Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. Lagi kong naiisip ang paghalik sa akin ni Dice. Halos himatayin nga ako sa sobrang kilig e. Magkaganun man, may parte pa din sa isip ko na hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano. Lalo pa't alam ko na lasing lang si Dice ng gabing iyon.
Flashback...
Nung halikan ako sa labi ni Dice ay gustong-gusto kong tumigil ang oras. Pwedi bang ganun na lang kami habanv buhay? Sobrang saya ko dahil hinalikan ako ng taong mahal ko.
Thinking our past ay bumitak ako sa pagkakahalik niya. Naiisip ko na baka umasa na naman ako sa wala. Wala lang ito. Iyon yun.
Tahimik lang kami pareho ng mga oras na iyon. Wala akong masabi sa kanya. Nakayuko lamang ako dahil sa sobrang kahihiyan.
Umaasa ako na may sasabihin siya pero to my surprise ay bigla na lamang siyang umalis at iniwan ako doon.
Wow. Pagkatapos niya akong agawan ng halik, tapos first kiss ko pa, bigla na lamang niya akong iiwanan dito na mag-isa? So ano iyon? Wala lang sa kanya na halikan ako? Trip lang niya ganon? Hindi ba niya alam na ang laki ng impact ng ginawa niyang ito? Dahil dito muli na naman akong aasa na baka isang araw magagawa niya din akong mahalin.
Bumalik muli ako sa party at naupo sa dati kong pwesto. Hinahanap ng mga mata ko si Dice pero hindi ko ito makita.
Nalaman na namin ang gender ng mga anak ni Gab. Both boy sila. Okay na din iyon dahil babae naman ang panganay nila.
"Ninang ka sa mga anak namin, ah? " Sabi sa akin ni Gab.
"Of course. Kinagagalak kong maging ninang ang mga anak mo. Excited na ako makita sila."
"Kami din syempre. Pero nasaan ka kanina? Hinahanap kita, hindi kita makita."
Halos pagpawisan ako sa tanong sa akin ni Gab. Ayoko malaman nila na kasama ko kanina si Dice, mas lalong ayokong malaman nila na hinalikan niya ako.
"Ah pumunta lang ako sa comfort room."
"Ganun ba? Ang akala ko umuwi ka na e. Ang akala ko hinatid ka ni kuya Dice. Umalis na daw siya at may nakakita na magkasama kayo." may halong pang-aasar na sabi ni Gab.
"Mali iyang iniisip mo."
"O bakit defensive ka? Wala pa naman akong sinasabing iba e "
"May pinag-usapan lang kami Gab. Pero wala lang iyon."
"Talaga?" Parang hindi ito kumbinsido.
"Oo nga. May iba pa ba?"
"Sabi mo e. Tara na kain na tayo."
Nakaramdam ako ng lungkot nang mga sandaling iyon dahil wala na si Dice. Umalis na ito at hindi man lang sinabi kung saan siya pumunta. Pero sa kabilang banda ay okay ba din siguro iyon para naman ako mailang sa kanya dahil naaalala ko pa rin ang ginawa niyang panghahalik sa akin.
Samantala, nasa office ako at tinatapos ang design ng wedding gown ko. Ewan ko ba bakot bigla akong naging excited na tapusin na ito. Hello? Kakasal ka na ba girl? Hinalikan ka palang niya. Hindi ka pa niya nililigawan. Halos matawa kong sabi sa sarili ko.
"Ang saya naman ng babaeng ito." Hindi ko napansin na nasa loob na pala si Bryan.
"Ikaw pala. Hindi kita napansin." tugon ko sa kanya.
"Talagang hindi mo ako mapapansin dahil kanina kapa wala sa sarili tapos ngiti ngiti kapang mag-isa dyan. Hindi mo nanaman siguro ininom yung gamot mo kaya nababaliw ka na."
"Hindi kaya no. Lagi po akong umiinom. Never ko iyon makakalimutan kasi mamamatay ako." birong sagoy ko sa kanya. Pero totoo naman iyon. After ng operasyon ay may iniinom na akong gamot na take ko na for life. Gamot ko iyon para manatiling tanggapin ng katawan ko ang bago kong puso.
"Aba, dati ay hindi ka takot mamamatay, tapos ngayon takot ka ng mamatay? Anong madamng hangin ang nalanghap mo?" tanong nito sa akin at napadako ang tingin sa tinatapos kong wedding gown."Ayun mukhang alam ko na. Ok na kayo ni Dice? I mean, nagtapat na din ba siya sa iyo na mahal ka din niya?"
Halos mamula pa ako sa sinabi nya.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi kaya." ilag kong sabi sa kanya.
"E bakit ka namumula?"
"Wala. Bakit ka ba kasi nandito?" pag-iiba ko ng tanong.
"Eh hindi ka na nagpaparamdam e. Mukhang busy ka sa mga Alcantara. Lagi ka nandoon e."
"Sorry. Bawi ako. Tara lunch tayo." yaya ko sa kanya.
"Iyan ang gusto ko. Tara libri ko."
Pumunta kami ni Bryan sa isang resto. Papasok pa lamang kami sa loob ay laking gulat ko dahil siya namang labas ni Dice at may kasama itong magandang babae. Halos magulat nga ito ng makita din ako at kasama si Bryan.
"Dice?" si Bryan ang nagsalita.
"I'm Bryan. Kilala mo pa ba ako? Its nice to see you again."
"Hindi ko alam na hanggang ngayon ay magkasama pala kayo ni Hannah. Enjoy. Let's go, Ash."
Tinalikuran na nila kami at lumabas ng tuluyan sa resto. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil nakita o siyang may kasamang ibang babae. Muli ay parang pinanghinaan na naman ako ng loob at pag-asa.
Naupo na kami at nagsimulang mag-order.
"Are you okay, Hannah?" Di maiwasang tanong ni Bryan.
Tumango lamang ako sa kanya.
"Dahil nanaman ba iyan sa nakita natin kanina? Mas maganda ka kaya don sa kasama niya, kaya wag mo siyang isipin."
"Ikaw talaga puro biro."
Sobrang pasalamat ko talaga kay Bryan. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko. Sana lang ay lagi siyang nandiyan at wag magsawa na pasayahin ako.
"Thank you, Bry." tanging nasabi ko.
Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko naman mapigilang hindi isipin si Dice pati na ang babaeng kasama niya. Bakit kay dali sa kanya na magustuhan ang isang babae. Samantalang sa akin ay ilag na ilag siya. Hindi ba ako ganoon kaganda para magustuhan niya din? Ano kaya ang dapat kong gawin para ako naman ang mapansin niya? Baka ganoon talaga kapag hindi ka mahal. Baka nga kahit ako na lamang mag matirang babae sa mundo ay hindi niya ako magugustuhan dahil ayaw niya talaga sa akin.
Ano ng gagawin ko ngayon? Dapat na ba talaga akong sumuko sa kanya? Ang akala ko ay nagkaroon na ako ng kahit konting pag-asa man lang dahil hinalikan niya ako. Pero nagkamali ako. Assuming lang talaga akong tao. Kasalanan ko. Ako lang naman iyong umaasa na may kahulugan iyon, pero ang totoo ay trip niya lang akong halikan. Malamang ay madami na itong nahalikan na babae kaya balewala lang sa kanya ang ginawa niyang iyon.
Tama na Hannah. Sumuko ka na. Hindi ka talaga gusto ni Dice.
The number of chances you give someone doesn't tell the world how loving you are without telling them how desperate you are to believe they care as much as you. True love resides in the first chance, stupidity in the second, opportunists in the third and scoundrels in the fourth.