Nightwind's Point of View Eh? Nasa'n ako? Mausok ang paligid nang idilit ko ang aking mga mata. Wala namang masakit sa katawan ko kaya madali lang sa'kin ang pagbangon. Nang tuluyan na akong nakatayo ay do'n ko nakumpirmang wala ngang tao maski isa sa paligid. Hindi ko rin matukoy kung nasaan ako dahil na rin sa kapal ng usok. "Leader! Siren!" tawag ko sa mga kasamahan ko pero wala miisang sumagot. Inihakbang ko ang aking mga paa kahit walang eksaktong direksyon na nasa isipan. Nang mapagod ay umupo ako saglit at tinawag ulit sila. "Grim! Death Stalker! Dark Phoenix!" Pero tulad kanina ay wala pa ring sumagot. Hay, asan na ba 'tong mga taong 'to. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang may naaninag akong anino na pinapalibutan ng usok. Napatakbo ako papunta sa imahe nang biglang

