ATASHA POV Hinawakan n'ya pa nga ang kamay ko habang kami ay naglalakad. Ang lamig ng kamay nito, ang higpit na para bang ayaw akong pakawalan. Binintawan nito ang kamay ko ng mag hatak sya ng silya para sakin. "Please sitdown," sabi nito na may ngiti sa kanyang labi. Naiilang ako sa mga nangyayari. Bakit biglang nag bago ang paikitungo ng tiyo ko sakin? Umupo ako at tumabi sya. Wala akong naging imik habang nakatingin ako sa mga masasarap na pagkain sa lamesa. Kung ganito karami, simple na ang tawag nya, ano pa kaya kapag may okasyon sila rito like his birthday. Malamang nito ay kukulangin ang isang lamesa sa dami ng mga magiging handa nila. Ano kaya ang regalo ko para sa kanya? Tatanggap kaya sya ng mga mumurahing mga bagay? Ang awkward siguro nito kapag ang pera nya ang gagast

