“COHEN ANAK.” Anang Fabian nang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon ang binata. May bitbit pa itong paper bag na naglalaman ng pagkain. “Saan ka galing?” “Sorry pa... lumabas lang ako para bumili ng pagkain mo.” Aniya. “Kakain ka na po ba?” dagdag na tanong niya nang mailapag ang pagkain sa lamesang nasa gilid ng ospital bed nito. “Mamaya nalang sa hotel.” Anang Fabian habang hindi magawang iiwas ang paningin sa seryosong mukha ng anak. “Are you okay?” mayamaya ay tanong nito. “Yeah!” “Kilala kita Cohen. Ano ba ang iniisip mo?” Mabilis na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa’y umupo siya sa sofa. Tinitigan saglit ang ama bago siya nagsalita. “I saw Vicky earlier. Nandito rin siya sa ospital kanina.” Aniya sa ama. Kaagad na nangunot ang noo ng matanda.

