Five months later...
Sa limang buwan na nakalipas ay kahit papaano ay nakakapagmove on na ako. Not totally, dahil hindi naman ganoon kadaling kimutang ang taong halos dalawang dekada mo ng minamahal. Ang tibay ko ano? Taon lang ang nagbabago pero hindi ang pagmamahal ko sa kanya.
Mabuti na lamang ay hindi ko na ganoong nakikita si Dice. Dahil sa totoo lang, kapag naroon ako sa kanila ay hindi ito nakikisama sa amin. Pansin nila na nag-iiwasan kami, pero buti na lamang at hindi sila nagtatanong tungkol doon.
Buntis na din si Gab at kambal pa.
Isang araw ay nagkaroon ng party. Gender reveal sa kambal nilang anak. Siyempre naroon si Dice at hindi ako nagtataka kung hindi niya ako kausapin. Wala na din naman siyang sasabihin. Ganun din naman ako.
As usual out of place na naman ako dahil wala ako ganun kakilala. Nasa isang table lang ako mag-isa.
Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki.
"Hi, Miss beautiful. Bakit mag-isa ka?" tanong niya sa akin at tumabi ng upo sa akin. Bigla nga akong nailang e.
"Wala lang." tanging sagot ko.
"Kaano-ano ka ni President Xander?" tanong niya sa akin.
Malamang ay empleyado nila ito sa company.
"Kaibigan ko si Xander at si Gab."
"Wow. Hindi ko alam na may kaibigan palang maganda si Boss. By the way I'm Nigel and you are?"
Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng ilang sa lalaking ito. Hindi sa judgemental ako pero para kasi siyang lalaking may binabalak na masama.
"Mr. Tolentino, I'm sorry to disappoint you but this girl you are talking to is already taken." halos mapatingi kaming dalawa na lalaki sa nagsalita. Si Dice iyon. Hindi ko namalayan na narito na pala siya sa harapan namin.
Halos tumaas pa ang kilay ko sa sinabi niya. Ano daw? Taken? Baka taken for granted.
"Oh, Mr. Alcantara. I'm sorry. Hindi ko alam na girlfriend mo pala siya. I'm sorry, miss." sabi niya sa akin. At umalis na ito.
Nakatingin lang ako kay Dice. Walang emosyon ang mukha nito.
"Bakit sinabi mo na taken ako? E single ako e."
"So, you like that man?" inis nitong sabi.
"Wala ka ng pakealam don. Chaka kinakausap niya lang ako. As you can see wala akong kausap "
"Kausap lang ba talaga hinahanap mo, o gusto mo lang magpaganda sa lalaking iyon? Hindi ko alam na ganun pala ang taste mo."
"Pakealam mo ba." inis na tugon ko sa kanya.
"Kung wala kang kausap, bat ka ba pumunta dito?"
Halos maluha ako sa sinabi niya. Bakit ganoon ang sinasabi niya. Ayaw niya ba akong nandito? Ayaw niya ba talaga akong makita?
"May problema ka ba sa akin, Dice? Inimbita ako ng mga kapatid mo. Kaya ako nandito."
"Inimbita ka. Pero kung di mo feel, sana hindi ka na pumunta."
"Ayaw mo ba akong nandito? Tell me. Kung ayaw mo akong nandito, aalis ako."
"Then go." sagot nito sabay talikod sa akin.
Parang pinalakol ang puso ko sa sobrang sakit dahil sa sinabi niya. So ayaw niya akong narito sa bahay nila?
Hinabol ko siya. Ewan ko bakit ko iyon nagawa.
"Dice, wait. Mag-usap tayo."
Ewan ko kung narinig niya ako. Patuloy lang siya sa paglalakad palayo.
Binilisan ko ang paglalakad ko para mahabol ko siya. Nakalimutan ko yata na nakaheels ako at hindi ko namalayan na natapilok ako at nadapa. Halos tingnan ako ng mga taong malapit doon.
Nakaramdam ako ng hiya dahil nakadapa ako sa sahig. Hindi ko alam kung paano ako tatayo dahil may mga taong nakatingin sa akin.
Pero nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Dice, bigla niya akong binuhat. Halos nakatitig lamang ako sa kanya habang karga karga ako. Nakatingin din sa amin ang ilang mga bisita. Hindi ko inda ang sakit ng pagkakadapa dahil nangingibabaw ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Hindi ko namalayan na dinala niya ako sa likod ng garden. Medyo madilim doon. Inilapag niya ako don sa may upuan.
Kapwa tahimik lang kaming dalawa ng mga oras na iyon. Hindi ko din alam kung anong iniisip ng lalaking ito.
Hanggang sa ilang sandali ay nagsalita na din ito.
"Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya ka."
"Hinahabol kita. Narinig mo na ako, pero nagpatuloy ka pa din sa paglalakad."
"Bakit may sasabihin ka pa ba?"
"Oo. madami."
"Edi sabihin mo na."
"Bakit ka ba ganyan sa akin, Dice? Totoo ba ang sinabi mo na ayaw mo na akong makita na narito? Bakit?"
"Sagutin mo nga ang tanong ko. May gusto ka pa rin ba sa akin?"
Muling bumilis ang t***k ng puso ko sa tanong niya sa akin.
"Diba nung highschool tayo ay umamin ka na gusto mo ako? Kaya ang tanong ko kung gusto mo pa rin ba ako?"
"Siyempre hindi. Matagal na iyon. Chaka bata pa ako noon." pagkakaila ko sa kanya.
"Talaga? Eh bakit nandito ka pa rin kung ganoo?"
"Ano bang masama na narito ako? Gaya ng sabi ko narito ako dahil imbitado ako ng mga kapatid mo. Kaya wag mong isipin na may gusto pa ako sa iyo, dahil wala na."
"Talaga? Baka magbago iyang isip mo sa gagawin ko."
Mas lalong naging mabilis ang t***k ng puso ko. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Bakit abot langit ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"A--ano bang sinasabi mo, Dice." halos nauutal ko ng tugon.
Tumawa ito ng mahina. At nagulat pa ako dahil tumayo siya sa harapan ko at isinampay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.
"You are so beautiful tonight, Hannah."
Nung magkalapit ang kaming dalawa ay saka ko lang napansin na amoy alak ito. Lasing ba siya? Iba na din kasi ang kinikilos niya.
"Dice, bitawan mo nga ako. Lasing ka na yata e. Balik na tayo doon. Baka hinahanap na tayo."
Pinilit kong alisin ang kamay niya sa mga balikat ko pero hindi niya pa din ako binitawan. Hanggang sa nabigla na lamang ako at nanlaki ang mga mata sa sumunod na nangyari.
Parang tumigil ang ikot ng mundo ko nang mga sandaling iyon.
Dice kissed me.
Mahirap man paniwalaan pero at my age, it was really my first kiss. At kay Dice pa. Nakaramdam ako ng saya ng mga oras na iyon. Para akong nakalutang sa ulap. I close my eyes para mas maramdaman ko ang init ng halik niya sa akin. It feels like heaven para halikan ka ng taong mahal mo. Ilang segundo din ang itinagal non, hanggang sa muling sumagi sa isip ko ang lahat ng masasakit na dinanas ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Hindi pwede iyan, Hannah. Hindi!
I open my eyes and push him away. Hindi ko siya masampal dahil inaamin ko nagustuhan ko iyon. Pero alam ko lasing lang siya kaya niya nagawa iyon.
Sa limang buwan na trying hard ko na kalimutan siya, parang nabalewala dahil lang sa isang halik. Ngayon, back to zero na naman ako. Talagang balak akong pahirapan ng lalaking ito.Ano ng gagawin ko ngayon? Masyado akong marupok at hinihiling ko na sana ay halikan niya ulit ako. Kahit alam kong lasing lang siya kaya niya iyon nagawa.