“ARE YOU OKAY WIFE?” Biglang napalingon si Hada sa kaniyang asawa nang bumukas ang pinto ng kanilang silid at pumasok ito. Kaagad na sumilay ang matamis at malapad niyang ngiti. Mula sa gilid ng sliding door ng terrace nila kung saan siya nakatayo at nakatanaw sa maliwanag na paligid ng mansion, naglakad siya palapit sa kaniyang asawa. Kaagad namang pumulupot sa baywang niya ang mga braso ni Cohen at ginawaran ng halik ang kaniyang pisngi at noo. “Okay lang ako mahal ko!” aniya at ipinilig sa dibdib ni Cohen ang kaniyang ulo. “Are you not tired?” “Pagod na. Pero... hinihintay kita na umakyat dito para sabay na tayong matulog.” Sagot niya. “Then come on, humiga na tayo para makapagpahinga ka na.” Kaagad na kumilos si Cohen upang saglit na ilayo ang asawa mula sa dibdib nito. Walan

