NAGLALAKAD sa mahabang pasilyo ng Condominium si Enara nang matanaw niya si Hugo na papunta sa direksyon nito. Kaagad na napaatras ang dalaga at nagmamadali itong lumayo. “Enara wait!” mabilis na napatakbo si Hugo at kaagad na pinigilan sa braso ang dalaga nang maabutan nito ito. “Can we talk?” tanong nito nang pihitin paharap ang dalaga. Masama at matalim ang titig na ipinukol ng dalaga sa lalaki pagkuwa’y lumipad ang isang kilay nito sa ere. “Talk.” Masungit na saad nito. “I mean, not here.” “I mean, talk right now or I will leave?” sa halip ay balik na turan nito sa binata at ipinag-ikes pa sa tapat ng dibdib nito ang mga braso. Napapabuntong-hininga na lamang si Hugo bago malamlam ang mga matang pinakatitigan ang dalaga. Si Enara naman na seryoso ang titig sa binata ay hindi na

