Two months later... Nanganak na si Gab. Lahat kami ay excited para makita ang kambal. Parehong lalaki ang kambal. Si baby Axel at baby Allen. Ang cute cute nilang dalawa, chaka kitang kita na kamukha ng tatay nilang si Xander. Kasalukuyan pang nasa hospital si Gab. Ako naman ay nasa bahay nila at nag-offer na magbabantay kina Alexa at Sab. May katandaan nadin kasi sina tita lona at tito Dan kaya ako na nagbantay sa dalawang bata. Madalas ay sinasamahan ko silang maglaro ng mga manika. Naalala ko ang kabataan ko noon. Hindi ko naranasan na may kalaro ako. Ang dami ko ngang mga manika pero wala naman akong kasama. Puro manika lang ang kinakausap ko noon. "Tita Hannah. Pwedi po ba nating dalawin si mommy? Gusto ko din po kasing makita mga little brothers ko " tanong sa akin ni Alexa. "

