MARCUS DRAVEN
Fuck this life.
Pagod na akong naghihintay ng makakain, ngunit wala sinuman ang nagtangkang magpadala. Anong magagawa ko? Eh 'di kainin ang mga kasamahan ko sa loob ng kulungan.
I'd been longing for flesh and blood since they sent me here. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Hindi ko kayang gutumin ang sarili ko. I loved myself and I wanted to satisfy all my cravings.
After the incident, they sent me to the hospital. Dito nila ako ipinasailalim sa ilang pagsusuri. They were thinking I was crazy, but they were the crazy ones. They didn't know what I was going through. They didn't know me. I just wanna f**k them all.
"The patient is doing good," I heard the psychiatrist said. He was talking with the police in the prison, I guessed. "But to retain the safety, he will stay here for some days. When he's totally fine, we'll make a final decision."
Halos gusto kong dukutin ang dila ng matandang saykayatrista, ngunit pilit kong pinipigilan ang sarili ko. He was giving false information. Obviously, I wasn't okay in the hospital. I wasn't really okay with the human world. I hate humans. What I only liked about them was their flesh.
Pagkatapos makipag-usap ng matanda, ibinaling nito ang tingin sa akin. Nginitian ako nito at tila ba sinusubukang paamuhin ako. Mayamaya'y inutusan nito ang kaniyang mga kasamahang nars na ipunta ako sa aking silid dahil kailangan ko na raw magpahinga.
When I finally arrived at the room with two men nurses, inalalayan nila ako sa paghiga. They were about to inject me with a sleeping pill, but I kicked them away from me. Sinubukan nilang lumapit muli sa akin, ngunit nagpumiglas ako. I grabbed the arm of one of them and turned it around. Nang umaray ito sa sakit ay mabilis na tumakbo papalayo ang isa.
Nang mapatumba ko naman ang isang nars, dali-dali akong nagtungo sa bintana. I gasped as I looked down. Mataas ang kinalalagyan ko at hindi biro ang tumalon. I wasn't spiderman. I looked sideways, hoping there was another way to escape. Unfortunately, I didn't have any choice but to jump-- ito lamang ang tanging paraan.
Bago pa tuluyang tumalon ay bahagya muna akong lumingon sa aking likuran. Nang makita ang ilang mga lalaking paparating para kunin ako, hindi na ako nag-alinlangan pang tumalon.
Sa pagbagsak ko'y dumilim ang paligid...
Ramdam ko ang pagsakit ng buong katawan ko habang unti-unting iminulat ang aking mga mata. Nang tuluyan na akong makadilat ay sandali kong tiningnan ang bawat parte ng katawan ko. Walang bakas ng dugo sa akin, ngunit nanghihina ako.
"Gising ka na pala."
Napabalikwas ako sa bangon nang makita kung sino ang nasa harapan ko. "M-master..."
Lumapit ito sa akin at bahagyang hinimas ang ibabang parte ng bibig ko. "Gutom na gutom?" sambit nito.
"A-ah..."
"Nabalitaan ko ang nangyari, Marcus. May balak ka talagang sumira sa pangako, ano?"
"N-no, i-it's not what you think-"
"Then, what?" singhal nito. "Kasi hindi mo lang talaga mapigilan ang sarili mo?" Lumayo ito nang bahagya sa akin at saka nagtungo sa mesa kung saan mayroong nakahaing inumin. "'Di ba ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang naninira ng pangako? Alam mo ba 'yang kapalpakang ginawa mo?"
"Pardon, master."
"And now you're asking for a pardon?" tawa nito. Pagdaka'y itinapon nito sa akin ang inumin. "'Di ba ang usapan natin, wala kang gagawing kahit ano sa loob ng kulungan? Masisira ako sa ginagawa mo."
"But they don't know you after all."
"I DON'T CARE!" she said, as she threw the glass in front of me. "Kapag paulit-ulit mong gagawin 'yan, paunti-unti rin akong mabubuking."
"What can I do now?"
"Anong gagawin mo? Eh 'di ang sumuko ulit. Alam mo bang pinaghahahanap ka na ngayon ng mga pulis? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo at nagawa mo pang tumalon sa building para lang makatakas ka? Akala mo ba'y matatakasan mo ako?"
"I'm not trying to escape."
"Eh, anong tawag mo do'n? Takbu-takbuhan, ang mahuli siya ang taya?"
"Babalik din dapat ako sa kulungan dahil naiirita ako sa ospital. I'm not trying to ruin the promise, master. Kailan pa ako sumuway sa inyo?"
"Tapos na ang usapan," sambit nito. "Sumuko ka na ulit nang hindi magkagulo. Kapag inulit mo pa 'to, hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka." Then, she left me alone in the room.
I let out a sigh, thinking how I would come back to the jail. Malamang sa malamang ay usapin na ako sa buong bansa. Lahat na yata ng news reporter ay hiningan ako ng permiso upang sagutin ang kanilang mga katanungan. They were thinking I was crazy, yet they were planning to talk to me and ask me questions? Mayroon bang isang baliw na kayang makipag-usap nang maayos? Humans were really dumb.
Sumilip ako sa maliit na bintana ng lumang kuwartong kinalalagyan ko. Medyo madilim na rin sa labas, ngunit marami pang mga sasakyan at mga taong naglalakad-lakad. I didn't have the plans to come back to jail yet, so I just laid down there.
Gising na gising ang mapupungay kong mga mata. I missed wandering around during night time, pero simula nang makulong ako, hindi ko na magawa ang mga bagay na dati kong ginagawa. Nagpalipas ako ng ilang oras sa kama nang walang ibang ginawa kung hindi ang isipin ang mga masasaya kong alala sa aking mundo. Pagkatapos ay lumabas na rin ako't nagsimula nang maglakad papunta sa kulungan.
"Ano hong kailangan n'yo?" the guard asked me when I finally arrived at the main gate of the prison.
"Ako si Marcus Draven," sagot ko. "Papasukin mo ako ngayon din kung ayaw mong kainin din kita nang buhay."
Nanginig ito sa takot kaya hindi na ako nito nagawang pagbuksan, bagkus ay bumagsak na lamang ito sa sahig at nawalan ng malay. Dahil wala nang magbubukas ng pinto para sa'kin, ako na mismo ang nagbukas nito.
Pagpasok ko sa loob ay pinalibutan agad ako ng mga pulis, simply because they recognized me that easily. Sa kakaibang puti na aking tinataglay, sa itim na buhok na hanggang balikat, at sa aking katangkaran, mapapansin talaga nila ako.
"HUWAG KANG KIKILOS NANG MASAMA, MARCUS DRAVEN!" sigaw ng isa sa kanila.
"C'MON, I'M SURRENDERING MYSELF AGAIN! WALA AKONG GAGAWING MASAMA, AT KAHIT IKULONG N'YO PA AKO SA KAHIT NA ANONG KLASENG KULUNGAN, WALA AKONG PAKIALAM!"
Ikinasa nila ang kanilang mga baril at mayamaya'y sabay-sabay silang lumapit sa akin at iginapos ang mga kamay ko. They were so aggressive because they thought I was going to fight back. Ngunit kahit isang kilos ay wala akong ginawa nang simulan na nila akong igapos pabalik sa loob ng kulungan.
Unlike before, I was now all alone by myself. Hindi na ako nagtaka dahil malamang ay takot na silang mangyari ulit ang nangyari; it was a good thing though. Ayoko talaga ng may kasamang tao sa loob ng isang silid.
Sa labas ay may mga ilang bantay. Malamang ay takot na rin ang mga itong makatakas akong muli.
I laid my back down as I thought of my parents. I missed them so bad and I wanted to hug them again. Ngunit ano nga bang magagawa ko? Isa lang naman akong alipin na sunud-sunuran sa mga nakatataas-- na kahit wala akong kasalanan ay pilit akong idinidiin.