“NASAAN na ba sila?” hindi mapakaling tanong ni Señora Clara sa mag-asawang Ximena at Simon habang nasa labas na ang mga ito ng Simbahan at may isa’t kalahating oras na ang paghihintay kay Hada at Cohen. Dapat saktong alas dyes ng umaga ay magsisimula na ang seremonya ng Pari pero mag-aalas dose na ng tanghali ay wala pa rin ang dalawa. Kagaya sa mga magulang ni Hada, naiinip na rin ang mga bisita na naroon sa loob ng Simbahan. Ang iba ay nasa labas na rin at nagpapahangin dahil sa tindi ng init sa loob ng Simabahang iyon. “Mama relax! Pupunta rin ang mga ’yon.” Anang sSeñora Ximena. “Paano naman ako makakapag-relax nito Ximena gayo’ng kanina pa wala rito ang mga apo ko. Nag-aalala lang ako kung baka napapaano na ang mga iyon.” Halata nga sa hitsura at boses nito ang labis na pag-aalala

