“TITA, WHERE IS HADA?” bungad na tanong ni Cohen sa Señora Ximena nang makababa siya sa mamahaling sasakyan na kakaparada pa lamang sa tapat ng mansion. Kaagad na tinaggal niya ang suot na Ray-ban. Halatang nagmamadali nga siyang umuwi sa Pilipinas para sa dalaga... look at him, gulo-gulo ang buhok niya na medyo tumubo na. Ang balbas sa mukha niya na halatang ilang linggo ng hindi pa naaahit dahil sa pagiging busy niya sa kaniyang ama. He looks haggard and stressed. Isama pa ang pakikipag-break daw kuno ni Hada sa kaniya na halos mag teleport na nga siya galing Amerika pauwi ng Pilipinas makausap lamang kaagad ang nobya. Pero hindi naman iyon naging dahilan upang mabawasan ang pagiging guwapo at matikas ng pangangatawan niya. “Nasa silid niya hijo! Go, kausapin mo na ’yon kung anuman ang

