Chapter 1

4388 Words
Ako si Angela Nicole Lopez 22 years old, a Teacher. This year is going to be my first time teaching and I can’t wait! This is my dream ever since I was a kid. But aside from being a teacher, there is a dark secret about my life that I need to keep. It may sound crazy or cliche but I am living a double life. I am also known as Autumn. The leader of the top Gangster group called Breeze. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako bilang ang pinaka kinatatakutan at pinaka malakas na babae sa Underground Society. People tend to call me the Queen of Gangsters. Ang Breeze ang grupong itinatag ko mula noong ako ay nasa 4th year high school matapos mamatay ang mga magulang ko dahil sa kagagawan ng Walters, the one group that ended my normal life. Sila ang grupo na gustong kunin ang kayamanan ng mga magulang ko. Pinamumunuan sila ni Grey Walter, the person that I hate the most. The one that made my whole world crumble. At sa dinami-dami pa ng tao sa mundo, siya pa na pinsan ko. After so many battles that I fought together with my newly formed group at that time, we successfully towered over them. Napabagsak na namin ang Walters at naipakulong na ang mga natitirang grupo nito maging si Grey. And that’s how my Gang started to rule the underworld. Hindi kami ang tipo ng mga gangster na pumapatay. Lumalaban kami, oo pero hindi kami nananadyang pumatay. We fight with swords and blades but we don’t have any intention to kill the person. We try to be human still, sinusubukan namin na mailigtas parin ang buhay nila. Pero kung may mangyari man na di namin inaasahan sa kalaban namin, wala na akong magagawa doon. Ganoon talaga sa mundong ito. Kung may napatay na ako? Wala pa naman. Pero meron na akong nabugbog at umabot siya sa emergency room. 50/50 pa nga e. Kaso sabi naman buhay daw. Edi okay lang. Kung nagtataka kayo kung bakit ako naging teacher kahit na mabubuhay naman ako sa pera na makukuha ko galing sa Breeze, at napaka kilala ng Gang ko, delikado, tama naman. Pero yun ay dahil sa pangarap. Oo, pangarap kong maging teacher. Yun ang gusto kong maging mula noong bata ako. Kaya nga kailangan kong mag sikap na mag aral at ikubli ang tunay na ako. Tinago ko muna si Autumn para mamuhay ng normal. Studyante sa umaga, Gangster sa gabi. Ganyan ako noon. Sa grupo ko, tatlo lang kaming babae. Ako, si Nicole at si Shaira. Si Nicole Cheng ay kilala din bilang si Summer. Siya ang makulit at pasaway kong kanang kamay maliban sa rank niya sa Breeze ay bestfriend ko din siya. Magaling siya sa pag gamit ng patalim, Her specialty is using knives and daggers. Si Shaira Gumano naman ang tinatawag namin na Winter. Cold siya makitungo at tahimik pero mabait naman siya. Magaling siyang makipag laban. Siya ang protector ko. She never let me get hurt, siya ang isa pa na parang totoong kapatid ko na din. Pareho hilang mas bata kesa sa akin. Sila ay nasa 4th year highschool at parehong 18 years old. Pareho silang ulila at kagaya ko naiwan din sa kanila ang yaman ng kanilang mga pamilya. Kung mayaman ako? OO. Masasabi kong mayaman ako, dahil meron akong 15 kumpanya dito sa Pilipinas at may 25 sa ibat ibang bansa. Naiwan sa akin ng mga magulang ko. Dahil sa pagpapatuloy ko ng pangarap ko ay hindi ko na masyadong na aasikaso ang lahat kaya naman ang gumagawa nito para sa akin ay ang mga pinag kakatiwalaan kong kasama sa Breeze. Si Ryan Green 30 years old kababata ko. Siya ang katuwang kong bumuo ng grupo at ang kapatid niyang si Arnold Green na 28 years old. Pareho silang Abugado at sila ang nag papatakbo sa lahat ng kumpanya ko. Ako ay may sariling Modeling Agency, Hotel at pagawaan ng damit pati narin ang sariling clothing brand. Lahat ng ito ay kilala at yoon ang nag udyok kay Grey na agawin ito sa pamilya ko utos na rin ng kanyang gahamang Ama. Pagkamatay ni Tita Elena dahil sa sakit ay lumabas ang tunay na kulay ni Tito Arnel. Nais lang niyang makuha ang lahat ng meron ang buong pamilya namin. Muntik na silang mag tagumpay pero hindi ko yon hinayaan. "Boss! "Narinig kong tawag ni Felix sa labas. "Boss! Hinihintay na po kayo nila Nicole at Shaira." "Sige baba na ako." Kinuha ko na yung bag ko at naka busangot na lumabas. "PPPffft...~" Bakit nakakarinig ako ng pagpipigil ng tawa? "Feeeliiix! tinatawanan mo ba ako?" "Hindi po! Nakaka bigla lang po yung suot niyo di ko po alam na nag Pi-pink po kayo." Halatang natatawa pa siya pero nilampasan ko lang siya at hinampas ng shoulder bag ko. "Sorry po boss!" Sigaw niya at nag bow. "Tss. Sige na!" Iniwan ko siyang naka bow at lumabas na ng pintuan. Naabutan ko nang naka pila yung mga kasama ko sa bahay para ihatid ako. Mga 12 silang kasama ko dito sa bahay. Kami ang mga pinaka matataas sa gang, pinaka malalakas at mga wala nang uuwian. "Saan kayo pupunta ha?" Tanong ko at maangas na isinampay ang bag sa likod ko habang hawak ito paharap. "Hoy Autumn! Ang tagal mo naman!" Tawag sa akin ni Summer mula sa labas. "Sandali nga lang!" "San kayo pupunta? " Baling ko sa mga naka bow sa gilid ko na nag nagbibigay daan pa papunta sa gate. Ano to? Bakit may pa runaway? "Boss susundan po namin kayo sa school para maka siguro tayo na ligtas." Sagot nung pinaka matanda sa kanila. I rolled my eyes, nasanay sila na pinoprotektahan ako at laging nakasunod sa akin sa tuwing lumalabas ako. Pero ngayon kasi iba ang sitwasyon, hindi ko sila mahahayaan. "Hindi. Dito lang lahat kayo. Gusto kong maging normal ang lahat at gusto ko ang trabahong to! Kapag nalaman nila na Gangster ako papatalsikin ako sa school! Naiintindihan niyo ba?" "SORRY BOSS!" Sabay sabay silang nag bow. At lumabas na ako ng gate doon ko naman nakita sina Summer at Winter. "Autumn naman, bakit ganyan ka mag lakad? Ang siga mo! Pasakang sakang ka pa! Kumendeng ka nga! Tsaka yang bag mo suot mo sa balikat mo. Hindi yung naka sampay sa balikat mo parang dala mo yung sako ni Santa Claus." Nakita kong napapa ngiti si Winter habang tinatawanan ako ni Summer. "Kayong dalawa talaga! Hay, tawagin niyo akong Angela. Sa school Miss Angela okaya, Maam Angela naiintindihan ninyo?" Napa kamot ng ulo si Summer. I mean si Nicole. At tumango naman si Shaira. "Tatawagin ko kayong Nicole at Shaira kaya wag na kayong mag taka okay? Yung pagiging gangster natin, lahat sikreto. Walang makaka alam na gangster ako, na gangster kayo. As in wala! Naiintindihan niyo?" "Yes Boss." Naka ngiti nilang sabi. Sumakay na ako at nag drive. Di katulad ng ibang member ko halos hindi ako ginagalang ng dalawang to dahil pare-pareho kaming tinuturing na prinsesa at para na kaming mag kakapatid ng mga ito. "Anong section daw tuturuan mo Angela?" Tanong ni Nicole habang sinusundot ang braso ko. "Fourth Year daw section D. 4-D yun tama." Sagot ko na naka tingin parin sa daan. "Haaay. Di ka namin teacher. 4-A kami." Sabi ni Shaira. "Wow naman, matalino ah. Buksan mo mga yang compartment jan sa harap mo. Pengeng chocolate." Sabi ko kay Shaira na nasa shotgun seat. "Meron na akong nilagay sa bag mo. Magpaka matured ka sa school. Baka pag tripan ka lang doon tsaka balita ko yung 4-D daw ang pinaka basag ulo sa school. At pati nga teacher ay takot sa kanila." Kaswal na sabi ni Shaira. "Sus, mag basag ulo na kami kung mag basag ulo. Wala akong paki alam. Basta lahat sila gagraduate, dapat lahat sila maging successful sa buhay kasi sila ang unang matuturuan ko. Kinikilig ako, sila ang unang tutupad sa pangarap ko! Magiging masaya to, igurado ako doon." Hininto ko na ang sasakyan at pinatay ang makina. "Wooh! Kaya ko to!" Sigaw ko bago bumaba na sa parking lot ng school. Pag pasok namin sa Campus, autmatic na naging pa cute at sweet tong dalawa kong kasama kasi naman kahit papaano, nakilala silang Model doon sa fashion line namin noon at kalat ang boutique namin. Pero napapaisip parin ako hanggang ngayon kung may makakaalala pa ba? Sana naman mabaon na sa limot yun, that’s something that I don’t want to relive. "Ayusin mo nga yang pag lalakad mo tsaka iangat mo yang bag mo." Bulong sa akin ni Shaira. Napa tingin ako sa bag ko na hawak ko lang sa kanang kamay ko. Di ko naman sinasadya pero naka sayad na pala ito sahig at hilihila ko lang. Bigla ko naman itong naiangat at sinuot sa balikat ko. Hehe sorry naman di ko naman laging gamit to. "Punta muna ako sa faculty guys." Sabi ko. Tinapik ko sila sa balikat at ginulo yung buhok. Pinilit kong mag lakad ng “normal” kahit na gustong gusto kong mag lakad ng kung paano talaga ako mag lakad. Naiirita din ako sa palda ko na pink na pink. Shutek lang? Mukha akong piglet. "Good Morning po." Bati ko pagka pasok ko sa faculty. Anong ginagawa nila, bakit nakaupo lang sila na nakatingin sa akin? Mukha ba akong shunga dito? "Ako po yung bagong teacher. Hello po." Nag pa cute pa ako at nag bow, nakakasuka. Agad akong nilapitan nung isang kikay na teacher mukha siyang kaedad ko lang. "Hello! Ikaw ba Si Angela? Ang bata mo naman ilang taon ka na?" Tanong niya. Napa ngiti ako ng pilit. Ang weird sasabihin niyang ang bata ko bago itanong edad ko. "Ah, 22 po. " "Oh? Ako nag graduate 24 nako. " Woah. Kala ko mga 22 palang to ha. "Ah, kasi po nag accelerate po ako. Di na po ako nag grade 4 and 5 tsaka po hindi na ako nag 3rd year." Naka pilit pari ako na ngiti. I have my ways heh. "Wow naman! Ang talino mo siguro no?" Sabi niya at hinila na ako.Ano to? Bakit ang sigla? Parang umiiwas sa bala yung balakang pag naglalakad, ganito ba yung normal? "Dito yung table mo, Adviser ako ng Section 4-A. Ako si Chloe Manaba. " "Nice to meet you Chloe." Sabi ko, hindi ko alam kung ako lang to… pero sobrang laki ng ngiti niya kita ko na yung gums niya. "Ang ganda ganda mo talaga!" Pigil niyang tili. "Ahhh? Hindi.." Anong isasagot dito? Anong noramal na sabihin? "Oo kaya! Idol ko pa nga yung ANS hanggang ngayon e! KYAAH!" Hala? ANS?! Ang tagal na non. 2 years ago pa. Did I just freakin jinxed myself? Nagdadasal palang ako na walang makaalala noon. "Hehe, alala mo pa yon? 2 years na yon e." Sabi ko. Yung ANS, kami yon nila Nicole at Shaira, Kaya nga ANS e. Yun kasi yung unang beses na pinakilala sina Shaira at Nicole bilang model ng clothing brand namin. Pinilit nila ako na mag model din for 1 year kaya hinayaan ko nalang. Pero matagal na yon at sa Korea din. Hindi naman ganoon kakilala sa Pinas, hindi ko alam na may makaka alala pa. "Oo naman! Diba nag guest pa kayo non sa mga Malls sa Korea?" Sabi niya. Tssk, Super fan ata to a. "Ah, oo. hehe. " Nakakailang na baka hingian ako ng posing, mananapak ako talaga. "Ang saya saya naman! Co-Teacher ko yung Idol ko! Ang ganda ganda mo kasi e!" "Ah,Ehe-ehe-ehe… 4-A Ka?" Tanong ko sa naka nganga sa harap ko. "Oo.Bakit?" Tanong niya. "Ah, studyante mo sina Shaira at Nicole." Nag smile pa ako sa kanya. "WOAH?! TALAGA?!!! Sige papasok nakoo!!" Nag tatakbo na siya palabas. Haay nako, simula palang nakakasakit na ng batok. Ganito ba talaga yung mga normal? May narinig akong isang teacher na naiiyak na sinabing nalagyan siya ng schedule sa 4-D. Gaano naman kaya kalala yung mga studyante ko? Bakit parang kakatayin na yung isang yun nung malaman niya? Bakit kaya dun pa ako nilagay. Siguro naman di nila alam na gangster ako…sana? Haay. "Ah, Miss Lopez!" Sigaw nung isang teacher na lalaki. Cute siya pero mukhang lampa. "Ah, yes po?" Tanong ko. "I'm Lawrence Castro nga pala, tawag ka ni Principal sa office." Sabay turo niya doon sa pinto na may nakasulat na 'Office of the Principal' "Okay thank you. " Nginitian ko siya at nag lakad na papunta sa office. I knocked three times before quietly opening the door. Pumasok na ako at sumalubong sa akin ang lalaking naka upo at naka ngiti habang kumikinang ang ngipin, salamin at bunbunan. "Good morning po.." Sa totoo lang, hindi nakakatulong itong ilaw na nasa tapat ng lamesa niya, medyo nakakasilaw na. "Good morning Miss Lopez. Ako si Ernaldo Guzman ang Principal ng St. Peter University.Welcome." He flashed another smile that somehow made me feel nervous this time. "Mag ayos kana Miss Lopez. At oo nga pala, pakikuha yang P.E Uniform sa sofa. Yan ang isuot mo." Napa tingin ako sa kanya. "Bakit po?" Tanong ko. Tracksuit? Hindi naman ako P.E. teacher ha. "Para incase na kailangan mong tumakbo, Makaka takbo ka." Ganon ba katindi mga studyante ko at kailangan kong tumakbo? Hindi ko inaasahan pero mabuti na to kesa naman dito sa suot kong palda at pink na pink pa. -- Naglalakad si Angela sa hallway pagkatapos niyang makapag bihis habang komportableng naka bukaka at hinihila nalang ang naka sayad na pink shoulder bag sa sahig. She’s not used to acting girly or sweet as how Nicole have suggested her to do so. It would have been useful in concealing her true identity but she just couldn’t. Siga talaga ang dalaga at parang nakahanda siyang lumaban ano mang oras. "Hindi naman siguro sila ganoon kasama.Baka medyo pilyo lang okaya masyadong maingay ganun." Isip niya habang iniimagine ang mga ugali ng magiging studyante niya. Base kasi sa pagbati ng mga nakakasalubong na studyante sa kanya ay mababait ang mga mag aaral dito. They smile and even bow a little by as they greet her. This is what she wanted. Ganitong ganito ang mga pangyayari na pinangarap niya noon. Napapangiti siya sa iniisip na isa na siyang totoong guro ngayon. "Gudmorning MAAM." Bati ni Nicole sa kanya talagang diniinan nito ang pagkaka sabi ng Maam dahil gusto niyang ipamukha na guro na ito dito. Isang pang gising sa katotohanan lalo na at hinihila parin niya ang shoulder bag niya na sumasayad na sa lapag. "Grabe MAAM, kailangan pa naming lumabas ng room para ipaalala sayo na teacher ka na." Sarkastikong sabi ni Nicole at sinipa ng bahagya ang tuhod ni Angela para pag dikitin ang kanyang mga binti at mag lakad ng mahinhin. "Tss, yung shoulder bag nasa shoulder. Feeling mo naman maletang di gulong kung isayad mo sa lupa." Naka poker face parin si Shaira. "Sorry naman no? Sino ba may sabi na sumayad yan sa lupa, sorry na di ako matangkad kaya sumasayad okay? Sige na bumalik na kayo sa mga clasrooms niyo." Sabi ni Angela at ginulo pa ang buhok ng dalawa na naiinis namang dumila pa bago pumasok sa kanilang room. "Ayaw ko na doon, yung adviser namin laging kami nakikita. Ngiti ng ngiti sa amin tapos fan pa pala ng ANS. Kanina pa siya nag papa picture sa amin.Nakita ko na buong ngalangala niya sa kakasmile tsaka tawa niya sa bawat sinasabi namin. Wala namang joke don langya." Naka ngusong sabi ni Nicole at umakbay pa kay Shaira. "Ih, basta pumasok na kayo. Unang araw oh! Tsaka kailangan ko na din puntahan yung mga studyante ko." Pinagpag ni Angela ang puro buhangin na bag at tumango sa mga kaibigan. Bahagya din siyang napangisi dahil sa pagbabago ng kulay ng bag niya. “Kanina pink ka friend, ngayon brown ka na.” Nag lakad na siya papunta sa Section 4-D habang sina Nicole at Shaira naman ay iritang irita sa kanilang bagong adviser. Wala silang magawa dahil sa matinding matindi ang pagiging fan ng guro nila. “Remember when we thought that modeling thingy wont be a problem?” Singa ni Shaira. Tutol na tutol siya noon at nagsisisi siya ngayon na hindi niya pinanindigan yun. “Shut up, sino naman mag aakala na meron palang magiging fan nun dito sa Pinas? Gusto ko lang naman maranasan mag model noon eh akala ko nakakatuwa.” Shaira was pissed. Isa nga naman sila sa pinaka kinatatakutan na grupo sa buong Pilipinas, at hindi niya inaasahan na may makakaalala pa ng ginawa niyang “kakikayan”, she’s shy but she won’t admit that. "Okay ka na ba ngayon baby Nicole?" Tanong ni Ma'am Chloe sa mga kakabalik niyang estudyante. Paalam kasi ng dalawa ay hihingi lang ng gamot sa sakit ng lalamunan si Nicole. Pero pinuntahan lang talaga nila ang sigang naglalakad na si Angela. "Okay na po Ma'am, thank you." Ngumit si Nicole kaya naman ngumiti din si Shaira at nag bow sa kanilang Teacher. Automatic na nag ningning ang mata ng guro dahil sa pag ngiti ni Shaira. "Ahh! Ngimiti si Shaira! Omyy Ang cute!" Sigaw niya. Natawa ang mga estudyante niya at napa yuko nalang si Shaira sabay kamot ng batok kahit na hiyang hiya na siya. Umupo na sila at nag simula ng mag pakilala ang napaka kulit nilang Adviser. Pangatlong beses na pag suntok na ang ginagawa ni Shaira sa kanyang Adviser pero sa isip lang niya dahil kailangan nilang protektahan ang kanilang Pinuno at kailangan nilang manatili sa imahe nila na cute at pa-sweet na modelo. Sa kabilang banda, si Angela Lopez ay masayang nakatayo sa harapan ng classroom. "Section 4-D, kaya ko kayo!" Cheer niya sa sarili niya sabay bukas ng pintuan. "GOOD MORNING!" Her loud greeting was acknowledged by silence. You can almost hear crickets and just the wind blowing at how quiet the classroom is. "Asaan yung mga estudyante ko?" Hinagis ni Angela ang kanyang bag sakto naman ito sa Teacher's table. Liningon niyang muli ang mga bakanteng upuan at ang mga naka sulat sa black board. The board was filled with inappropriate words and drawings "Puro pag mumura naman tong mga to, grabe ha? Saan ko naman kaya hahanapin ang mga yon?" Tss! Halatang mga batas dito tong mga to. Hindi porket matagal na sila dito matitinag nila ako. Isip ng guro. Talagang nakahiwalay pa sila ng clasroom ha. Nasa 5th floor ang room nila. Sa totoo lang ito lang ang nag iisang clasroom sa 5th floor. Eh rooftop na kasi ito! Singhal nanaman niya sa isip niya. Pagka akyat ng rooftop, May isang malaking classroom na puno ng spray paint. Sa isip ng iba malamang sasabihin nila sobrang lala ng vandalism na ito pero nagagandahan dito si Angela para kasing galaxy. "Nasa loob na yata e!" May mga bumubulong… "Pumalpak yung dun sa pinto!" "Tanga mo naman Randy!" Napa lingon ang kanina pa naguguluhan na si Angela at naka kita ng pinto na halos hindi mo na mapansin dahil hindi ito halata dahil sa magandang pintura na nakatakip dito. "Mga bata..." Gigil na bulong ni Angela at inis na inis na lumapit sa pintuan. Pinipilit niyang buksan yung pinto pero hindi niya alam na may mga natatawang studyante ang nag tutulak nito para hindi niya mabuksan. Tumigil na si Angela sa pag pilit na bumukas dahil nararamdaman niyang niloloko siya. Natatawang lumayo naman sa kabilang banda ang mga estudyante niya. Alam kasi nila na sumuko na ang bago nilang adviser. BLAG! Sinipa ni Angela ng pagkalakas lakas ang pinto dahilan para bumukas ito ng biglaan at tumambad ang biglang mukha ng mga studyante niya. "BABAE?!" At how loud they screamed, it is clear to Angela that they didn’t expect her at all, but so is she. Maingay silang sabay-sabay na nag bulungan dahil sa pagkakagulat nila sa babae sa harapan nila. "Bakit puro kayo lalaki?" She calmly asked. "Tss lang kwenta!" "Anong akala nila kaya tayo nito?" "Akala nila bibigay tayo sa maganda mga tol!" "Tss. Baka di na to makilala pag uwi sa kanila" "WAHAHA!" Nag tawanan ang mga bata ng makita ang kanilang adviser at English teacher. Hindi nila inakala na babae ang magiging guro nila. They look at her like she doesn’t know what she was doing. She felt judged. Kung gulat sila, lalo naman si Angela, hindi niya inakala na puro lalaki ang nasa section niya. Walang nagsabi sa kanya at ngayon parang alam na niya kung bakit problemado ang ibang mga teacher. "Mga bata, pwede ba na pumasok na muna kayo sa room? Sige na…" Pinilit niyang ngumiti kahit halatang pilit. "Tss. Mag isa ka!" "Bahala ka jan!" "Asa!" "Tara na lumayas na tayo dito!!" "Oo nga!" "Pasok." Napa lingon si Angela sa lalaking naka upo sa likuran. Isang salita lang niya pumasok na yung mga kaklase niya. He doesn’t look like a highschool kid. His eyes are very expressive, his nose is pointed and his smirk… He looks perfect. Looking at how tall he is and how broad his shoulders are, he would pass as a model. Angela Lopez's POV Huh, eto siguro ang leader nila. Angas nito ha? Lima silang naka upo sa lapag kanina. Pero yung isa lang yung maangas na nag utos na pumasok sila at sumunod yung iba. Siya na nga yung pinuno. Ang bata pa ba to? May fourth year highschool ba na ganito yung itsura? Para siyang artista ang gwapo tsaka ang kinis. Ay hindi lang siya. Yung lima. Huh bakit nandito sila? Parang shooting ang cute. Mukha naman palang mga anghel tong mga alaga ko eh, anong sinasabi nila na mala dimonyo itong mga to? Nilampasan lang ako nung ibang studyante pero naka upo parin yung lima sa labas. "Pasok na din kayo mga bata. " Ang hirap mag panggap na mabait at pa cute ha. damn. “Psh. Bata? Baka magkaedad lang tayo.” Bulong ng isang lalaki. "Pasok na, baka umiyak." Ngisi nung kaninang nag utos na pumasok sila. Inis na natawa yung mga kasama niya pero pumasok na din sila. "Hay, mukhang magiging mahirap to." Kaya ko to! Laban! Pumasok na ako sa loob pero ang gulo nila! May nag gigitara, nag babase ball may nag hahagisan ng silya. Akyatan locker batuhan ng libro, meron pang nag didrible ng bola. Anong akala nila dito play ground? Hay... Buti nalang may isa pang matino dito. Tahimik lang siyang naka tingin sa akin. Nakaka concious naman to. "GOOD MORNING!" Sigaw ko para makuha atensyon nila. "bratatata. enekelelum" "bato bato pick anti biotic~" "BANG! BANG! oh patay kana! Higa ka na!" "bumtiyaya bumtiyaya bumyeye!" "leron leron sintaaa buko ng papaya!" "tanga walang buko sa papaya!" Hindi ko mapigilang mag kamot ng ulo at mapa untog ng ulo ko sa black board. Tukneneng akala ko bang mga siga tong mga to? Mga isip bata naman pala eh! "MGA BATA TUMAHIMIK NGA KAYO!" Sigaw ko. Napa tingin silang lahat sa akin at ang sama ng tingin nila. "Ano bang sinisigaw sigaw mo jan ha?" Aba't walang galang! "Ah, kase masyado na kayong maingay. Pwede bang makinig muna kayo? Mag orientation muna tayo." Pinilit ko paring ngumiti pero pinag tawanan lang nila ako at nagsimula nanaman. "bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna!" "Bukaka bukaka " "Tanga! Bumtiyaya bumtiyaya!" "what does the fox say!!!" "Bumtiyaya bumtiyaya bumyeye!" "Dandandan.. dalandan, " "Amoy na amoooy..." "Is it real? Is it real?" "TAHIMIK!" "Ano ba ha?! Ano bang trip mo sa buhay mo? Talon ka dun labas!" Sigaw nung isa sa akin sabay turo sa roof top. "Aba'y matinde!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nakita ko na nanlaki mata nila. bwisit nag sasalitang kalye nanaman ako. Woohh hinga, kailangan kagalang-galang woooh… "Ah, mag aattendace muna tayo okay? When I call your name say present." "Randy Alfares" Wala siya? "Alfares, Randy?" "Nandito ako!" Ay pak ang bastos. "Renzo Alfares?!" "Oh?" Uy wow may kambal pa pala ako dito. Buti nalang iba kulay ng buhok nila. Ay teka, pwede ba kulay ng buhok? "Jeremy Anderson..." Anong nangyayari bakit biglang tumahimik lahat? "Jeremy Anderson.." "Present." Napa angat ako ng ulo with matching ningning ng mata. May sumunod na sa sinabi ko! Waaah! Yung leader pala nila. Kakaiba talaga to makatingin, parang may gusto siyang sabihin gamit yung mga mata niya pero di ko maintindihan. Nakakailang naman to. "Andy Black" "Yowyow" Hay deads. Buti hindi siya gumaya sa leader nila? Nag dirediretso lang ako hanggang sa maka abot na ako sa dulo. Talagang walang gagalang sa akin dito? Akala ko pa naman mga cute na estudyante dadatnan ko. Akala ko may mga babaeng estudyante na ituturing akong ate tapos mag eenjoy kami mag kwentuhan na parang magkakaibigan. Gusto ko lang naman ng normal na mga tuturuan pero bakit may isang paakyat na sa kisame mula sa locker? "Xander Lean?" "Hi Ma’am! Ang Cute mo!" Nginitian ko lang siya tas bumalik siya sa pag yo-yoyo. Mukhang friendly naman itong isang to. Pero parang hindi niya ako kakampihan. Halatang tinuturing niya na leader yung si Jeremy lalo na parang tinanong niya pa ito gamit ang tingin bago sumagot sa tawag ko. This seems to be more difficult than I thought. Tumalikod ako at sinulat ang pangalan ko sa board. A-U-T-U..well s**t! Dali-dali kong binura at sinulat ang totoo kong pangalan. Bwisit muntik na yon. "So hello, Ako si Angela Nicole Lopez. Kayo ang una kong magiging estudyante. Bago palang ako sa preofession na ito pero sana maging maganda ang taon natin!" Energetic kong sabi sa estudyante ko. Isa lang ang naka tingin sa akin tapos mukha pang lutang tong Jeremy na to. "Ilang taon ka na?" Tanong ni Jeremy. haay di din pala magalang. "22 na ako." Yumuko siya at napansin kong napa tingin lahat sa kanya. "Napano ka okay ka lang ba bata?" Tanong ko, his face suddenly changed. He looked troubled for some reason. May nasabi ba akong mali? BLAAAG. Bigla niyang tinaob yung table niya at lumabas. Isa isa na ding lumabas yung mga kaklase niya at pumunta sa roof top. Bumaba din sila gamit yung hagdan para sa fire exit. "Aba'y mga gago nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD