Astrill's Point of View Mga nagkalat na reapers sa buong parte ng D University, isang normal ng makikita simula noong natagpuan ang pugot na ulo ni Suzako dalawang linggo na ang nakakaraan, ang ama ni Ciel at Kiel. Binulabog ng balitang ito hindi lamang ang Underworld Realm city kundi ang buong Underworld Realm sa buong mundo. Nasa code black na ang Dark Family sa pagtugis sa mga pugante na hinihinala nilang siya ring may kagagawan sa mga panggugulo rito sa syudad at sa ibang bansa. Inihagis ko ang newspaper sa loob ng silid ko matapos kong basahin ang headline ng newspaper at parang baliw na tahimik na tumatawa. 'Yong tawang walang lumalabas na tunog pero gumugulong na ako sa sahig. Pfft! Kung alam lang nila na ang pinuno ng Annihilation Team nila ay siya ring pinuno ng mga tinutugis

