“MY GOD HADA, bilib na talaga ako sa parents mo. Akalain mo, dalawang linggo lang ang inabot ng preparation sa kasal ninyo ni sir Cohen. Iba talaga kapag may pera at connection e! Lahat nagagawa ng mabilisan.” Anang Adrian habang nakahilata ito sa ibabaw ng kama ni Hada. Napangiti naman ang dalaga sa tinuran nito. “Ilang beses mo na bang nasasabi ’yan mag mula pa kanina Adrian?” “Hindi lang talaga ako maka-get over. ’Tsaka, ikakasal ka na bukas. Natutuwa lang ako para sa inyo ni sir Cohen. Sa wakas ay may Happy Ending na rin ang love story ninyo—” “Correction bakla,” anang Rowena nang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa ito roon kasama si Eliza. “It’s just a beginning. Magsisimula palang ang love story nila ni sir Cohen.” “It’s either magsisimula palang or what... ang mahalaga ay m

