DAHAN-DAHAN na iminulat ni Hada ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang parang may kamay na masuyong humahaplos sa mukha at noo niya. Inaantok man at parang bigat na bigat ang talukap ng kaniyang mga mata ay pinilit pa rin niyang gumising para tingnan kung sino ang nang iisturbo sa masarap niyang tulog. “Morning,” ang sexy at masuyong boses ng isang lalake ang biglang sumalubong sa kaniya nang tuluyan na niyang maimulat ang kaniyang mga mata. Nakangiti ito nang malapad habang nakatagilid paharap sa kaniya. Nakatuon ang isang palad sa ulo nito. “Morning sweetheart. How was your sleep?” tanong pa nito. “Morning... inaantok pa ako! Ang sakit ng ulo ko.” Aniya na parang batang nagsusumbong sa dito. Lumabi pa siya pagkuwa’y kumilos palapit kay Cohen at ipinulupot ang mga braso sa leeg ni

