“Jeremy! 'Wag kasing malikot! Lalagyan nga lang ng alcohol e!” Kanina pa naghahabulan sa loob ng condo ni Angela. Kailangan na kasi nilang linisin ang mga sugat ni Jeremy ngunit ayaw niya na maramdaman ang hapdi ng alcohol. Matapang sa pakikipag laban, pero takot sa alcohol. “Huwwa! Jeremy naman, palagyan mo na ng alcohol kay Ela, di ka naman bacteria para mamatay sa alcohol e!” Sigaw ni Xander habang humahabol pa rin kay Jeremy kasama sina Randy, Andy at Renzo. “Wala akong pakialam! Ayoko niyan!” Parang umiiwas sa bala ng baril si Jeremy dahil sa ginagawa niya. “Sige na nga, di ko na lalagyan ng alcohol.” Tinapon na palayo ni Angela yung bote ng alcohol at umupo nalang sa sofa. Napa upo nalang sa sahig ang mga bata at maging si Jeremy. “Jeremy, mag pahinga ka na muna, doon ka na sa kw

