Third Person's Point of View Madilim, mausok, magulo, maingay, at madugo. 'Yan ay iilan lamang sa maaaring itawag sa Underworld Realm city sa ngayon. Ang dating organisado at tahimik na lungsod ay ngayon sentro na ng digmaang matatawag na pinakamalaking digmaan sa kasaysayan ng Realm. Madilim din ang paligid dahil naputol ang mga kable ng kuryente at gabi na rin. Lahat ng pwersa mula sa bawat panig ay binibigay na ang lahat para manalo. Umuulan ng bala kahit saan, magtago ka man ay mahahanap ka pa rin ng mga balang nagmumula sa iba't-ibang direksyon. May mga mamamayang naiipit sa gulo na pilit na sinasalba ng mga White family reapers. Kabikabila ang pagtalsik at pag-agos ng dugo. Tumatagaktak man ang pawis sa bawat reaper ay sinasalamin ng kanilang mga mata ang apoy ng determinasyon u

