“MASAYA ako para sa ’yo Hada.” Nakangiting saad ni Rowena sa kaniya habang magkaagapay silang naglalakad sa pasilyo ng Mueble Empresa. Nakayakap sa braso niya ang kaibigan habang hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi dahil sa naging balita niya rito tungkol sa kanila ni Cohen. “Diyos ko! Parang ako pa ata ang excited na maikasal kayo ni sir Cohen. Isipin mo, pagkatapos ng matagal na pagpapantasya mo sa kaniya, sa simbahan din pala ang bagsak ninyo. Naniniwala na talaga ako sa forever. Kung dati kasama mo lang ako na sumilip kay sir Cohen sa opisina niya. Pinag-uusapan lang natin siya everyday, kung paano siya maging boyfriend kung sakali... and look at you now. You two are already engaged. Naiiyak talaga ako sa tuwa.” Saad pa nito. “Salamat Wena!” aniya pagkuwa’y nagpakawala n

