Sinundan ng bagong guro ang mga estudyante na bumaba mula sa fire exit. Pa cool lang na nag lalakad ang mga estudyante palabas ng main gate. Wala man lang pakialam kahit na class hours pa at kahit na may guard parang sanay pa nga ito na labas pasok lang ang mga binatang ito sa kahit anong oras na gustuhin nila. Sa itsura nang guard, parang wala ng bago sa nangyayari. Parang magtataka pa siya kung hindi niya makita na mag cutting ang mga estudyante.
"Mga bata, ano ba.. Sandali nga!" Habol ng kanilang guro. Umangal ang mga lalaki sa pag tawag niya ng bata sa kanila. They obviously look sixteen, which is in the range of the normal age while in the fourth year of highschool. They look like young adults. They were ever towering over her. Kung tutuusin mukhang siya pa ang bata dahil sa pagkakaiba ng height nila. She looks much more younger than the youngest one in the group.
"Jeremy, bakit ka ba tumakbo? Mukha namang cute yung bagong teacher ha? Kawawa naman kung babastusin din natin, ang cute niya kasi talagaa."Sabi ni Xander. Hindi siya makatahimik sa kung gaano kacute ang Teacher nila. Walang duda, sa itsura ni Angela parang isang manika na gumagalaw at mukhang hindi makapatay ng lamok ang babae. Jeremy's piercing eyes landed on him.
"Ano ba Xander. Wag ka ngang papaloko sa itsura niya! Kahit anong sabihin mo teacher parin siya!" Hindi na bago sa kanila ang ugali ni Jeremy. 6 years na silang mag kakasama dito sa kanilang school. Mula noong first year sila hanggang mag fourth year, sama sama nga silang umulit ng 4th year sa school na ito kaya hindi na sila nag hihiwa-hiwalay. Sa ngayon, pangatlong taon na nila sa FOURTH YEAR. E kasi nga hindi naman talaga sila nag pupunta sa school para mag aral. Masabi lang na pumapasok sila sa school okay na. Parang pinagplanuhan na nila na maging fourth year student buong buhay nila.
"Uy, teka wala namang ganyanan Jeremy. Bigyan mo ako ng chance na patunayan ko yung sarili ko sa inyo. Ha?" Singit ni Angela sa tabi ni Jeremy. She was jogging just to keep up with them. Umangal ito na bagalan nila ang paglalakad dahil maikli ang legs niya at kumapit pa sa kamay ni Jeremy para hindi siya maiwan sa bilis ng mga ito.
"Tsss. Ano ba! Bitawan mo nga ako. Wag mong aasahan na tatratuhin kitang teacher ko! Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo. Pero wag mong asahan na susunod ako sa mga sasabihin mo. Hindi mo ako kilala." Tsaka niya itinulak si Angela at lumakad na sila palayo. Hindi man lang nila pinansin ang napaupo sa kalsada nilang class Adviser.
"AH GANON HA? MGA GAGO KAYO? MAG GAGUHAN TAYO!" Sigaw niya na nagpahinto pati sa lahat. Napa takip siya ng bibig at mahinhing humarap sa mga nanlalaking mata ng mga estudyante niya. Hindi nila akalain na ang isang babaeng may mala anghel na mukha ay mag sasalita ng ganon. She mentally bonked her head, she wasn't supposed to act like this. Her inner gangster self is peeking out.
"Hehe-ehe-ehe.. Joke lang mga bata!" She akwardly smiled while giving the the peace sign.
"Saan kayo mag kukuta? Sama ako ha?"
"Magkukuta?" Napa takip ng tenga si Angela at balisang nag iisip ng palusot sa narinig ng mga estudyante niya na natatawang inulit ang salita niya. Nabigla pa yata silang lahat dahil sabay sabay pa nila itong inulit ng may pagtataka.
"Who uses that word?" Randy giggled a bit.
"Ano ba naman, syempre binabagayan ko yung pananalita ng mga kabataan ngayoon.. Kayo talaga.Diba ganun na ngayon? Cool din ako." Palusot niya. Hindi naman nakalusot sa mga estudyante niya. Now they know that their new teacher is weird.
"Eh ni hindi nga namin ginagamit yung salitang kuta e, Parang pang gangster lang yon." Hirit ni Jeremy na hindi man lang naka tingin kay Angela. Napa kamot naman ng ulo si Angela at nagpa lingon lingon sa paligid. She was shocked at Jeremy's words. If she didn't knew better, she would think that Jeremy knows everything about her and is trying to get her caught.
"Eh, hehe Basta sama ako sa inyo. "
"Sama ka. Pagnanasaan ka namin." Cold na sabi ni Andy. He didn't mean it. He just wanted to scare her off. At nakakatawa ang naging reaksyong ng munti nilang Teacher. Nanlaki ang mga mata ni Angela at napa yakap sa katawan niya habang nagkukunwaring umiiwas sa mga tingin nila.
"Huh, asa ka. Hindi ka naman worth it." Lalo siyang napa nganga literal sa sinabi ni Jeremy. He sounded more offended than Angela and she was triggered by it. Parang wala lang talaga sa kanila at lumayo na. Hindi na nakasagot si Angela dahil sa bilis nilang makalayo sa kanya na nakatulala parin at iniisip kung ano ba ang nangyari?
She reacted when she saw them about to cross to the other side of the road.
"Mga bata! Bumalik kayo dito!" She screamed as loud as she can while standing ong her toes hoping that it will help her shout louder.
"Middle finger salute para sayo!" Sigaw nila ng sabay sabay pabalik at naka talikod na nag taas ng middle finger. She was totally baffled. For once, she felt defeated. Defeated by her highschool students.
Hinagis niya ang kanina pa niya hawak na ballpen. With the distance, it was actually amazing that the pen hit Jeremy's back who started the Middle finger salute. At dahil doon napa hinto nanaman ang mga studyante niya.
Hindi din sila makapaniwala na sa layo ng distansya ay naisakto pa niya sa nasa unahan na si Jeremy. Hindi man lang tumama sa ibang nasa likod ng binata. She was surprised, not at what she did but she was surprised that she let her emotions make her slip up. Kung kagaya ng nakasanayan niya, at isang patalim ang hinagis niya ngayon, paniguradong bagsak na ang binata sa harapan.
"Ahh...Eh... Ah! Yehey! Bulls Eye! Natamaan kita! Yehey!" Pilit na tawa at patalon talon ni Angela. She was a little nervous because of what she did. Another one act that doesn't suit the image that she was trying to portray. She was expecting her slip ups to show maybe by the third month or something. Not on the first day, during the first period. She expected too much from herself, and now she only has her bad acting to save her.
Sa gigil na pag lapit ng estudyante niya, doon niya lang napansin yung ibang tingin sa kanya ni Jeremy. May halong pag tataka at parang may binabalak.
"Sino ka?" Tanong ni Jeremy. Angela nervously cleared her throat before awkwardly giggling as she answer him.
"Ako? Hehe-ehe, diba nga, ako ang class Adviser niyo, Angela Lopez. "
Sa di kalayuan may mga residente ang nababahala sa sigawan ng mga kabataan. Seeing a bunch of students in the alley, they knew something wasn't right. Lalo pa at sa itsura nila na mukhang hindi gagawa ng mabuti ay kaya naman lalo silang naalarma. Kasama ng mga magkakapitbahay na nanonood dito ang isang binata na naka walang emosyon at matamlay na nanonood sa ginagawa ng mga estudyante sa kanilang bagong guro.
"Tama yan.. Wag kayong mag bago. Wag kayong mag titiwala sa mga guro."
The loud ringing of the phone stopped Angela and her student's arguments as she immediately reach out to answer it.
"Ah? Hello? Mr. Principal?" Pag sagot ni Angela sa kanyang telepono habang sumusunod parin sa kanyang mga estudyante na nagsimula nanaman mag lakad matapos niyang saguton ang tawag.
"Ms. Lopez, Nakatanggap ako ng tawag na may mga estudyante mula sa St. Peter Academy ang nagkalat sa may Maria Clara street. Sigurado ako na mula yon sa Section 4-D!" Napa lingon pa si Angela sa mga signs sa paligid at nakita na nasa Maria Clara street nga sila.
"Naka, Mr. Principal, sigurado po ako na hindi mga estudyante ko yon. Promise po." She lied so horribly that she almost hit her own head. She sounded so dumb and it irritates her.
"Siguraduhin mo talaga. First day palang may problema nanaman. Nagpa punta na din ako ng mga pulis jan para mahuli na silang lahat at ng ma expel na agad. " The Principal's voice was so loud, he is screaming every word. Agad niyang pinatay ang phone niya at hinabol ang mga estudyante niya. She was so stressed out thinking about why he would call the police immediately. She doesn't need any interaction with an officer, its not that she's scared but she just don't want another problem. With her student's reputation sigurado siya na gusto silang mapatalsik ng Principal.
"Mga bata! Tumakbo na kayo. Mag hiwa-hiwalay kayo bilis!" Sigaw niya.
"Ano? Bakit naman?" Sigaw ng isang estudyante.
"May darating na mga parak!"
"Tss. Anong parak?"
"Mga pulis! Ano ba! Huhulihin kayo non! School hours ngayon tapos nasa labas tayo! Bilisan ninyo! Dali! Takbo!" Pinag tutulak pa niya ang mga studyante niya sa apat na magkakaibang direksyon at sumamang tumakbo sa direction nila Jeremy.
''Ano bang nasa isip ng babaeng yon?" Hingal na hingal na sabi ni Jeremy.
"Grabe! Pag tumakbo pa ako mamamatay na ako!" Singhal ni Xander at tumabi kay Jeremy at halos matumba na dahil sa kakatakbo.
"Bakit naman niya tayo pina takbo?" Hingal na sabi ni Renzo at sumandal lang sa kanya ang pagod na pagod na kambal na si Randy.
"San ba naman kasi tayo makaka kita ng teacher na patatakasin pa yung mga estudyante niya? Haha!" Sumandal din si Andy kay Randy.
"Huh! Dito lang yon no! wah! Nakaka pagod!"
"WAAH!" Biglang napa layo sa nag salita ang mga lalaki.
"Bakit nandito ka bigla?" Tanong ni Jeremy sa biglang sumulpot na si Angela.
"Eh sa dito ako napatakbo e. Nakaka pagod no? Hahaha" Natatwa pa siya kala mo ay kasama din sa barkada nila.
"Bat ka din ba kasi tumakbo? " Tanong ni Andy. Si Xander naman ay lumapit sa guro at pinaypayan siya gamit ang kanyang kupya.
"Eh. ayoko nga mahuli ng parak. Baka mamaya ikulong pa ako." Walang pag iisip na sabi ni Angela.
"Bat ka naman nila ikukulong?"
"Ahh! Ewan . Ano, joke lang hehe. Exercise lang." Sabi niya.
"Tss. Tara na nga!" Tumayo na si Jeremy at sumunod na sakanya ang mga kasama niya maliban kay Xander.
"Sandali lang mga bata!" Hahabol nanaman sana si Angela pero pinigilan siya ng isang lalaki.
"Angela."
"Oh, Xander? May sasabihin ka ba?"
"Hayaan mo na lang kami. Hayaan mo si Jeremy." Angela sat back down due to her curiosity.
"Ha? Ano bang sinasabi mo jan ? Di ko kayo pwedeng hayaan no."
"Hindi mo kasi Naiintindihan!"
"Ipa intindi mo sakin Xander."
"Si Jeremy, Kung tutuusin siya ang pinaka bata sa aming lima kahit na buwan lang ang pagitan. "
"Siya ang pinaka bata? Bakit siya sinusunod niyo?" Di maka paniwalang tanong ni Angela.
"Kasi kailangan niya non. Kailangan din niya ng atensiyon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Jeremy kasi, ulila na siya. May kumpanya na naiwan sa kanya ang mga magulang niya. Pero hanggat hindi siya tapos ng high school, hindi niya makukuha sa Tita niya. Sa evil niyang tita." Tumango tango lang si Angela.
"Eh kung ganon naman pala bakit hindi niya pag butihan? Diba mas maganda kung makuha na niya yun? Tsaka pano siya nabubuhay?"
"Nabubuhay siya mag isa sa natitirang mansyon na naka pangalan na sa kanya. Minsan doon kami nakikitulog kapag bad shot sa mga parents. Tapos may allowance din siya every month. Mayaman siya. Sa totoo lang kaya niyang bilhin ang buong school sa yaman niya. Pero ayaw niyang matapos ng high school kahit gusto niyang makuha ang kumpanyang pinag hirapan ng parents niya."
"Bakit ayaw niya?"
"Kasi pag natapos na siya, cocontrolin nanaman ang buhay niya. Sigurado siya na hindi nanaman siya papatahimikin ng Tita niya kapag nakuha na niya yung kumpanya. Gusto niya kasing maging malaya." Angela took a deep breath as she learned these information.
"Ah.. Ganon pala, e bakit parang ayaw niya sa mga teacher?"
"Madalas kasi siyang pinag bibintangan ng mga teacher kapag may nawawala sa room okaya may nag nanakaw. Akala din nila si Jeremy talaga ang may gawa kasi siya ang nagbabalik ng mga nawawalang gamit. Pero sa totoo lang hinuli niya lang kung sino ang nag nakaw at ibinabalik niya. Pero walang teacher ang nag tiwala sa kanya. Walang nakinig sa kanya. Lahat ng teacher ang tingin sa kanya masama. Sa amin ngang lahat e. Walang nag titiwala sa amin. Kaya yun, sa huli wala na din kaming tiwala."
"Naiintindihan ko. Pero ngayon may nag titiwala na sa inyo.."
"Sino?"
"Ano, sino sa tingin mo?" She smirked and joyfully pointed at herself.