ONLY YOU
ONLY YOU first chapter
Part 1 to 6
“Aron bilisan mo naman kanina kapa jan eh! Malalate na tayo!” naiiritang sinabi ni Elise, 7:00 kasi ang pasok namin tapos 6:30 kami nag simula nag lakad at nakarating kami sa labas ng school mga bandang 6:50 tapos lintek natanggal pa yung pag kakasintas nang sapatos ko.
“Oo sandali lang, isisintas ko pa ’tong sapatos ko” tugon ko, binibilisan ko na ang pag sisintas dahil baka mahuli pa kami sa klase namin
“Bahala ka jan, tatakbo’t mauuna na ako sa’yo, bye aron hahahaha” pang aasar niya sa’kin sabay tumakbo na siya papunta sa room.
Parang lagi talaga siyang nag hahamon na mag paunahan kami sa room pag malalate na kami, kaya pag katapos kong mang sintas ay kumaripas ako ng takbo papunta sa room namin.
“hah! hah! hah!” hingal ko habang mabilis akong tumatakbo, natatanaw ko rin si Elise na malapit na sa room namin kaya mas binilisan ko pa ang takbo.
Nag ka sabay kaming natapat sa pinto at bumati sa teacher namin habang hingal na hingal at pawis na pawis.
“Hahhhhh, goodmorning! po sir” pag bati namin, sabay pa kaming napa hinga ng malalim matapos namin bumati sa teacher namin.
“Muntik na naman kayo malate, Aron at Elise, maupo na kayo” sabi ni teacher sa’min.
Naupo na rin kami at si teacher naman ay nag hanap na kung sino ang mag lelead ng prayer.
Dahil makulit ako kiniliti ko si Elise sa tagiliran niya para pag nakiliti siya ay bigla niya nalang maitataas ang kaniyang kamay.
“Ano ba! Aron” pagalit na sinabi niya.
Hindi pa rin ako huminto sa pag kiliti sakaniya kaya maka ilang oras lang ay naitaas niyang kusa ang kamay niya.
“Teacher si Elise raw po” sigaw ko sa aming teacher.
Si Elise ang pinag lead ng prayer dahil nakita ni teacher na naka taas ang kamay ni Elise.
Nakataas naman ang kilay ni Elise ng tinignan niya ako bago siya pumunta sa may harapan.
“Mamaya ka sa’kin” pananakot niya sa’kin, hindi naman ako nasindak don bagkus naging excited pa ako sa sinabi niya.
Na tapos na siya sa pag dadasal at muling pinaupo ng teacher namin.
“Ikaw talaga Aron nakakainis ka!” galit na sinabi niya sa’kin habang naka tingin at naka taas ang kilay niya.
“Mamaya na ’yan, makinig na tayo kay teacher” sabi ko sakaniya, mukhang naka lusot na naman ata ako.
Pero akala ko lang pala yon, dinikitan niya kasi ng super glue yung upuan ko bago kami mag lunch.
“Eliseee!” sigaw ko sa pangalan niya, inis na inis ako dahil hindi ako agad naka alis at kailangan ko pa tuloy tanggalin yung pantalon ko, pero buti nalang may mga kaklase akong lalaki kaya sabi ko sakanila harangan muna ako para hindi makita ng mga babaeng kaklase namin.
“Salamat mga classmate” pag papasalamat ko sakanila.
Matapos ko matanggal sa pag kakadikit ko sa upuan ay agad akong pumunta sa canteen para hanapin don si Elise.
“Hoy! Ikaw kotongan kita jan eh” matapang na sinabi ko sakaniya.
Hindi ko inaasahan na tatapakan niya ng malakas ang paa ko, kaya napaaray nalang ako.
“Arayyy! tama na elise” sabi ko sakaniya sabay tinanggal niya na ang pag kakaapak ng paa niya sa paa ko.
“Akala mo matatakot mo ako hah” sabi niya sabay inirapan niya ako ng mata.
“Libre kona yung pag kain, kumuha kana tapos kuhuan mo na rin ako, gusto ko pareho tayo hah” sabi niya sa’kin sabay kumuha na ako ng pag kain namin.
Lagi ganon si Elise, matapos niya akong asar-asarin at saktan manlilibre talaga yon, mas nakakangat kasi sila Elise kesa sa’kin, may maliit lang kami na tindahan at yung kinikita ron ay halos 200 lang, madami na rin kasing tindahan sa’min kaya ganon kung wala yung hinahanap nila doon nila bibilhin sa’min at pag nag kataon na meron edi may benta kami pag wala naman edi walang benta, tapos patay na rin yung tatay ko, namatay siya dahil sa heart attack.
Pero kahit ganon pa man kahirap ang buhay ko nag sisikap pa rin ako, kagaya nitong nag susulat ng kwento namin, nag susulat siya para makaangat siya at maiparating niya sainyo kung ano ang nararamdaman niya at kung ano ang nasa isip niya.
“Eto na ang pag kain” sabi ko kay Elise sabay umupo na rin ako matapos kong iabot ang pag kain niya.
“Mag paka busog ka, aasarin at pag tritripan na naman kita mamaya” sabi niya sa’kin, hindi na ako mag tataka dahil inaasahan ko na naman yon.
Pag katapos niya kasi akong ilibre ay siguradong pag tapos non ay siguradong pag tritripan at aasarin niya na naman ako.
“Na busog kaba?” tanong niya sa’kin
“Oo, halikana” tugon ko.
Pag katapos namin kumain ay agad na kaming pumunta sa room, math time na naman ang pinaka ayaw namin na subject pero mataas ang grade namin.
“Answer this, 10-4×2+6÷3 is = to?” tanong nang math teacher namin.
Nag paunahan kami mag taas ng kamay ni Elise pero sa huli ako ang napiling sumagot ni ma'am.
“Okay Aron what’s your answer” sabi ni ma'am.
“4 po ma'am” sagot ko, hindi ako kinabahan dahil alam ko naman na tama yon.
“That’s correct, maupo kana ulet Aron salamat sa sagot mo” pag bati ni ma'am sa’kin.
Umupo na rin ako tapos bigla nalang akong kinalabit ni Elise.
“Ang galing mo ron Idok” sabi ni Elise, hindi ako pamilyar sa sinabi niyang *idok* kaya tinanong ko sakaniya kung ano ang meaning nito.
“Hindi kita maintindihan, ano yung idok?” tanong ko sakaniya.
“Ang ibig sabihin non ay *Idol* nakita ko lang sa phone ni papa yon eh” tugon niya.
Yun pala ang meaning non, ewan ko ba kay Elise kung ano anong salita ang natutuhan at nakikita sa cellphone ng papa niya.
“Ah okay” tugon ko.
Natapos na ang klase namin, 12 pm ang uwian namin tapos minsan 12:30 pag mag lilinis kami, pero tumatakas kami sa pag lilinis hahaha ayaw namin mag linis, kaya pag may nakakakita sa’min na tumatakas kami sinusumbong kami agad kay teacher.
Nag taka ako bakit wala na si Elise kaya nag tanong ako sa mga kaklase ko, lumabas daw si Elise dahil hinahamon siya ni Margareth.
Kaya karipas ang takbo ko para sundan si Elise.
“Feeling mo may crush sa’yo si Aron porket may pera kayo” sabi ni Margareth kay Elise.
“Blee hindi kalang gusto ni Aron eh” mapangasar na sabi ni Elise.
Akmang sasabunutan naman ni Margareth si Elise kaya pumasok na rin ako eksena.
“Hoy! wag niyo awayin si Elise” pasigaw na sinabi ko.
Napatingin naman sila sa’kin lahat dahil sa pag pasok ko sa eksena nila.
Pinuntahan ko si Elise at inakbayan ko siya, pati na rin si Margareth ay inakbayan ko at sinabihan ko sila.
“Marga ’wag mo na awayin si Elise, wala naman siyang ginagawa sa’yo at kung may problema ka sa crush crush na ’yon, wala akong crush mag aaral muna ako” pangangaral ko sakanilang dalawa.
Lagi nalang silang ganon, inaaway ni Margareth si Elise dahil nag fefeeling daw si Elise na crush ko siya, pero sa totoo lang wala talaga akong crush gusto ko muna ituon ang sarili ko sa pag aaral para makapag tapos ako, ayaw kona mag hirap kami hanggang sa pag tanda ko gusto kong maiangat ang buhay naming dalawa ni mama.
Matapos ang mainit na tensyon nilang dalawa ay umalis na si Margareth.
“Sorry Aron, pangako hindi na mauulet” pag papaumanhin niya sa’kin at kay Elise.
Sabay-sabay na kaming lumabas sa gate at ilang minuto lang ay nag hiwa-hiwalay na kami.
Kaming dalawa nalang ni Elise, lagi naman kami sabay umuwi kasi mag kapitbahay kami, minsan nga pag sinusundo siya ni tito pati ako sinasabay nila sa pag uwi.
“Bye Aron, punta ka rito mamaya hah mag lalaro tayo” pag papalam ni Elise.
Nag paalam na rin ako sakaniya bago ako pumasok sa bahay namin.
“Sigi elise” pag papalam ko sabay pumasok na ako sa’min.
“Mano po ma” pag bati’t mano ko kay mama.
Bumati na rin ako kay papa bago ako pumunta sa may kusina para kumain.
“Magandang hapon po pa” pag bati ko kay papa.
5 years old aki nung namatay si papa, kamukha ko siya kulay brown ang bilog ng mata namin tapos yung labi namin ni papa maliit at maganda ang korte, pareho rin makapal ang kilay namin.
Pumunta na ako sa may kusina at tinignan na kung ano ang ulam namin.
“Maaaaa!” tawag ko kay mama, dahil nagulat ako sa ulam namin.
Tocino ang ulam namin, paborito ko ang tocino ang sarap kasi tapos matamis din siya, minsan lang bumibili si mama ng tocino pag nakakabenta kami ng marami sa tindahan namin.
“Kumain kana anak, malakas kasi kita natin ngayon kaya tocino ang ulam natin” sabi ni mama sabay ngumiti siya sa’kin.
Kumuha na ako ng pinggan at kutsara sabay kumuha na rin ako ng kanin, napaparami pa naman kain ko pag tocino ang ulam pero ganon pa rin payat pa rin ako.
Inaya kona rin si mama pero sabi niya mamaya pa raw siya kakain.
Matapos kong kumain ay natulog muna ako para makaligo ulet at maka punta na kila Elise.
Ayaw kona sana matulog pero kailangan kasi maliligo ako.
──────────────────────────────────────────── (After 3 hours)
Pag gising ko ay nag madali na ako maligo dahil dalawang oras nalang ang natitira para makalabas ako, bawal na kasi ako lumabas pag 5:00 pm na papagalitan ako ni mama.
Pag ka tapos ko maligo ay agad na akong dumiretso kila Elise.
“Pupunta po muna ako kila Elise” pag papalam ko kay mama.
Pag dating ko sa gate nila ay nag doorbell na ako.
Si tita ang nag bukas ng gate dahil nasa taas daw si Elise
“Pumasok kana Aron” pag bati sa’kin ni tita.
Nag mano ako sakaniya tsaka ako pumasok, nakita ko rin si tito kaya nag mano na rin ako sakaniya.
“Mano po” sabi ko sabay hinimas-himas niya ang buhok ko.
“Mag papaka goodboy ka lagi hah” sabi sa’kin ni tito, tuwing pumupunta ako lagi niyang binabanggit yung tungkol sa pag papakagoodboy.
“Opo tito” tugon ko.
Umakyat na ako sa taas at nag tungo sa kwarto ni Elise, dahan dahan ako lumalakad dahil nakita kong bukas ang pinto at andoon siya sa may gilid kaya nag plano ako na gulatin ko siya.
“Wahhhh!” pag gulat ko sakaniya, nag pakita ng gulat na ekspriyon ang kaniyang mukha matapos ko siyang gulatin.
“Para kang tanga Aron, nang gugulat ka” galit na sinabi niya sa’kin sabay itinulak niya ako.
“Tsssk!” sabi niya sabay inirapan niya ako.
Natatawa naman ako dahil nainis kona naman siya, lagi ko siyang binubuwesit at iniinis ang cute niya kasi sa part na ’yon eh.
“Ano lalaruin natin?” tanong niya.
“Tagu-taguan tayo, tapos kung sino ang matatalo babasagan ng itlog sa ulo” tugon ko, pumayag naman siya na mag tagu-taguan kami at nag simula mag bato-bato pick para malaman kung sino ang taya.
“hahaha taya ka Aron, tumalikod kana tapos mag bilang ka hanggang 10” sabi niya sabay bumaba siya at nag simula na mag hanap ng tataguan niya.
Ako ang naging taya kaya ako ang mag hahanap sakaniya.
Pag tapos ko mag bilang ay nag simula na ako mag hanap, una akong nag hanap sa cr, doon kasi siya nag tatago eh kaya nahahanap ko agad siya.
Pero sa oras na ’yon ay wala siya don kaya sinubukan ko mag hanap sa ibang parte ng bahay nila.
Nakita ko siya sa may likod ng sofa, naka silip ang paa niya ron siguro akala niya hindi ko makikita yon, pero hindi ko agad siya pinuntahan nag dahan-dahan ako ulet lumakad papunta sakaniya.
“Huli ka!” sabi ko sakaniya, nagulat ulet siya at nagalit na naman.
“Kainis ka!, Lagi mo ako agad nahahanap” sabi niya sa’kin sabay tumayo na siya sa may sofa.
“hahaha ganon talaga, ikaw na ang taya” sabi ko sakaniya, umakyat na ulet kami sa kwarto.
Tumalikod na siya at nag simula mag bilang.
Pag tapos niya mag bilang ay nag simula na siya sa pag hahanap, hindi niya alam nasa likod lang ako ng pintuan, natatawa ako dahil bumaba pa siya, pero nag taka ako nung mapansin kong parang hindi na siya nag hahanap kasi halos 5 minutes na akong nag tatago ron, kaya bumaba ako upang silipin siya.
Pag baba ko ay nakita kong kumakain na siya.
“Ang duga! Mo Elise” sabi ko sakaniya, kumain na pala siya at hindi na ako hinanap.
“Blee, alam ko naman na nasa likod ka nang pintuan kaya hindi na kita hinanap tapos kumain nalang ako” mapangasar na sinabi niya.
“Ikaw talaga Elise madaya ka hahaha” sulsol ni tito sabay tumawa siya.
Nag tawanan kaming apat dahil sa nangyari, nasanay na rin akong dinadaya ako ni Elise sa tagu-taguan.