Nasa batangas kami ngayon. Private resort ito ng pamilya Alcantara. Nakakarelax nga ang view dito dahil napakaraming mga puno at ang ganda din ng beach. Napakasariwa ng hangin at ang presko pa. Sinalubong kami ng dalawang mag-asawa na may katandaan na. Marahil ay sila ang nagbabantay sa resort. Pumasok kami sa loob ng rest house. "Magandang tanghali po, mga ma'am at sir. Kinagagalak po namin kayong makita ulit. Ang tagal na po simula ng huli kayong pumunta dito, mga bata pa nun sina sir Alejandro at Alexander, ngayon po ay may kanya-kanya ng pamilya." "Oo ng Saling. Marahil malaki na din ang anak mong si tantan." "Ay opo Madam lona. Kasing tanda lang po siya ni sir Alexander." Magpahinga na po muna kayo, malamang ay napagod po kayo sa byahe." Tama ka dyan Saling, sumasakit na ang li

