TAHIMIK lamang na nakatayo si Señora Ximena sa gilid ng hospital bed ni Minandro. Ilang minuto na nitong pinapakatitigan ang matanda, pero hindi nito maalala kung nakita na ba nito noon si Minandro. Kung ito ba ang lalaking pumasok noon sa silid nila at kumuha sa anak nilang mag-asawa. Bukod kasi sa nakatakip ang mukha ng lalaking dumukot kay Clara, matagal na rin ang dalawampo’t apat na taon para makilala pa nito ang features ng lalaking iyon. Siguro nga ang DNA test nalang ang pag-asa nila upang mapatunayan na si Hada nga ang nawawala nilang anak. May kutob si Ximena. Malakas ang pakiramdam nito na maaari ngang maging positibo ang resulta ng test nilang dalawa. “A, ma’am.” Untag ni Hada sa señora habang nakaupo siya sa sofa at mataman ding nakatingin sa ginang. “I’m sorry hija! M-medyo

