Nasa kubo na kami, pero hindi pa din tumitigil ang buhos ng ulan. Lumakas pa nga lalo. Ang problema namin ngayon ay wala kaming maisusuot dahil basa ang mga kasuotan namin. Nakasando at shorts lang ako kaya sobrang nilalamig na ako. Mabuti na lamang at may dalang jacket si Dice at pinahiram niya sa akin. Kahit papaano ay hindi gaanong malamig. "Paano ka?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko na nilalamig na din ito. Basang-basa din kasi ang suot niyang tshirt at pantalon. Bigla siyang lumapit sa akin at tumabi. Share tayo. Chaka mas hindi tayo lalamigin kapag magkadikit ang balat natin." Bumilis ang t***k ng puso ko. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Nagshare kami kasi sa jacket niya. Mabuti na lamang at makapal iyon at may kalakihan. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala itong signal.

