Chapter 3

2274 Words
Angela's POV "Hoy Autumn kumusta naman?" Tanong ni Nicole sa akin habang sumasakay sa aking black buggati veyron na sobrang miss ko na! Hay nako tuwing gabi ko lang to nagagamit pag pupunta kami kung saan man na magkikita kita ang mga parte ng Underground Society. Pag kasi sa school, Civic lang dala ko e. Dapat simple lang, boring lang dapat. Kunwari simpleng tao na walang magagawang masama. "Sanayin mo na wag mo kong tawagin na Autumn ha." Kinalkal niya yung mga gilid gilid ng kotse ko nag hahanap nanaman ng pagkain to. Ugh, this girl really... "Eh, ang awkward kaya nun tatawagin kitang Angel?" Tumango ako bilang sagot. "Oo nga. Awkward." Bulong ni Shaira sa likod. "Ih, basta yun na yung tawag ko sainyo. Normal nalang din tawag ko sa inyo. Pwera nalang sa mga gathering natin ha." "Yes boss." Sagot nila at nag bow. "Nga pala, kumusta na sa school." Pag babalik ni Shaira sa usapan namin. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hininga. Wala kasing magandang ngyari e. "Sobrang rebelde ng mga estudyante ko. They have a problem with teachers or something, parang nasa war ako lagi pag kaharap sila." Sagot ko at inihinto na sa tapat ng isang bar ang kotse at humarap na kay Nicole. "Oh, ngumuso ka na." Utos niya na sinunod ko naman at nilagyan na niya ako ng sobrang pulang lipstick. "Pikit na." Sinunod kong muli at nilagyan na niya ako ng dark na eye shadow. Kanina ko pa din kasi suot ang kulay blue na contact lense. Naka all black ako na dress at puro bungo na accessories. Si Nicole naman ganito din naka sobrang fierce na make up at si Shaira din. Pare pareho kaming nag su-suot ng kulay blue na contact lense. 'Yun kasi ang pinaka senyales namin na kami ay Royalties sa Breeze o ang pinaka mataas sa grupo. It was specialy developed by my researchers in the gang. I don't really understand how they made it but it has a special night vision thingy that helps us see a little bit better in the dark. We were preparing today dahil balak kaming kausapin ng ibang gang para siguro makipag tulungan. This happens often, when they wanted an alliance to make sure that they will be safe... from us. Nag ayos talaga kami ng hindi normal sa everyday look namin. A way of disguising ourselves. Mukha lang kaming mga normal na fashionista pero kung gangster ka, sigurado makikilala mo kami sa mga suot namin. Gaya nga ng contact lense at sa mga kwintas namin. Meron itong mga metal na pendant at naka ukit doon ang gangster name namin. Bawal namin tong hubarin. Ito na ang pinaka ID namin pero sa school tinatago ko sa ilalim ng damit ko. Pinahawak nila ako ng itim na may feather pa na pamaypay para daw in case na may makita kami na kakilala makapag takip kaming agad ng mukha. "Pag yang mga nasa loob walang kwenta yung sasabihin magkaka giyera jan. Ang kati kati pa naman ng make up kainis!" Naiirita talaga ako sa make up. Kaya nga kung kelan nandito na kami tsaka lang ako nag pa-make-up e. "Osya arte. Pasok na tayo. Grupo daw ng Blue yon." Sabi ni Nicole "Anong Blue? May Blue ba na gangsters?" Tanong ko kay Shaira siya kasi ang pinaka magaling magkabisa kaya sigurado alam niya. "Oo, Blueberry." Pffft... "Anong blueberry? HAHAHA!" "Wag mo nga tawanan, nagagalit sila pag pinag tatawanan yung pangalan nila." Paalala sa akin ni Shaira. Eh anong magagawa ko? Ang cute ng blueberry para sa GANG! "Eh bat kasi ganon yung pangalan nila e. " Sabi ko at nag ayos na. "Act as a Gangster." Paalala ni Shaira kaya nag ayos ako at ginalaw ng konti yung bangs ko gamit lang ang hintuturo ko. "Classy Gangster." Pag tatama ko at napa ngiti nalang sila. "Lets go now." Sabi ko nalang at binuksan yung pintuan ng kotse ko. "Maam, park ko po?" Tanong nung guard doon sa harap at naka abang sa pag bigay ko ng susi. "It's Already parked." Simple kong sabi sa kanya. "Ah, Ma'am, kasi po nasa harap po ng bar e naka harang po." Aba, malakas ang loob. "I want my car there, only there. You shouldn't question me okay?" Mahinahon ko paring sinasabihan yung guard. "Pero Ma'am kasi po.." Natigilan siya nung tinignan ko siya at inalis yung pamaypay na naka takip sa bibig at leeg ko kaya nakita niya na yung kwintas ko. "We-Welcome Ma'am." Nag bow siya at pinag buksan ako ng pinto. Kung iniisip sa tingin ng iba ay normal lang yung contact lense namin, nagkakamali sila. Specialized ang mga ito sa bawat isa sa aming tatlo. Kulay blue siya tapos may guhit guhit na black at kung titignan mo ng malapitan, yung gilid niya may kakaibang design na iba't ibang kulay. Yung akin purple yung kay Shaira sky blue at yung kay Nicole brown. It is for our people to recognize us in case we were in a situation that we can't talk in the dark, they will see the colors on our eyes that will be a bit visible to them but for some reason, it somehow became out trademark. "Tss. " Inirapan ko nalang yung Guard at lumingon kina Shaira na hindi parin bumababa. Naka bukas na yung pinto niya pero hindi parin siya bumababa parang naka matyag sa may daan. "Ahh Shit." Bakit nandito pa tong mga to? Napa tingin ako sa relo at walangya. 11 pm na bat nag gagala parin itong grupo ni Jeremy at naka school uniform pa! "Ang saya talaga mag videoke. " Hay nako. Loko loko tong mga batang to. Videoke? Ganitong oras? "Ano bang masaya don ha Xander?" Singit naman ni Jeremy. "Sus, to naman, Eh diba ikaw nag yaya na mag videoke?" Sagot ni Xander sa kanya at dumaan sa harap ko. Napa yuko ako ng maramdaman ko tingin na para bang may naka matyag sa akin. "Ah, Miss?" Napa lingon ako sa pag tawag sa akin ni Randy. Oh s**t patay. Kilala na yata nila ako. Patay! "Ahm? Yes?" Ginamit ko yung British accent ko at nagpaka sosyal. Please work... "I think I've met you before." Sagot niya at naman OO nga yung iba maliban nalang kay Jeremy. Ohmygosh, omygoodness. "Oh really? I'm sorry but I can't remember." Pag mamaang maangan ko at hindi maka tingin ng deretso kasi naka tingin si Jeremy ng deretso sa akin. "Tara na." Walang emosyon na sabi niya at naglakad na palayo. Nag bow sila isa isa kaya naka hinga na ako ng maluwag. Basta hindi si Jeremy yung nag sabi na kilala nila ako, hindi confirmed. Wooh lusot. "Tara na hoy." Sabi ko at bumaba na sila. Itinaas ko na muli ang pamaypay ko. Tss tanga ko hindi ko kanina ginamit. Edi sana hindi nila ako namukhaan. Sana talaga hindi na nila ako isipin. Mga batang yon talaga. "Muntikan na yon ha." Sabi ni Nicole at kumapit ako sa kaniya doon sa may hagan. Heller, di ako marunong mag heels. "Nasan na ba yang Autumn na yan? Ang tagal tagal! Akala mo naman paimportante. Pa Breeze breeze pa e parang lowclass lang naman pala. Walang pakialam sa oras." Rinig kong sabi nung lalaking malaki yung katawan na naka talikod sa akin at nakikipag usap sa mga kasama niya. Oh, interesting. "It's that all?" Napa lingon siya sa akin na halatang galit na galit. Naka takip parin ang mukha ko ng pamaypay tanging mata lang ang kita. Ang kanina niyang galit na galit na mukha naging mahinahon at biglang ngumiti. Tss. Nakakairita mga plastic. "Ah, please take a seat." Sabi niya at pinag hila niya ako ng upuan. Umupo naman ako at sila Shaira at Nicole din habang hindi parin nag aalis ng pamaypay sa mukha. Walang ibang tao sa Bar kami lang, yung banda at empleyado nila. "So, what now?" Tanong ko kay lalaking leader ng Blueberry. "We are going to ask your help. " Panimula niya. "Ohhh really? HAHA no." Sabi ko at bigla nalang tumayo. "What?! But you havent heard our reason!" "Then why?" Tanong ni Nicole. "We want to be strong and feared." Diretsong sabi nung lalaki. "No." Sabay sabay namin sabi at nag lakad na palabas. "YOU b***h!" Narinig kong sigaw sa likod ko at iniwas ko lang ng konti yung ulo ko sa naramdaman kong papalapit. Tama nga ako. May ibinato siyang wine glass at dumiretso yon sa labas ng pinto. "Hmm?" Nilingon ko lang siya na kasalukuyang galit na galit. Binuhat niya yung upuan at inihagis sa lugar namin. Mabilis namang sinalubong ng upuan na hinagis pabalik ni Shaira kaya ang eding sila ang nabagsakan ng mga upuan at napahiga nalang sila. "Tss. Weak" "Tara na nga hoy bilisan niyo. Ang sakit sa paa ng killer heels. Pag ako natapilok dito talagang mamamatay ako eh." Nagtawanan naman silang dalawa. "Heh.." May narinig akong boses ng lalaki pero wala naman akong nakitang ibang malapit sa amin. Yung guard siguro? Akala ko manlalaban pa yung Blueberry na yon. "Nagugutom na ako." Sabay naming sabi ni Nicole pagka pasok namin sa kotse. "Ako din." Si Shaira talaga ang cold. Winter talaga e. "Burahin mo na bilis." Kalabit ko kay Nicole habang nag kakamot ako ng mukha ang kati kaya. "Oh." Nag abot ng wipes si Shaira kay Nicole. Binura na ni Nicole yung make up ko at tinanggal ko na din yung napaka init na long sleeve black dress ko. May suot naman akong shorts at tshirt sa loob e. Sila din naman. "Tara Drive thru nalang." Sabi ko sumang ayon naman sila kaya dumaan kami sa may Jollibee. Pauwi na kami ng may makita akong mga kabataan na nag kakagulo. Bumusina ako ng malakas at nagka takbuhan na. What was that? Mga bata talaga ngayon oh kung anu-ano na talaga mga trip. Uh look who's talking, as if I didn't start my own gang when I was as young. Pagka uwi namin sa bahay, kumain lang kami at natulog na. Kinabukasan maaga akong nagising at nag bihis. Sinuot ko yung tipong pang P. E. Uniform kasi ganito naman yung pinapa suot nila sa akin e. Might as well come prepared this time. Its really comfy so that's a plus. Okay lang naman ang lahat hanggang sa pag akyat ko sa rooftop. Sana naman matino na sila lagot papaano kung nakilala na akoooo. "Good morning!!!" Sigaw ko sa kanila saglit na tumahimik pero di nag tagal naka rinig nanaman ako ng pamilyar na ingay. "Ah! Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna" "bumtiyaya bumtiyaya bumyeye" "abukaka abukaka siyang taya" 3rd Person's POV Ever since that class started, Jeremy has been planning things to do during the whole hour. He was looking directly at his adviser with so many thoughts in his head. May binatong bola ng tennis si Jeremy sa direksyon ni Angela. Dahil sa tagal na niyang nakikipaglaban, her senses were very active. Kaya pasimple nalang siyang nag sintas ng sapatos para maka yuko. "Hmm." Tila hindi pa natutuwa yung itsura ni Jeremy. Nagsimula ng mag sulat sa pisara si Angela ng biglang batuhin siya ng nilamukos na papel ni Andy pag sunod sa utos ni Jeremy. Pero kunwari niyang kinuha ang eraser kaya hindi siya natamaan. Sunod naman ang pag asinta ng lapis ni Renzo. Ballpen naman kay Randy. Sinadyang ihulog ni Angela yung chalk kaya pag yuko niya hindi nanaman tumama yung mga binabato sa kanya. Hindi na nakapag timpi si Jeremy . Gusto niyang malaman kung tama ba ang hinala niya kaya naman inagaw niya kay Xander ang kanina pa nito pinag lalaruan na golf ball. Napa ngiti siya ng maramdamang may kaunti itong bigat. "Waaaah! Ano to?!" Sigaw ni Angela na animo'y nabigla dahil sa pagkaka salo niya ng mabigat na golf ball kahit na naka talikod ito. "Hoy kayoooo. Sinong nag bato nitong..." Tinignan niya yung nasa kamay niya ang nanlaki ang mga mata sa nakita niya. "WOAH! GOLF BALL TO AH! Balak niyo ba akong saktan?" Sigaw niya sa mga estudyante niya na nabigla parin sa pagkaka salo niya ng golf ball. "Pero bakit nasalo na hindi ka naman nasaktan? Parang wala lang nga sayo eh." Tanong ng isa. Halatang walang palusot si Angela kaya nag ikot ikot kunwari siya ng wrist at umaktong nasasaktan. "Angela Nicole Lopez." Sino ka ba talga? Tanong ni Jeremy. ANGELA's POV Just as I expected. This guy is really smart. He's trying to trick me. "Ako yung Adviser niyo." Tumayo siya at tinumba yung table niya. "Bakit ba ang hilig mong itaob yan. Ipapa dikit ko na talaga yan sa sahig." Sabi ko habang nagsisigaw. I was trying my best to act as dumb as I can. Hindi ko inaasahan na bigla niya akong itinulak at binatukan. Hah, talagang gusto akong hulihin nito ah. "AAAhh! Aray! Aray!" Sabi ko at hinawakan ang ulo ko habang nag sisigaw at umupo sa ilalim ng lamesa ko. Plus five for me I guess. "WAHAHAHAHAH! Akala ko naman kakaiba si Ela!" Tawa ng mga esttudyante ko. Halatang naiinis si Jeremy sa pag papanggap ko na mahina. But huh? What did they... "Sinong Ela?" Tanong ko habang naka silip sa ilalim ng lamesa ko. "Ikaw!" Sabi nung makukulit kong estudyante . "Wow! Ayos! Edi close na tayo ha! Binibigyan niyo na ako ng nickname!" Sigaw ko at natutuwang lumabas sa ilalim ng lamesa. "Hindi moko malilinlang."bulong sa akin ni Jeremy. "Uy, Si Jeremy nga pakainin niyo, gutom ata e. Ang sama ng araw." Nag tawanan na silang lahat pero pinapatay parin ako ng matatalim na tingin ni Jeremy. He's going to be my problem, I can already tell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD