“COHEN!” Pagkalabas pa lamang ni Cohen sa isang flower shop, kaagad siyang natigilan nang makita niya si Vicky na papalapit sa kaniya. “Vicky?” aniya sa dalaga. “C-can we talk?” malungkot pa ang mukha nito habang nakatitig sa lalaki. “I just want to—” “We don’t have to talk, Vicky.” Aniya at naglakad siyang muli upang tunguhin ang kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot ng flower shop. Nagmamadali namang sumunod si Vicky kay Cohen. “But Cohen. You’re ignoring my texts and phone calls. I just wanted to talk to you.” Pinigilan pa nito sa braso ang lalaki. “Vicky, ano ba talaga ang gusto mo sa ’kin? I already told you na wala tayong dapat na pag-usapan pa.” Seryoso at mariing saad ni Cohen sa dalaga nang balingan niya ito ng tingin. “I’m already married, Vicky okay? You misund

