Last day na namin sa resort. Kinakausap pa din ako ni Dice pero hindi tulad ng nasa kubo pa kami na lagi akong inaasar. Sa totoo lang ay mahapdi pa din ang akin. Siyempre ganoon daw talaga pag first time. Kinagabihan, naghanda ng maraming pagkain sina Aling Saling. Bukas kasi ay babalik na kami sa Maynila. Nagsalo-salo kaming lahat. "Sana po ay bumalik po kayo ulit dito, Sir at Mam. Ngayon lang po sumaya ulit dito dahil sa inyo." sabi ni Aling Saling "Wag po kayong mag-alala Aling Saling, pag nakapanganak na po si Gab at lumaki ng konti ang mga kambal namin ay dadalaw ulit kami dito." "Nag-enjoy naman po ba kayo dito?" Tanong ni Mang Carding. "Oo naman po. Ang sariwa po ng hangin dito, ang ganda ng tanawin tapos ang sasarap pa po ng mga pagkain dito." "Mabuti naman po kunga ganoon

