"Si-Sinong Autumn?!" Puno ng kaba na tanong ni Angela sa estudyante niyang hinang-hina na. "Autumn..." "Hoy Jeremy, 'wag ka nga! Hindi ka nakaka tawa! —Ay, naka tulog. Sayang, kakabahan na sana ako eh." Sa pag dating ng mga pulis ay siya namang pag alis ni Angela at ni Jeremy. ANGELA's POV "Boss saan po natin siya ilalagi?" Tanong sa akin ni Felix habang buhat si Jeremy. Hay nako buti nakaya kong iuwi 'tong batang 'to. Puro pasa at sugat ba naman sa katawan. What are the kids into these days? jeez. Oh well, sabagay hindi naman nga pala bata itong mga alaga ko. Kaya siguro medyo iba ang trip. Hmm g*gi ka talaga Angela, who are you to judge? May sarili ka ngang gang noong highschool ka palang, hay. Oh gosh, I almost forgot about Jeremy! "Ah, paki linisan nalang muna siya tapos dal

