Kiel's Point of View Ilang pares ng mga mata ang nakatutok sa'kin habang nakatalikod ako sa mga ito at nakaharap naman sa labas ng bintana. "Primo, ano ang ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ni Hades. "Nando'n kayo nang patayin ko ang Underworld Goddess dalawang taon na ang nakakaraan." "Pero Primo ano ang kinalaman nito sa lahat ng ito?" "Malaki, Secondus. Napatay ko lang naman ang mag-ina ko nang panahong 'yon." Nagdudulot ng pait ang ala-alang 'yon. Kahit kasama ko na ang mag-ina ko, hindi nawawala ang pangamba. Kaya nagdesisyon na ako. "W-what do you mean Primo?" Matinis at basag ang boses ni Lilith. Alam kong nakakagulat ang pag-amin ko sa kanila ngayon. Tama si Nana, kung gusto kong manatiling tapat sa akin ang Inferno dapat ay tapat din ako sa kanila. Kaya bumalik a

