“SALAMAT ulit sa pagdalaw ninyo rito sa anak ko Adrian, Rowena.” Nakangiting saad ng Señora Ximena habang kausap nito ang dalawang kaibigan ng anak. “Wala po ’yon ma’am Ximena. Masiyado lang din po kaming nag-alala para kay Hada. Ngayon lang din po kami nakapunta kasi wala naman po kaming alam sa mga nangyari. Kung hindi pa po nakita ni Rowena ang balita sa cellphone niya kanina hindi po namin malalaman na ganito na pala ang nangyari sa kaibigan namin.” Sagot ni Adriana pagkuwa’y muling binalingan ng tingin si Hada na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa hospital bed at walang malay. “Hindi rin po kasi namin makontak si Hada kaya medyo nakaramdam na rin po kami ng kakaibang kaba. Wala po kaming kaalam-alam na ganito na po pala ang nangyari sa kaniya.” Dagdag pang saad ni Rowena. Nagpak

