Chapter 8

2531 Words
The past few weeks had been so hectic for me. Finally, I was able to go to school now, after weeks of being absent. The campus didn't change, ako lang itong nanibago. Parang hindi na ako sanay sa mga tao. Parang hindi na ako sanay sa paligid. Para bang lahat ng nakikita ko o naririnig ay bago sa akin. Hindi na ako gaanong komportable. I was at the back seat because I was too shy to sit beside Psalm at the front. We were not fine yet since we still didn't talk. I could not make the first move. Pagkatapos ba naman ng mga sinabi ko sa kaniya, hindi ko alam kung mayroon pa akong mukha. While the professor was discussing, my classmates couldn't take away their eyes off me. Sa bawat segundo na lamang ay may tumitingin sa akin, so I was bowing down my head because I didn't feel comfortable with their stares. Sinubukan ko ring takpan ang mga tainga para hindi marinig ang mga boses nila, but still, I could overhear their murmurs. They were obviously talking about me because I could hear my name. After the discussion, and when the professor had left already, my other classmates walked towards me and asked me if I was alright; I just nodded. They kept on talking to me, but their words weren't registering in my mind because I was looking at Psalm who was still sitting in front. It seemed like he had no plans to talk to me. Mayamaya'y may pumasok na ring professor kaya nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Before the instructor started teaching, Psalm barely looked at me. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang tumingin din pabalik sa kaniya. "Margot, makinig ka na," my seatmate whispered to me. I nodded and turn my gaze back at the instructor. However, even though I tried my best to focus on the discussion, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kay Psalm. Was he still mad at me? Was he still disappointed with how I acted on him the last day? Pagkatapos ng lahat ng discussion, nagsilapitan ang mga kaklase ko sa akin. Halos may maipit at masaktan na sa mga ito dahil sa pag-uunahan na mag-abot ng notebooks sa akin. "Margot, take mine," one of them said. "Kunin mo rin 'tong akin, Margot. Maganda sulat ko, makakatulong 'yan sa'yo," sabi pa ng isa. Dahil sa rami nilang nag-offer ay hindi ko na alam kung anong una kong kukunin, but I took them all at last. After gathering their notes, umalis na rin sila isa-isa dahil lunch time na, hanggang sa ako na lamang ang maiwan sa loob. I appreciated them for caring about me. Parang nanumbalik tuloy ang lakass ko sa loob ng silid-aralan maisip lamang na may mga katulong pa rin ako upang makahabol sa mga kaklase. I knew it wasn't that easy to catch up on all the lessons I had missed, but with their help, I believed I could do it. As I was placing the notebooks inside my bag, I couldn't help but be disappointed; Psalm didn't even wait for me. Finally, I was sure that he was still mad at me. If he was fine with me, he should have waited for me, or sana kinausap niya man lang ako saglit. But, he didn't do any of them. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi kung talagang sumama ang loob niy sa akin dahil kasalanan ko rin naman ang lahat. Hindi ako nagging maingat sa pagbato ng mga salita sa kaniya. Hindi ako naging maalam sa pagkontrol ng emosyon ko. Palabas na sana ako ng kuwarto, pero saktong papasok si Mrs. Yllon Perencita, ang advisory teacher ko. "Margot," she called out my name as she stopped at the doorway. "Kakain ka na ba?" "B-bakit po, Mrs. Yllon?" "Ah, gano'n ba? Iimbitahan sana kitang makisalo sa'kin, kung gusto mo." "Sure po," I answered, but deep inside I was kinda shy. "Bibili lang po ako saglit ng pagkain sa cafeteria, then balik po ako dito." "No need," sambit nito, "ipinagluto na kita kanina, since I knew na papasok ka na ngayon." I was overwhelmed with what she had said. Nag-umapaw sa puso ko ang tuwa, kaya sandali rin akong napatigil. "I'm speechless, Mrs." Nagkunot-noo ito. "Huh?" "That's too sweet of you po kasi, Mrs. Yllon," I smiled. "P-pero, hindi po ba nakakahiya?" She chuckled. "Bakit ka naman mahihiya? Ako lang 'to. Saka lagi mong tatandaan na pangalawang magulang mo na rin ako. So, there's no reason to be shy. Well anyway, should I come in now?" "Ah, yes po." I went to her and helped her with her bags. "Where should I put these, Mrs. Yllon?" "Dito na lang sa gilid," turo nito sa bandang gilid ng mesa, saka ako pinasalamatan. "By the way, I cooked adobo," she said, as he brought out her lunch box and placed it on top of the desk. "Simula pagkabata, ito talaga ang paborito kong ulam, lalo na kapag luto ni Mama." Tulad ko, ulila na rin si Mrs. Yllon sa kaniyang ina. She told us about it one time in class. According to her, her mom died due to a heart attack, and that was almost a decade ago. Now that she was forty-two already, she still couldn't get over it. Hindi na rin ako magugulat kung hanggang sa pagtanda nito ay hindi ito makakalimot. Sino ba naman ang kakayaning mawalay sa kaniyang ina? "Taste them," she said as she offered me the adobo. And so, I grabbed the food and tasted it. "Wow, this is so good, Mrs." "Well, I got the technique from Mama. Noong dalaga kasi ako, tinuruan na niya ako kung paano magluto, kaya pati mga cooking techniques niya ay na-adopt ko na rin." "Cute," I smiled. She thanked me. "Kain ka lang, ha? Huwag kang mahiya, Anak. Niluto ko talaga 'yan para sa'yo, kaya magpakabusog ka. I'll be glad if you do." "Yes, Mrs. I'm sure mabubusog po ako dito, sa sarap ba naman ng luto n'yo!" "Naku, nambola pa," she laughed. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Sa katunayan, hindi na ako makapagsalita dahil sa napakalasang luto ni Mrs. Yllon. I was too busy eating because I was enjoying the food. Kailan na rin simula noong huli akong nakatikim ng masarap na ulam. Hindi pa kasi ako gaanoon kagaling magluto. Isa pa, nagsawa na rin ako sa paulit-ulit na benta nila sa canteen na mga ulam na walang sabaw at sobrang yaman sa mantika. "So, how are you?" Natigilan ako sa tanong ni Mrs. Yllon. Tumango ako sa kaniya at nagpilit ng ngiti. "I'm... I'm doin' good, Mrs. Yllon. I appreciate you asking me that." She held my hands. "C'mon, Margot, tayong dalawa lang ang nandito sa loob, hindi mo kailangang magtago. Kumusta ka ba talaga?" "O-okay lang po," sagot ko. "I'm trying to be okay po." "You're trying to be okay, so it means you're not okay yet. Things are still hurting you, aren't they?" she asked. "Anak, I want you to know that it's fine to cry and to be sad. Sa pag-iyak gagaan ang pakiramdam mo. Just please don't let yourself hide the pain. Don't keep everything to yourself. Minsan kailangan mo rin ng mapagsasabihan." I was trying to hold my tears because I didn't want Mrs. Yllon to see how weak I am. Pero dahil naipon na rin sa mga mata ko ang luha, tuluyan na nga itong tumulo. Kinapa-kapa ko ang aking bulsa't hinanap ang aking panyo. Unfortunately, I couldn't find any, I might have not taken one with me. "Here," Mrs. Yllon said, as she offered me a handkerchief. Mabilis kong tinanggap ang panyo saka nagpasalamat. "Sorry, Mrs.," iyak ko. "No, it's okay. Cry if you wanna cry. I'm just here." She hugged me. "Just please don't give up no matter how hard life is." I just cried and didn't say any word. Nang medyo mahimasmasan na ako ay hinarap kong muli si Mrs. Yllon. "How good you are, Mrs.," I smiled, but it didn't reach my eyes. "I promise not to give up." Pagdaka'y isa-isa nang nagsisipasukan ang mga kaklase ko, kaya pinunasan ko na rin ang mga luha ko at tumigil sa pag-iyak. I didn't want them also to see me cry. Nang dumarami na kami sa loob at tumunog na ang buzzer, nagpaalam na rin sa akin si Mrs. Yllon sa akin dahil may susunod pa raw itong klase. When the next professor had entered already, I fixed myself. Ngunit kahit anong ayos ko pa sa sarili ko ay hindi ko talaga magawang makapag-focus sa discussion. Sinubukan kong makinig nang maayos, pero walang pumapasok sa isip ko. Hanggang sa matapos ang klase sa buong araw ay wala akong natutunan. "Marami pa naman akong kailangang habulin, tapos wala pa akong natutunan kanina," I thought to myself, as I was walking in the hallway going through the parking area. Ilang beses kong sinapak ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko. Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil mahirap talagang mag-focus sa isang bagay kapag maraming gumugulo sa'yo. Mabuti na lamang talaga ay mababait ang mga kaklase ko. If not because of them, baka nganga na ako sa lahat. "Margot!" Natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ng isang napakapamilyar na boses. Nang lumingon ako ay nakita ko si Psalm. "Can we talk?" he asked. My brain stuttered for a moment. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, kung paano ako haharap sa kaniya at kung paano ako kikilos sa harapan niya. I couldn't believe he was making the first move again, kahit siya na itong nasaktan. "P-psalm," tawag ko sa pangalan niya. "I'm sorry." "Do you have your car with you?" I nodded. "Why?" "Good. Let's just talk at the coffee shop. I'll wait for you there," he said and left. I let him exited the building first before I followed. My heart was beating rapidly as I was walking through the parking area. Sa lahat ng hindi namin pagkakaintindihan ni Psalm, ito ang pinakanakakakaba. Nang magsimula na akong magmaneho ay inihanda ko na rin ang aking puso sa kung ano mang sasabihin niya. Kug sakaling hindi niya ako mapatawad, ayos lang, pero sana hindi niya kalimutan ang pinagsamahan naming. But, wait... why am I being so dramatic? Damn it, Margot, nag-o-overthing ka na naman. In less than twenty minutes, I had arrived at our favorite coffee shop. The traffic wasn't that heavy, kaya napabilis din ang pagdating ko roon. Papasok pa lamang ako sa loob ay natanaw ko na si Psalm na nakaupo sa bandang gilid. Nang makarating ako sa kaniya ay inalalayan niya ako sa pag-upo. I was moved because, despite the bad things I had done with him, he was still good to me. "Na-order-an na kita ng kape," sambit niya nang makaupo na kaming dalawa, "since I knew already your favorite." I thanked him. "By the way, kaya kita gustong makausap ay dahil... dahil gusto kong mag-sorry about what happened the last day." I was about to speak when our order finally came. "Here's your coffee, Ma'am and Sir. Enjoy!" the crew said before he left. Tumikim ako nang kaunti sa kape. "Hindi pa rin nagbabago ang kape nila dito, masarap pa rin," sambit ko. "True. When was the last time you went here?" "I can't remember." "Oh, well..." I looked at him as he sipped his coffee. "Psalm..." I said. Tumango siya sa akin. "You don't have to be sorry," I told him. "In fact, ako dapat itong humihingi ng pasensya sa'yo. You've been so so good to me, pero nagagawa pa rin kitang sungitan. Tapos ngayon, ikaw pa 'tong nag-first move na kausapin ako, na imbes ako sana ang magpakumbaba... ang maglakas-loob." "Look, Margot... wala ka ring kasalanan. If you acted like that, I understand. Mahirap ang pinagdadaanan mo kaya gano'n ka na lang kung umasta. Ako. Ako itong makulit. Ako 'tong-" "No," I cut him off. "Please, let me finish first." "Oh, sorry." "Ako nga 'tong makulit. Kahit na wala ka sa mood, nanggugulo pa rin ako. If we will look closely, ako talaga itong mali. So here I am, asking forgiveness. Sana mapatawad mo ako. I missed you so bad." I pouted. "I miss you too, BFF!" "Oh, teka... huwag kang iiyak dito," he chuckled. "Hindi ako iiyak!" hampas ko sa kaniya. "Masaya lang talaga ako ngayon. Grabe ka!" "Oh, ba't na naman ako?" "Nakakainis ka." He laughed. "Na naman?" "Pero, sorry. Huwag kang aangal, pero alam kong may pagkakamali rin ako. Kung tutuusin nga eh, ako talaga itong may mali sa lahat. Hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko kaya pati mga taong malalapit sa'kin ay nadadamay." "Kalimutan na lang natin 'yon," sambit niya. "Basta ang mahalaga, okay na tayo ngayon. I promise not to leave you again. Sasamahan kita sa lahat ng battles mo sa buhay." "Maraming salamat talaga, BFF, ha?" "No worries." Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ko lang dahil balik na kami ulit sa dati. Ang buong akala ko kasi ay hindi na niya ako mapapatawad dahil ilang beses ko na siyang sinungitan, ilang beses ko na siya na-disappoint. Sadyang napakabuting kaibigan niya lang sa akin. Kung hindi mahaba ang pasensya niya, hindi kami tatagal ng ilang taon bilang magkaibigan. Humigop ako ng kape saka muling nagsalita. "Anyways, pumunta ako kahapon sa kulungan. I came there to visit-- I forgot his name." "Anong nangyari?" "Actually, walang nangyari,"simangot ko. "Nagpunta ako doon para sana tanungin siya about sa pagpatay niya kay Mommy, pero wala siyang isinagot sa aking maayos." "What did he tell you?" "Wala, as in wala. Pero bago siya umalis, may sinabi siya sa'kin. Not an answer though." "Ano 'yon?" "Sabi niya, tingin-tingin din daw ako sa paligid at baka mahanap ko 'yong kasagutan sa mga tanong ko. I'm confused. Ni hindi ko man lang siya natanong about doon kasi umalis siya." "s**t," he whispered. "I want to visit him again-" I wasn't able to continue what I was saying when the murmurs inside the coffee shop became louder. I looked at the television I assumed to be the reason behind their gossiping. "What the f**k," I heard Psalm whispered as he listened to the news. I chose to focus on the news as well because it might be something interesting. Habang nakikinig sa balita ay hindi maiwasan ng mga balahibo ko ang magsitaasan. "Ayon sa suspek, hindi raw nito napigilan ang sarili sa pag-atake sa kaniyang mga kasamahan sa loob ng kulungan," pagpapahayag sa balita. "Dahil sa matinding gutom ay nagawa nitong paslangin at kainin ang mga ito." Halos masuka ako sa narinig. Ni hindi ko na rin magawang inumin pa ang kape kahit gaano ko pa kagusto ang kape. Some images of the victims were shown, but they were censored. Still, it was disgusting. "Ang suspek ay napag-alamang nagngangalang Marcus Darven. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng saykayatrista ang upang sumailalim sa pagsusuri."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD