KANINA PA TAHIMIK si Hada at medyo kinakabahan pa rin siya habang binabaybay nila ang kahabaan ng highway papunta sa condo unit ng kaniyang nobyo. Pumayag naman siya kay Cohen kanina sa naging desisyon nito. Habang hindi pa nahuhuli ang mga lalaking nanloob sa bahay nila ay doon na muna siya tutuloy pansamantala sa condo ng binata. Halo-halo ang nararamdaman niya sa totoo lang. Kinakabahan na parang exciting na parang ewan. Na i-excite siya kasi sa wakas ay natupad na naman ang isa sa mga pangarap niya noon pa man; ang makasama sa iisang bahay si Cohen. Lahat ng oras at pagkakataon ay panigurado si Hada na makikita at makakasama niya na ito. Ngunit kaakibat naman niyon ang kaba. Kinakabahan siya sa mga maaaring mangyari kapag naroon na siya sa lugar nito. Ngayon pa lamang ay kung anu-ano n

