CHAPTER 40

3118 Words

“MGA BOBO!” sigaw ni Señora Adriana kasabay nang sunod-sunod na pagbato nito ng mga gamit sa loob ng opisina nito sa Casa de Paraiso. Kakatanggap lamang nito ng tawag mula sa mga tauhan nito na hindi nagawa ng mga ito ang ipinag-uutos ng señora na tapusin si Minandro. Nahuli rin ng mga pulis ang dalawa nitong tauhan. Ang ikinakabahala ni Adriana ngayon ay kung sabihin sa pulis ng dalawang tauhan nito na ito nga ang nasa likod ng lahat ng iyon, mula sa pagtangka sa buhay ni Hada maging ang panloloob sa bahay ng mga Agustin. Kung bakit namatay ang matandang Felipa at kung bakit na ospital ang Minandro. Kahit kailan talaga ay puro walang kuwenta ang mga taong inuutusan nito. Lahat palpak. “Mga walang silbi!” muling sigaw nito at ibinato naman ang bote ng Alfonso na may kalahati pa ang laman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD