Episode 24

1112 Words
Ilang buwan din ang lumipas at dumistansya muna ako sa kanya at sa pamilya niya. Kahit madalas akong iniimbitahan nina Gab ay tumatanggi ako. Nagdadahilan na lamang ako na busy ako dahil may bago akong kliyente.  Nasa office ako. Tinitingnan ko ang sketch ng ginawa kong dream wedding gown. Natapos ko na din ito sa wakas. Ang hihintayin ko na lamang ay ang may magpropose sa akin at alokin ako ng kasal ng sa ganon ay maumpisahan ko na itong gawin. Halos maluha pa ako sa pag-iisip na baka never ko namang maisusuot ang gown na ito dahil bigo naman ako sa pag-ibig. Isinulat ko ko doon ang salitang "My dream wedding gown" Halos tulala lang ako ng mga oras na iyo. habang hawak hawak ang sketch kong iyon. Ang layo na nga yata ng narating ng isip ko e. Hanggang sa narinig ko na lamang na may kumatok. Inisip ko na baka si Bryan iyon.  "Bry, look natapos ko n--" halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalaking pumasok. Hindi si Bryan iyin kundi si Dice. Nagtataka ako kung bakit narito siya. Nakaramdam pa ako ng hiya dahil tinawag ko siya g Bryan tapos itinutok ko pa sa kanya ang sketch ko.  "Sorry to diaappoint you, pero hindi ako ang taong inaasahan mo." Seryosong tugon nito. Itinago ko na sa drawer nag sketch ko at hinarapan ko siya.  "Bakit ka nandito? Don't tell me magpapagawa ka ng wedding suit?" sagot sa kanya. "Maybe. Malapit na. Make my future wife the most beautiful gown."  Halos hindi ako makasagot sa sinabi niya. Para kasing dinudurog ang puso ko.  "Fine. I will do it." matapang na sagot ko sa kanya.  "Pero hindi iyon ang pinunta ko. Xander and Gab ask to pick you up. Mukhang hindi ka din naman busy." "Bakit daw?" kuryosidad kong tanong.  "Malalaman mo din. Pero ang tanong ko ay kung sasama ka ba." Ewan ko ba bakit parang namagnet ang katawan ko at parang bigla bigla ay gusto kong sumama sa kanya. "Okay. Hindi din naman ako busy." "Good. But before tayo pumunta ng bahay ay umuwi ka muna at magdala ng mga damit good more a week." "Why?" tanong ko sa kanya  "Hindi ito sumagot bagkus ay tahimik lang ito habang nagdidrive. Alam na niya ang bahay ko dahil minsan na niya akong hinatid kaya hindi na ako nagsalita pa matapos kaming nakasakay na sa sasakyan.  Naisip ko na balak nila ako isama sa bakasyon nila. Nabanggit na din kasi minsan sa akin ni Gab na may balak silang magbakasyon sa private resort nila bago siya manganak. Mas mainam daw kasi na makalanghap siya ng sariwang hangin.  Gaya ng sabi ni Dice. Nag-impake ako ng damit na sapat sa isang linggo. Sakto din wala sina mama at papa. Nasa Amerika sila at next week din ang balik nila.  Tinulungan akong magbuhat ni Dice ng mga gamit at papunta na kami ngayon sa kanila. Tahimik pa din ito hanggang ngayon.  "Nagpaalam ka na ba sa boyfriend mo? Baka hindi ka payagan." bigla niyang sabi na hindi man lang humaharap sa akin.  "Boyfriend?"  "Si Bryan." tugon nito.  "Hindi ko siya boyfriend. Magkaibigan lang kami."  "Hindi ka niya nililigawan?" "Niligawan. Pero---" "Bakit? Di ba dati gustong-gusto mo siya? How come hindi mo sinagot?" "Bakit mo ba itinatanong? Kung anong meron sa amin, wala ka na doon." Hindi na siya muling nagtanong pa. Baka nainis na din siya sa sinabi ko. Chaka bakit ba siya nagtatanong ng ganoon? Tapos binaggit niya pa ang tungkol sa nakaraan. Ang akala ko ba ay kinalimutan na niya ang lahat ng nangyari noon, e bakit niya pinapaalala ngayon? Minsan talaga any hindi ko siya maintindihan.  Nakarating kami sa kanila ng tahimik. Pagkababa ko sa sasakyan ay sinalubong ako ni Gab at ng anak niyang si Alexa. Ang laki na ng tiyan niya. Ang alam ko ay nasa ikapitong buwan na ito ng pagbubuntis.  "Hello, Hannah. Mabuti na lamang at sumama ka. Sabi ko sa asawa ko hindi ako aalis dito hangga't wala ka. E malulungkot lang ako doon e, kasi wala akong kakwentuhan. Alam mo namang mas nagkakaintindihan tayo." "Naku ah. Baka ako pinaglihian mo dyan sa kambal ah. Pero hindi na masama. Cute iyan katulad ko." bito kong tugon sa kanya. "Hello po, tita Hannah." bati sa akin ni Alexa.  Niyakap ko naman ang bata. Ang cute niya kasi. Kung naging lalaki ito, para siyang si Xander. "Hello tita ganda, tita Hannah." Si Sab iyon. Malambing din itong batang ito. Malayong-malayo sa kanyang ama. Buti na lamang hindi sa kanya nagmana.  "Hi Sab. How are you?" "Okay lang po ako. Pero si daddy po laging malungkot."  Ewan ko ba bakit bigla niyang nasabi ang tungkol sa daddy niyang si Dice. E bakit malungkot? At ano namang kinalukungkot niya, aber? "Bakit naman?"  "Namimiss niya po kasi k---" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang tinawag ni Dice.  "Sabrina. Kanina pa kita hinahanap, tara na magbihis ka na dahil aalis na tayo niyan." "Daddy, kanina pa po ako nakabihis."  Halos matawa ako sa sinabi ni Sab.  "Ay basta halika, may sasabihin ako."  Kaagad namang tumalima ang anak niya sa kanya.  "Hannah, tara kain muna tayo ng breakfast bago tayo umalis." yaya sa akin si Gab at punasok na sa loob.  "Gagamitin natin yung Van at yung kotse ni Dice. hindi kasi tayo kasya sa iisang van lang." sabi ni Xander. "Ako ang magdidrive sa van. Kasama ko sina Gab, Alexa, mom, dad at si mama Gina. Pati mga gamit sa amin na isasakay. Ikaw naman kuya, saiyo sasakay si Hannah at ai Sab. Okay lang ba iyon?" Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Xander. Ano daw? Sasabay ako sa masungit na lalaking ito? Parang hindi ko iyon matatagalan.  "Okay." tugon ni Dice.  Gusto kong tumutok pero wala na akong nagawa pa. Chaka sabit lang naman ako sa pamilya nila kaya bakit pa ako magrereklamo. Atleast kasama namin si Sab. Ayos na iyon. Siya nalang kakausapin ko kesa sa kanya.  Paalis na kami. Pumasok na si Dice sa sasakyan niya. Tapos si Sab naman ay sa back seat pumasok. Ako naman ay hindi alam kung sa tatabi ba ako kay Dice sa harap o magbaback seat din ako.  Binuksan ni Divce ang bintana ng sasakyan.  "Hindi ka pa ba sasakay?" inis na sabi nito  Simula ng muli kaming magkita ay never ko pa siyang nakita na kinausap ako ng nakangiti. Lagi na lamang niya akong kinakausap ng naiinis o kaya naman ay seryoso o walabg emosyon. Anong kasalanan ko sa iyo? Bakit ka ganyan? Sa inis ko. Sa backseat din ang sakay ko. Bahala ka diyan. "Driver ba ako dito? Bat diyan ka sumakay?" lalong inis nitong tanong. "Hindi ba? E ikaw yung nagdidrive di ba?" sarkastiko kong sagot. "Nag-aaway po ba kayo?" biglang tanong ni Sab.  "Naku hindi, Sab. Nag-uusap lang kami ng daddy mo." Hindi na muli pang nagsalita si Dice. Ako naman ay si Sab ang kinakausap ko. Mas maigi pang kausapin ko ang bata kaysa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD