Chapter 4

2353 Words
"Ah!" Malakas na sigaw ni Angela na kasalukuyang nakahiga sa couch sa loob ng napakalaking bahay nila. Kauuwi palang niya mula sa pagtatrabaho at bakas ang pagod sa bawat buntong hininga niya. "Natapos na yung isang linggo pero hanggang ngayon ni hindi pa nila ako magawang galangin! What the heck did I do to them? Bakit parang ang laki ng galit nila sa akin, gusto ko lang naman silang makausap ng normal, yung wala sanang murahan? Paano ko ba mapapatino yung mga batang yon?" Napa sabunot siya sa sarili at talagang nababaliw na sa kakaisip kung ano ang gagawin niya. She couldn't believe that a feared gang leader like her will be so defeated over this. "Boss. Baka naman po gusto niyong turuan nalang namin ng leksyon?" Nag stretch at nagpalagutok ng buto sa daliri ang isa pa nilang kasamahan sa Breeze. Si Felix o kilala din bilang Red sa gangster world. Isa siya sa pinakapinagkakatiwalaan ni Autumn sa Breeze. "Ano? Bakit anong meron? Sino ba pinoproblema ni Boss?!" Entrada ni Peter o kilala din Blue habang hinahawakan ang walis na parang baseball bat. "Sheak! Kunin mo nga yung sword ko! Bilisan mo! May tatakutin tayo ng konti! BWAHAHA!" Nag tatawanan na sila ng dumating si Sheak dala ang sword ng bawat isa. Lingit sa kaalaman nila mayroong nang gagalaiti na nakikinig sa kanila, si Angela na nagpipigil para hindi sugurin ang mga siraulong miyembro niya na nag babalak ng kung anu-ano sa mga pinakaiingatan niyang mga estudyante. Hanggang ngayon pinipilit parin niya sa isip niya na mga batang cute ang mga ito. She was really treating them as little kids that needs to be protected 24/7. "Anong pinag uusapan niyo ha?!" Sabay binatukan niya ang mga kasama niya. Nagtataka man sila at nagulat sa reaksyon ng lider, hindi sila nagpahuli sa paghingi ng tawad. "Bo-Boss! Patawad po!" Lumuhod sila at yumuko. Dikit na ang mga noo sa sahig. Panandalian silang nanatili sa mga puwesto nila bago nila napansin na hindi sumagot ang Boss nila. They suddenly heard something being hit. Some crashing and a loud thud. "I just wanted to be a good teacher!" Angela screamed as she ran with a broom in her hand, attacking the poor couch that was in front of her. She used the broom as if it was a sword, hitting the poor cushion that is now getting extremely deformed. "Bo-Boss... Tama na po please, pang sampu na po nating couch yan." Naka yuko paring sabi ni Sheak ang pinaka bata nilang kasapi, he just turned 18. Siya lang ang may lakas ng loob na kontrahin si Angela. "Pinag babawalan mo ba ako Sheak?" He gulped and flashed a fake smile as Angela turned to look at him with her deadly eyes. "AAAH!! Boss! Tama na po! AAA!" The poor Sheak couldn't do anything. Pinilit nalang niyang alisin ang pagkaka yakap ng braso ni Angela sa leeg niya sabay pikit at dasal na may pumigil sa kanyang Ate. "Ate Nicole! Ate Shaira! Aaa-Ackk.. Tulong! Kuya Felix..Kuya Peter.. Ahhhh-ackk. Bossing pass! Bossing time pers!" Nagsitakbuhan ang lahat ng mga tao sa loob ng bahay kay Angela para pigilan siya sa panggigigil kay Sheak. Walang bahid ng pagkagulat sa mga mukha ng mga taong pumigil sa kanya. Mukhang normal pa nga sa kanila ang ganitong pangyayari at nagtatawanan pa dahil mukhang basang sisiw si Sheak na pawis na pawis at hindi na makahinga sa kakaubo. "Huhubels ka Boss grabe ka sakin Parang gusto mo burahin cuteness ko sa world." Sheak is still catching his breath but it didn't stop him to jokingly and dramatically lay down on the floor. "Sheak, nasabi ko na ba na kadiri ka pag nagpapacute? Badtrip ako ngayon baka alisan kita ng pisngi." Kaagad na nag ayos ng sarili si Sheak at seryosong tumayo. Alam niyang niloloko lang siya ni Angela pero hindi siya nakahinga ng maluwag hanggang sa napatawa ng bahagya ang Boss niya bago ginulo ng kaunti ang kanyang buhok. "Sorry Bossing, lam mo na medyo joker." Angela nodded. "Sorry po!" Segunda naman nila Felix at Peter. "Hmmm, ano na kayang gagawin ko nito? Yung mga batang yun kasi lagi nalang ako sinasabihan na huwag pakialaman. Huwag na ako lumapit sa kanila. Lagi nalang ganon! Tapos sasabihin pa nila pag daw sumama ako kakawawain nila ako. Pag lumapit pa ako manghihiram ako ng mukha sa aso." She had no idea that behind her, the three over protective guys automatically pulled out their favorite toys. Sheak reached out for his sword displayed on the wall at the same time that Felix and Peter pulled out their own daggers. "Ang lakas naman ng loob nila para ganunin ka boss!" Biglang sigaw ni Felix na umiiling iling pa. "Hindi na dapat sila pinapatawad!" Sigaw ng dalawa pa. Mabuti nalang at nahinto ang lahat sa pagbalik ni Nicole at Shaira. "Oys. Ito na yung cheese." Abot ni Nicole kay Angela at umupo sa couch na inayos niya ang pagkaka tayo. Kinuha ng Leader an isang bloke ng cheese na nasa kahon pa. Walang emosyon niyang pinunit ang pakete at diretsong kinagatan ito. "Baboy mo talaga e no? Direktang kagat." Bulong ni Nicole at napangisi naman si Shaira. "Arte pa eh, gusto mo?" Inirapan lang siya ni Nicole. Nicole and Shaira are lowkey judging their well respected leader eating cheese in such a disgusting way. Shaira was about to roast her when the loud ring of the phone cut her off. Napa lingon si Angela sa bag niya ng marinig niya ang pag ring ng phone niya. Halatang siya ay nabigla dahil sa tunog na naririnig niya. This is not her usual phone, its her cellphone for the school. Angela's POV Mr. Principal Calling Why do I have a bad feeling about this? "Uh yes, hello po Mr. Principal?" [Miss Lopez! Ano nanaman bang ginawa ng section 4-D?!] Sapat na ang narinig ko para mapatayo. Hindi pa ako nakakapagpahinga ng isang oras may nangyari na agad? "Bakit po? Ano po ang nangyari?" [Miss Lopez! Nandito ngayon ang mga pulis! Nahuli nila ang mga estudyante mo na pagala gala!] Grabe naman to. Ang OA naman pagala gala lang hinuli na agad? "Wag niyo po silang hahayaang makulong!" [Tama lang yon sa mga batang wala nang alam kung hindi ang mang bugbog at mag bulakbol! Wag mo silang kunsintihin. Nasa tamang edad na sila! Pumunta ka ngayon din sa school para mapag usapan na ang pagka expel nila.] Aba'y gago ka pala Mr. Principal. Sa tingin mo makikinig ako sayo? "Aalis muna ako.May nangyari daw sa mga estudyante ko." "YES BOSS." Mukhang talagang gusto silang mawala ng Principal sa school. Bakit ba ganyan siya mag isip hay. XANDER'S POV "Ano ba guys! Bakit hindi nalang natin sabihin na--" "Shut the f**k up Xander! How many time do I have to tell you to stop thinking of that.?" Ang sama naman kasi ng tingin sa amin ng mga tao eh! Lagi nalang kami yung nakikita nila! Mga walang kwentang pulis! "Lagi nalang ba tayong ganito ha Jeremy? Bakit ba hindi nalang natin sabihin yung--" "I said shut up! Cut it off. Did you not hear what I said?" Tss. Pati si Renzo napatahimik ni Jeremy. Kakaiba din talaga ito pag nagalit. Hindi na niya napipigilan ang sarili niya. Tama naman kami eh, bakit ayaw niyang makinig? "Paano kung ma expel tayo ha?" Andy looks worried, pero wala paring nagbago sa expression ni Jeremy. "Edi ma expel. Do I look like I care?" Sa totoo naman walang may pakialam sa amin na hindi maka graduate ang kaso lang sobrang tagal na namin sa high school. Medyo boring na din. "Ano na kaya yung ginagawa nila ngayon? Habang tayo yung nandito?" "Tigilan mo na nga yan Renzo. Nakaka asar naman kasi e." Pinigilan ni Randy ang kambal niya sa kung ano mang balak niyang sabihin tungkol dun sa mga letse kanina. "Bakit ba ang hirap para sayo na sabihin ang totoo ha Jeremy? Pwede naman eh? Hindi nakatanga lang tayo dito. " Nanlulumo at medyo pabulong na pagtatanong ni Andy. "Hah! Para namang may makikinig." Prente lang siyang umupo at nag suot ng earphones. Feeling naman to, may pa earphones pa siyang nalalaman eh confiscated yung gadgets namin. Hay nako, mga tao kasi ngayon walang ibang alam gawin kung hindi mag judge. Anong talent show ba to bakit ang daming judge? Mamimili nalang nga sila ng papanigan at papaniwalaan dun pa sa mali. Siguro talagang 'looks can be deceiving.' Kung sino pa yung inosente sila pa ang nakulong. Porket mga galing sa kilalang school yung naka sagupa namin kami na agad yung mali.Mukha kasi silang hindi gagawa ng masama habang kami may marka na kahit saan kami mag punta, parang naglalakad kami na pagkakamali. "MGA BATA!" "ELA?!" Dumating si Ela? I was wishing that she would. My super cool crush! Mukhang siya nalang ang may balak na makinig sa amin. "Bakit nandito ka?" 3RD PERSON'S POV "Ano ka ba naman Jeremy, syempre hindi ko kayo pwedeng pabayaan no. Ano ba kasi nangyari? Sino may gawa niyan sa inyo?" Halatang gulat na gulat ang mga lalaki maging si Jeremy ay nanlalaki ang mga mata. Hindi nila inaasahang ganoon ang sasabihin ni Angela. For the first time, someone asked them without implying that it is their fault for getting hurt. These guys would never say it to her directly, but deep inside they felt something. It was the feeling that they were secretly longing for. "Ano na? Huy, sabihin niyo sakin kung anong ginawa nila sa inyo? Nako papatayin ko talaga yung mga yon! Ang dami niyong pasa!" Angela was minding her emotions. She is trying mask her frustration. Pinilit niyang panatilihin ang mahinhin niyang boses habang tumatakbo sa utak niya ang maari niyang gawin sa kung sino man ang gumawa nito. For a second, she though of her swords and did her best not to think in a gangster way. "Seniors sa Assumption." Nag iwas ng tingin si Jeremy pagka sabi niya kay Angela. Everyone kept silent and looked at Jeremy with disbelief. He would never say a word to anyone before. Hindi nila lubos akalain na nagsabi si Jeremy sa bago nilang guro. Pero dahil sa pangalan ng university, inaasahan nila na mag iiba ang pananaw ni Angela ng dahil ngunit nag kakamali sila. "Nako! Yung mga yon! May pa Elite school pa silang nalalaman e ang papangit naman pala ng ugali ng mga bata doon! Ano itsura? Anong pangalan? Sabihin niyo sakin! " "Alam mo na ba ang nangyari?" Tanong ni Xander, umiling naman si Angela. "Ah, eh.. hindi pa. Pero sigurado ako na hindi niyo gagawin yun kung hindi kayo ang nasa tama. Sana kasi sinabi niyo nalang para hindi na kayo umabot sa kulungan e." "Ano ang nangyari?" Dugtong ni Angela sa litanya niya. "Wala ka namang magagawa!" Pasigaw na sumagot si Jeremy at hinagis ang isang kahon na ginagamit nila bilang sapin sa sahig. "Jeremy, nandito ako para pakinggan kayo. May tiwala ako sainyo na hindi niyo gagawin ang ganitong bagay kung hindi kayo ang na agrabyado."Angela did her best to calm down and softly spoke to them, hoping to make Jeremy be more at ease. "Ela, ako na." "Shut the f**k up Xander!" "Sorry Jeremy, pero masyado lang akong excited na mag kwento sa unang tao na gustong makinig sa side natin! Ang tagal ko nang gusto mangyari to. Sana hayaan mo ako..." Ilang segundong katahimikan ang nagdaan bago nag simula si Xander. "May isang grupo ng seniors mula sa Assumption kanina yung nandon sa bookstore. Naka tayo lang kami sa labas ng store kasi hinihintay namin si Jeremy na bilhin yung mga libro na gusto niya. Tapos nag mamadaling lumabas yung mula sa Assumption. Nabangga pa nga kami eh, tapos nakita ni Jeremy na may kinuha silang Physics book, itinago nila sa ilalim ng uniform nila. " Napa iwas ng tingin si Jeremy. "Ituloy mo Xander." Utos ng guro. "Hay, So ayun.. Hindi na natuloy ni Jeremy yung pag bili ng libro. Sinabi niya na agad sa amin kaya sinundan namin yung mga lalaki. Tapos nung sinabi namin na ibalik nalang nila okaya bayaran ininsulto nila kami." "Hindi na namin napigilan nung tinawag nila kaming patapon." Pag kukwento naman ni Randy. "Hindi naman talaga kami makikipag away pero bigla nilang sinuntok si Xander." Sabi naman ni Renzo. "Kasalanan ko talaga lahat. Kasi kung hindi sana ako lampa, ako nalang yung nakipag laban. Ako nalang dapat, hindi dapat sila nadamay." Yumuko si Xander na hiyang hiya sa nangyari. "Its not your fault idiot. Don't cry im gonna chop you." Kahit na hindi parin sila nililingon ni Jeremy, hindi niya mapigilan ang bibig niya noong humikbi si Xander. Xander is like their little brother. Hindi man siya ang pinaka bata, siya ang nagiisa na hinding hindi mo gugustuhing malungkot. He's usually their bubbly friend, the source of laughter. "So bakit kayo kinulong?" Tanong ni Ela na hinahaplos ang balikat ni Xander habang nakalusot ang kamay niya sa pagitan ng mga bakal. "May nakakita sa amin na pulis. Nagtatakbo yung mga mula sa Assumption at iniwan nila yung libro. Nung tinanong doon sa may ari ng bookstore kung kami ba yung nakita na nag nakaw, si Jeremy yung sinabi niya na kahina-hinala na lumabas sa store. Ayon sakto na nasa amin yung libro. Astig nga eh." Sabi ni Renzo. "Eh bakit hindi niyo sinabi sa kanila yung totoo? Dapat hindi kayo nandito e! Mga inosente kayo. Makikitid mga utak ng mga yon!" "Tumigil ka na. Wala namang maniniwala. Hayaan mo na kami." "Tumigil ka nga Jeremy! Sinabi niyo na hindi kayo ang may kasalanan kaya naniniwala ako don. Sigurado ako na hindi kayo mag sisinungaling sa akin. Nag titiwala ako sa inyo!" "Tigilan mo na yan! Akala mo ba naniniwala ako sayo na may pakialam ka samin ha?!" "You may not think that I am capable, and you may think that I'm just like the others but I'm sorry, you can't do anything to stop me. I am not asking you to see me differently but I am telling you that from now on, I am here to protect you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD