. His laundry is mine to handle.
Umismid lang siya sa 'kin at nagsimula na sa pagkain.Napunasan niya naman ang buhok niya kaya hindi na 'to tumutulo kaya kinuha ko na sa kan'ya ang tuwalya saka nilabhan sa bayo niya at doon na rin sinampay. Paglabas ko ay naabutan ko pa siyang kumakain habang nanonood ng TV.
"Nga pala, master. May mga bisita ka yata sa labas. Kamukhang kamukha mo 'yong isa kaya malamang ay pinsan mo 'yon."
Natigil siya sa pagkain at magkasalubong ang mga kilay na tumingin sa 'kin.
"Kaya ka ba natagalang bumalik dito dahil kinausap mo pa sila?" May pan aakusa sa boses niyang tanong.
Napabuntong hininga na lang ako. Pinaliwanag ko na nga sa kan'ya kung bakit ako natagalang bumalik, but he's just too stubborn to listen. He'd rather cling to whatever version of the story he's made up in his head—jumping to his own ridiculous conclusions like they're fact.
"Hindi ko sila kinausap. May mga kasambahay ng umaasikaso sa kanila kaya dumiretso na ako rito."
Naningkit ang mga mata niya sa 'kin. Hindi ko alam kung naniwala siya pero bahala na siya riyan. Nagpaliwanag na 'ko kaya kung maniniwala siya o hindi ay hindi ko na problema.
"So 'di ba pinsan mo 'yong kamukha mo...Sa pagkakaalala ko Isaiah ang pangalan no'n eh."
Ilang beses ko ng nakita iyong Isaiah. Kahit no'ng bata pa ako ay madalas ko na siyang nakikita dahil madalas silang magkasama ng señorito. Dati nga nawiwirduhan ako sa kanila kasi kahit na bata lang sila ay hindi naman sila umaastang mga bata. If my memory's serving me right, I was five years old when I first met the young master, and six when I met his cousin Isaiah at his younger sister's birthday party. That was also the time the young master's parents officially took me with them. I remember thinking back then that they were...strange. Not in a bad way—just different. They were kids, probably around nine years old, but they didn't act like any of the kids I knew back at the orphanage.
Maybe it was just my brain assuming that how the kids at the orphanage behaved was how kids their age were supposed to act—loud, full of energy, always excited, especially when given toys or during free time. Those were the only kids I had ever really been around, so it made sense to think that way. But the kids from those privileged families...they were different. They didn't light up at the sight of colourful cakes or buckets of ice cream like we did. I remember already drooling at the dessert table while they just walked past it like it was nothing. I figured maybe that's what happens when you can have anything you want, whenever you want—it dulls the thrill. They didn't need to scream or fight over a toy, because toys weren't rare treasures to them. Maybe that's all it was. Or maybe they were just raised differently. Either way, they didn't act like kids I was used to.
"Why the hell do you remember his name? And what the f**k is that look on your face? You look like you're deep in thought? Don't tell me you're seriously f*****g thinking about my cousin." Matigas ang boses niyang sabi habang matatalim ang tinging pinupukol sa 'kin.
Hayan na naman at kung saan-saan na naman naglalayag ang imagination niya.
"Anong masama kung naaalala ko ang pangalan niya? Madalas siyang nababanggit ng mga classmates ko kaya natural na maaalala ko siya." Nakasimangot kong sagot.
Muling naningkit ang mga mata niya sakin na para bang tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo o dapat ba siyang maniwala sa sagot ko.
"Bilisan mo na nga lang 'yang pagkain mo at puntahan mo na ang mga bisita mo ro'n sa baba.'
Umirap lang siya sa 'kin at wala ng sinabi. Nang matapos siyang kumain ay ininom niya na 'yong gamot na binigay ko saka nag toothbrush. Hinintay ko na talaga siya dahil baka ito naman ang pagtalunan namin.
Nakasunod lang ako sa kan'ya dala ang tray na pinakainan niya. Nasa gitna kami ng hagdanan nang mapansin kami ng mga bisita niya. Silang apat ay napatingin sa amin at tinatawag na siya. Lahat sila ay pamilyar na sa akin. Iyong kamukhang kamukha niya ay si Isaiah, iyon namang kahawig niya rin na may suot na salamin sa mata ay student council president ng university, habang iyong dalawa ay mga kabarkada nila.
Dumiretso siya sa kanila samantalang ako naman ay dumiretso sa kusina. Hinugasan ko lang saglit ang pinakainan niya bago nagpunta sa kwarto. Inayos ko ang aking mga gamit sa bag saka nagbihis. Wala pang alas dose kaya makakapasok pa ako sa klase ko sa afternoon schedule.
Humarap ako sa salamin para ayusin naman ang buhok ko. I am simply wearing a plain white ribbed short-sleeve top tucked into a pair of light blue denim overalls. One of the straps is left unbuttoned, hanging loose for a casual look. Nang matapos i tirintas ang buhok ay hinayaan ko itong nakasabit sa aking kaliwang balikat saka isinukbit na ang aking bag.
Saktong paglabas ko ay nadaanan ko si ate Jona na may dalang chips na nasa babasaging lalagyan.
"Oh Tahlia!" Nagulat pa siya nang makita ako. "Papasok ka pala?"
"Oo ate, maayos naman na ang señorito kaya papasok na ako sa afternoon classes ko." Sagot ko naman.
"Ay total at dadaan ka naman sa salas, pwede bang makisuyo akong dalhin mo na rin 'tong ni-request nilang meryenda? Ihing ihi na kasi ako. Isusunod ko na lang ang juice." Nakangiwi niyang sabi habang hindi na mapakali ang mga paa.
Mabilis ko namang kinuha sa kan'ya iyon dahil mukhang ihing ihi na talaga siya.
"Salamat talaga, Lia." Sabi niya bago patakbong nagtungo sa CR.
Ako na nga ang nagdala ng mga pinaghalong chips. They were laughing and talking about something, each holding a can of beer. My eyes immediately found the young master, and I couldn't help but glare. He drank last night, woke up with a hangover, and now here he is—drinking again. The medicine must've worked better than I thought, because he doesn't even look like someone who was groaning in bed this morning. And instead of hanging around here with a drink in hand, he should be heading to the university and attending his afternoon classes like he's supposed to. Mukhang naramdaman niya ang masama kong tingin sa kan'ya kaya napatingin din siya sa mukha ko. Umangat ang isa niyang kilaya saka humagod ang tingin sa kabuuan ko bago nagsalubong ang mga kilay.
"Where the hell are you going?" Tanong niya sabay tingin ulit sa mukha ko.
"Papasok ako sa afternoon classes ko." Sagot ko, umaasang ma-realise din niya na dapat din siyang pumasok ngayon.
"You must be Angelus' stepsister. So, you're both attending the same university?" Tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
Sasagot na sana ako pero naunahan naman ako ng señorito.
"She is not my stepsister. My parents didn't adopt her. She's not a Creed, and she's definitely not part of my family—so stop calling her that."
The guy he was talking to just laughed and gave a half-hearted apology, clearly not taking it seriously. The other two laughed along, and Isaiah even threw in a joke—something about how the young master never once treated me like a sister. I didn't react. I didn't say anything. Whether I felt something or not didn't matter anyway. Their words didn't change anything. So I just stand there, watching them with a blank stare, my face unreadable—until I felt someone's eyes on me. Napalingon ako at bumungad sa akin ang seryosong tingin ng isa pang pinsan nila. The student council president na hindi ko man lang maalala ang pangalan.
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa 'kin kaya napakurap ako ng ilang beses. Bumaling naman ulit siya sa iba habang ako ay sandaling naiwang nagtatakang tumingi sa kan'ya kaya lang ay may biglang humila sa bag ko kasunog nang pagpatong ng braso sa kaliwang balikat ko.
"We're heading to a car show, but since you're not coming and decided to stick with your boring life, mind taking this woman with you to the university?"
The guy adjusted his eyeglasses, gave me a quick glance, then nodded at his cousin. "Sure."
Nagulat ako nang bigla akong inikot ng señorito paharap sa kan'ya. Yumuko pa siya para lang magpantay ang mga mukha namin. Halos maduling pa ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin.
"You're going with him because Sebastian's tied up with something. You won't talk to him, you won't look at him, and you definitely won't listen to anything he says. Got it?" Seryoso niyang sabi.
I understood everything he said—his words were clear. What I didn't understand was why he was saying them to me. Still, hindi na 'ko nagtanong pa. There was nothing wrong with simply following harmless orders. Kaya mas okay na manahimik na lang at sumunod. Tumawa naman ang iba at tinukso siya sa kan'yang mga sinabi pero inangilan niya lang ang mga ito saka pinakitaan ng dirty finger sign.
Sumabay nga ako sa isa pa niyang pinsan. Dalawa lang kami sa kotse niya kaya sa harap ako sumakay, nakakahiya naman kasi kung sa likod ako uupo, magmumukha siyang driver ko. Tahimik siya buong byahe, ni hindi ko man lang naramdamang tumingin siya sa 'kin habang ako naman ay nasa labas ang buong atensyon.
Akala ko ibababa niya 'ko sa mismong gate ng university kung nasaan may iilang estudyanteng pumapasok at lumalabas pero itinuloy niya lang ang kotse hanggang makarating kami sa paring area.
Wala na nga akong nagawa nang pagbaba niya ay mabilis siyang umikot at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat."
"I figured you'd prefer not to be seen getting out of my car, so I dropped you off here instead." Sabi niya habang nakahawak pa rin sa pinto ng sasakyan niya at ako naman ay nakatayo sa harap niya pero may sapat naman distansya sa pagitan namin.
Kahit sandali pa lang ako rito ay alam ko ng kilala siya rito. Not in the way Saint Angelus Creed is known—since he's more of a troublemaker—but this guy, the young master's cousin, has a completely different reputation. He's known as the role model type. A good student, well-mannered, and to top it off, he's good-looking. He doesn't fit the usual image of the quiet, awkward nerd you see in dramas either. That's probably why a lot of girls around here are into him. At tama siya, hindi ko nga gugustuhing makita ng iba na bumaba sa kotse niya. Ayokong mag kung ano pang chismiss ang mabuo.
Nagpasalamat lang ulit ako saka lakad-takbong naunang umalis. Papalabas na ako ng parking area nang makarinig ako ng kakaibang tunog kaya dala ng curiosity ay sinilip ko ang pinagmulan no'n. Umawang kaagad ang bibig ko nang makita ang isang babaeng may kulay green ang buhok na nakasandal habang hinahalikan ng isang lalaki ang kan'yang leeg. Nakatingin din ang matatalim na mga mata ng babae sa 'kin na para bang inaasahan niyang makita ako. Hindi ko naman sila kilala at wala rin akong pakialam kaya tumuloy na ako. Naisip ko lang na siguradong maaabutan sila ng council president.
"Tahlia! Bakit wala ka kanina?" Bungad na tanong ni Chelsea sa akin.
"Nagkasakit 'yong anak ng adopted parents ko kaya kinailangan kong alagaan." Nakangiwi kong sagot. Even though I was never legally adopted, I still refer to the young master's parents as my adopted parents when talking about them. It's just easier that way—less complicated for the people I'm speaking to.
"What? They're rich, so why should you be the one taking care of their kid?" Naguguluhang tanong naman ni Klea.
Napangiwi naman ako. Hindi ko nga pala nabanggit na malaki na at hindi na bata ang anak ng mga kumupkop sa 'kin at kilalang kilala pa nila ito. I wonder how they'd react if they ever found out the truth. But I won't tell them—there's no need to. It's not like I'm lying, anyway. Wala naman akong kahit anong sinabi na malayo sa katotohanan.
"Anyway, absent din pala si Saint noh? I heard from my friend that he's sick." Nakangusong sabi ni Lanny.
Nag usap na sila tungkol sa lalaki nang lumapit sa 'kin ang nakangiting si Asher kasama ang iba pa. At mayamaya lang ay naging abala na ako sa pangongopya ng notes at sa mga pangungukit nila. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang klase. Dalawang subject lang kaya tatlong oras at kalahati ang na-consume kasama na ro'n ang paglalakad papunta sa ibang room para sa isa pang klase.
"You are dismissed." Sabi ng professor saka lumabas. Muling umingay ang paligid kaya ang mga nakatulog ay muling nagising.
Npahikab naman ako at nag unat nang may marahang pumisil sa mukha ko mula sa likod. Pagtingala ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Asher at sa tabi niya ay si Davin.
"May gagawin ka ba ngayon, Lia?" Tanong ni Asher.
Tinanggal ko an kama niya sa pisngi ko saka inayos ang aking mga gamit sa bag. "Bakit?"
"We're heading out to hang out, and we figured it'd be a lot better if you joined us." Sagot niya.
Napaisip naman ako. Mas okay nga naman kung sumama rin ako sa kanila minsan since matagal tagal ko rin silang makakasama, isa pa ay sila ang pinakamalapit sa 'kin dito. Basta mga isang oras at kalahati lang siguro pagkatapos ay magpapasundo na ako kay Sebastian.
"Oh sige." Tuwang tuwa naman sila sa naging sagot ko.
Ilang sandali lang ay nasa iHub Davao na kami. It's not some fancy, expensive place, but the vibe is comfortable and chill. Everything's simple, clean, and minimalist—just enough to feel relaxed without trying too hard. Naupo lang kaming mga babae sa napili naming pwesto at nag order habang ang mga lalaki naman ay may kung anong chineck. Ilang sandali lang ay sinerve na ang mga order namin at sakto namang bumalik na ang mga lalaki.
Kumain lang kami at nagkwentuhan. May bilyaran din pala sila rito kaya nagplano silang maglaro muna pagkatapos kumain. Napatingin naman ako sa cellphone ko. Hindi ko pa pala nami-message si Sebastian. Ang señorito kaya anong ginagawa ngayon? Naalala ko nabanggit niyang may pupuntahan silang car show kaya baka naro'n pa siya. I opened my messaging app and sent him a quick message—just to let him know I'm out with my classmates and that I'll have Sebastian pick me up later. He'd go crazy if I even tried commuting on my own.
"Girls, let's play dart!" Yaya ni Lanny habang nagri-retouch ng make up.
"Sure, let's go." Excited naman na sagot ni Klea at ilang sandali lang ay umalis na nga sila matapos kaming sabihang sumunod since hindi pa tapos mag-retouch si Chelsea.
"Let's go, Lia?"
"Susunod ako, imi-message ko lang saglit ang susundo sa 'kin, hindi kasi ako pwedeng magtagal eh."
Nang umalis si Chelsea ay muli akong napatingin sa phone ko. Nag-message ako ulit kay Saint kung nakauwi na ba siya. Naisip ko kasi baka masobrahan sila sa katuwaan at baka malasing na naman siya lalo na't mababa lang ang tolerance niya sa alak. But twenty minutes had passed and I still hadn't gotten a reply from him, so I decided to check his i********:. He's not the type to comment or like other people's posts often, but he does like posting about his cars or any car-related events he's at. I was hoping I could at least get a clue about what he's up to.
Pagbukas ko ng i********: ay bumungad kaagad sa akin na naka-live siya pero hindi siya ang may hawak ng phone niya kung 'di 'yong isa sa mga kaibigan niya. Ilang sandali rin akong nanood dahil hindi naman sa kanila nakaharap ang camera kung 'di sa kalsada kung saan-saan sunod-sunod na dumadaan ng mabilis ang mga sasakyan. Maingay at puno ng hiyawaan ang paligid.
The person holding the camera shifted the angle, and that's when I saw him—the young master. He was sitting on the hood of his car, laughing with a few guys, casually taking sips from the can of beer in his hand. Even under the shifting lights na iba iba ang kulay, I could clearly see the sweat glistening on his forehead and neck. Then my eyes moved to the familiar woman standing beside him—too close. She leaned in every now and then, whispering something into his ear, like they shared a private joke or secret. Kita ko kung paano niya lingunin ang babae saka tumawa.
Blanko lang ang mukha ko habang patuloy silang pinapanood. Kilala ko ang babae. Fifteen years old si Saint nang pumasok sa eksena ang babaeng ito. Erika ang pangalan niya at malapit sila sa isa't isa. Pinatay ko ang aking phone at muling nilagay sa bag saka naglakad papunta kina Chelsea. Huminga muna ako ng malalim dahil naramdaman kong unting unting humahapdi ang aking lalamunan na para bang may kung anong nakabara rito. At nang mapatingin na sila sa 'kin ay muli akong ngumiti, iyong ngiting lagi nilang nakikita sa 'kin.
His Personal Slave
Copyright © theunholymary
All rights reserved . 2024