Tatlong araw na kami nasa resort. Sina tita Alona, tito Dan at tita Gina ay napagdesisyunan ng bumalik sa Manila. Nagpasundo nalang sila sa driver nila. Sa tatlong araw na nilagi namin dito sa resort ay hindi pa din ako pinapansin ni Dice. Oh kung kausapin niya man ako ay puru pagsusungit lang ang sinasabi niya. Mabuti pa itong si Tantan ay napakabait sa akin. Di na ako gaanong naiinip dahil madalas ko siyang nakakausap. Kahapon ay naikwento na niya sa akin ang lahat. Halos hindi nga ako makapaniwala sa nalaman ko. Flashback... "Alam mo ba na kapag may pumasok sa kwarto niya sa second floor ay nagagalit siya. Kahit si Alexander ay hindi nagagawi doon. Naalala ko nung bago akong dating dito, hindi ko sinasadya na pumasok ako sa kwarto niya. Sobrang galit siya sa akin. Halos suntukin

