"Dahan-dahan lang, 'Nay. Kaya mo na bang umakyat sa hagdan nang hindi nahihilo?" tanong niya sa ina nang makabalik sila sa mansyon. Tatlong araw din silang namalagi sa ospital para obserbahan ang kundisyon nito. Hindi naman na ito sinalinan ng dugo, pero kailangan nilang bantayan ang kalusugan nito. "Kaya ko na, anak. Hindi ba nakakahiya sa Lolo mo na dito ako uuwi gayung hindi ko pa naman kayang magtrabaho? Puwede naman ako sa bahay natin." Kung siya ang tatanungin ay gusto rin niyang sa bahay na lang nila sila tumuloy. Pero hindi papayag ang Lolo Hernani niya lalo na't kaunting kilos nito ay siya ang hinahanap. She became Don Hernani's personal nurse. Hindi rin sana niya gustong humarap pa kay Brenda. Sa tatlong araw niya sa ospital ay nagawa niyang iwasan ito. Pero hindi n

