PAGKATAPOS na makapagpaalam ni Hada sa kaniyang mama at lola ay kaagad siyang pumanhik sa ikalawang palapag ng mansion. Tinungo niya ang silid ni Cohen na naging silid na rin niya simula nang maikasal silang dalawa. Ayaw niya sanang doon matulog, kaso baka magtaka naman ang kaniyang mga magulang pati na rin ang kaniyang abuela kung bakit sa ibang kuwarto siya natulog. Pagkapasok niya sa silid ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Nasa isipan niya pa rin ang text messages na nabasa niya kanina sa cellphone ng kaniyang asawa. She was still thinking kung kanino iyon galing. Baka naman galing iyon sa ex-girlfriend ng asawa mo Hada? Anang kaniyang konsensya habang nakaupo siya sa loob ng bathtub. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa ideyang

