Episode 22

1461 Words
Dice' POV Madalas nasa bahay si Hannah. Naiinis ako. Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos dahil nandyan lamang siya sa tabi. Hindi ko alam pero bigla lang ako nakaramdam na parang gusto ko siyang iwasan. Halos magkulong lang nga ako sa kwarto kapag nandito siya. Naalala ko tuloy ang nasabi ko sa kanya noong kasal ni Xander at Gab. Alam ko naging harsh ako sa kanya. Sa totoo lang ay nadala lang ako ng inis ng malaman kong talagang iniiwasan niyang magtagpong muki ang mga landas namin. Bakit? Inisip ko na ayaw na niya talaga akong makita. Hindi na ako nagtataka. Marami ng nagbago, hindi na siya ang dating Hannah na kaibigan ko noon. Ni umalis nga sila ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Yun ba ang tunay na kaibigan? Iniisip ko pa, kung ayaw niya na akong makita, e bakit lagi siyang narito sa amin? Ano iyon? Balak nuya akong inisin? Well, nagtagumpay siya dahil naiinis na ako sa kanya. Para nga akong hangin lang dito e. Ni hindi na niya ako napapansin. Ako itong naun niyang maging kaibigan pero ngayon mas close pa niya sina Xander at Gab.  Sa inis ko non sa kanya, nasabi ko na matagal ko ng kinalimutan ang mga pinagsamahan namin noon. Nagsinungaling ako. Dahil ang totoo ay ilang araw ng gumugulo sa isipan ko ang mga masasayang araw naming dalawa. Halos mabaliw na nga yata ako kakaisip doon. And I hate it. Bakit kasi kailangan ko pang isipin ang lahat ng iyon? Eh malinaw na din naman na ganoon dun siya. Pilit ko na siyang iniiwasan dahil baka madagdagan na naman ang gumugulo sa isipan ko. Mahirap ang iwasan siya sa totoo lang. Lihim ko siyang tinititigan sa malayo. Ewan ko kung bakit naging ganito ako. Hindi naman ako ganoon dati. Ngayon ko lang kasi naappreciate ang kagandahan niya. Dati naman ay madalas ko siyang nakikita sa malapitan pero hindi ko nakikita ang ganda niya. Ngayon lang talaga.  May mga pagkakataon na gusto ko siyang lapitan at kausapin. Pero pinangungunahan ako ng takot. Natatakot ako na baka galit siya sa akin dahil sa mga sinabi kong masasakit. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ang alam ko last time akong naging ganito ay yung inlove pa ako kay Gab.  Wait. So, Am I inlove? ... No! This can't be. Ewan ko kung bakit sumagi iyon sa isipan ko. Tinatak ko sa isipan ko noon na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At sigurado ako doon. Para ko lang din siyang kapatid. Kaya imposible na nagugustuhan ko na siya.  What if mahal mo na pala siya? Ayaw mo lang aminin. Ang utak kong ito panira talaga. Ayoko ng ganitong iniisip. Mahal? Hindi na ako magmamahal. Sapat na ang minsang nasaktan ako. Ayoko ng maulit ang nakaraan. Masaya na ako na kasama ko lang ang anak kong si Sab.  But what if, you already fall for her? Mukhang hindi titigil itong isip ko sa kakaisip ng mga posibleng mangyari. Paano nga ba? Paano nga ba kapag nagising ako isang araw may gusto na pala ako sa dating bestfriend ko? Hindi ko alam ang gagawin ko. Chaka ayoko na ding isugal ang puso ko, ayokong maging miserable na naman ang buhay ko dahil lang sa pag-ibig na iyan. Kung mangyari man iyon pagdating ng araw, bahala na.  Lumipas ang ilang buwan at patuloy pa ding nandito so Hannah. At ako naman bilang tanga ay palihim pa din tumitingin sa kanya kahit sa malayuan man lang. Gustong-gusto ko talaga siyang lapitan at kausapin pero naduduwag na ako. Para tuloy akong teenager na nahihiyang lapitan ang crush.  This time, parang naamin ko na sa sarili ko na nagkakagusto na nga ako sa kanya. Tuwing nalalaman ko na dadalaw dito si Hannah ay kaagad akong umuuwi sa bahay kahit hindi naman talaga ako ang sadya niya. Lagi ko din siyang iniistalk sa mga social media account niya at nagsasave pa minsan ng mga pictures niya bAm I crazy? Yes, I am.  Nagkaroong ng party para sa gender reveal ng kambal ng mga kapatid ko. As expected ay nandoon din si Hannah. Nakasuot lang siya ng simpleng dress pero lutang na lutang ang kanyang kagandahan. As usual, tinitingnan ko nanaman siya sa malayuan. Nasa isang table siya sa bandang likuran. Hindi pa din talaga siya nagbabago. Mahiyahin pa din. Bat kaya hindi niya kausapin ang mga ibang bisita para naman may kausap siya at hindi nag-iisa.  Iniwasan ko ng tingnan siya dahil pakiramdam ko ay lalo akong nababaliw. Itinuon ko na lamabg ang sarili ko sa pag-inom ng alak. Madalas ko itong ginagawa kapag nababaliw ako sa kakaisip sa kanya. Mas gumagaan na kasi ang pakiramdam ko kapag nalalasing na ako.  Hanggang sa bigla ulit akong tumingin sa kinaroroonan niya at nakita ko na may katabi itong lalaki. Kilala ko ang lalaking iyon dahil sa company din ito nagtatrabaho. Nakaramdam ako ng inis. O baka nga selos ng mga oras na iyon. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan sila.  "Mr. Tolentino, I'm sorry to disappoint you but this girl you are talking to is already taken." Hindi ko alam bakit iyon ang nasabi ko.  "Oh, Mr. Alcantara. I'm sorry. Hindi ko alam na girlfriend mo pala siya. I'm sorry, miss." Pagkasabi niya don ay kaagad siyang umalis. Mabuti naman. Dahil ayaw ko na may ibang lalaking lalapit sa kanya.  Tiningnan ako ng masama ni Hannah. For what? May gusto ba siya sa lalaking iyon? Nainis tuloy ako.  "Bakit sinabi mo na taken ako? E single ako e." halata sa pananalita niya ang pagkainis.  "So, you like that man?" inis ko ding tugon sa kanya.  "Wala ka ng pakealam don. Chaka kinakausap niya lang ako. As you can see wala akong kausap " "Kausap lang ba talaga hinahanap mo, o gusto mo lang magpaganda sa lalaking iyon? Hindi ko alam na ganun pala ang taste mo." Wala na naman preno itong bibig ko sa pagsasabi ng masasakit sa kanya. Hindi ko sinasadya. Sadyang naiinis lang ako.  "Pakealam mo ba." Mas lalo akong nainis sa tinugon niya.  "Kung wala kang kausap, bat ka ba pumunta dito?" naiiritang sagot ko.  I' m sorry, Hannah. Hindi ko intensyong saktan ang damdamin mo.  "May problema ka ba sa akin, Dice? Inimbita ako ng mga kapatid mo. Kaya ako nandito." "Inimbita ka. Pero kung di mo feel, sana hindi ka na pumunta."  "Ayaw mo ba akong nandito? Tell me. Kung ayaw mo akong nandito, aalis ako." "Then go." Tumalikod na ako sa kanya. Ayoko na din kasi dagdagan pa ang masasabi kong masasakit sa kanya.  "But please, don't go." "Dice, wait. Mag-usap tayo." Narinig ko siyang nagsalita. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.  Malamang ay sinundan niya ako. Pero bigla na lamang akong nagulat ng paglingon ko sa kanya ay nadapa ito. Halos tingnan nga siya ng ibang mga bisita.  Lumapit ako sa kanya at hindi nagdalawang isip na kargahin siya. Aaminin ko nakaramdam ako ng konting saya dahil hawak hawak ko siya ngayon. Nakatitig siya sa akin pero hindi ako lumilingon. Ayokong ipakita sa kanya na masaya ako. Sobrang bilis din ng t***k ng puso ko.  Dinala ko siya sa likod ng garden kung saan kami lang dalawa ang nandoon. Inilapag ko siya sa may upuan doon.  Kapwa tahimik lang kaming dalawa ng mga oras na iyon. Hanggang sa hindi na ako makatiis at nagsalita na ako.  "Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya ka." "Hinahabol kita. Narinig mo na ako, pero nagpatuloy ka pa din sa paglalakad." "Bakit may sasabihin ka pa ba?" "Oo. madami." "Edi sabihin mo na."  Kinakabahan ako. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Sasabihin ba niya na mahal niya pa din ako? Sana lang.  "Bakit ka ba ganyan sa akin, Dice? Totoo ba ang sinabi mo na ayaw mo na akong makita na narito? Bakit?" Hindi. Dahil gusto ko lagi kitang nakikita.  "Sagutin mo nga ang tanong ko. May gusto ka pa rin ba sa akin?" lakas loob kong tanobg. Gusto ko din malaman ang totoo.  "Diba nung highschool tayo ay umamin ka na gusto mo ako? Kaya ang tanong ko kung gusto mo pa rin ba ako?"  "Siyempre hindi. Matagal na iyon. Chaka bata pa ako noon." Halos madurog ang puso ko sa narinig ko. Hindi ako halos makagalaw sa sinabi niya.  "Talaga? Eh bakit nandito ka pa rin kung ganoon?" tugon ko sa kanya.  "Ano bang masama na narito ako? Gaya ng sabi ko narito ako dahil imbitado ako ng mga kapatid mo. Kaya wag mong isipin na may gusto pa ako sa iyo, dahil wala na." "Talaga? Baka magbago iyang isip mo sa gagawin ko." panghahamon ko sa kanya.  "A--ano bang sinasabi mo, Dice." nauutal nitong tugon.  Tumawa ako ng mahagya. Lumapit ako sa harapan niya at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya.   "You are so beautiful tonight, Hannah."  "Dice, bitawan mo nga ako. Lasing ka na yata e. Balik na tayo doon. Baka hinahanap na tayo." Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.  Hinalikan ko siya.  Sobrang saya ko ng mga oras na iyon. That moment I confirm that I am really falling in love with her. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD